I'm still here for you

179 1 0
                                    

"Oh? Himala at nakaalala ka"

Pagdating sa bahay ay nagreply na ako agad kay Aldrin. 10mins na hindi pa rin siya nagrereply. Nakatulog na siguro itong mokong na ito. Hmpf! Maghihilamos na nga ako at nang makatulog na.

Habang naghihilamos, tumunog ang cp ko. May nagtext. Ngunit hindi si Aldrin kundi si Kent.

"Hello mahal! Videocall tayo pwede?"

"Oo naman mahal. Kakarating ko lang ng bahay nagkita kami ni Zia. You know, for old time sake"

"Sige mahal tawag ako kasi mamaya aalis na uli ang barko mawawalan uli ako ng signal"

"Ok po mahal wait ko call mo"

Maya maya tumatawag na si Kent

"Hi mahal! Kamusta ka na? Ang ganda ganda mo naman"

"Sus! Andyan ka na mambobola ka pa hahahaha kamusta ka naman? Ang haba na ng buhok mo ah. Kelan ang uwi mo?"

"Baka after 2 months. Yun yung nakalagay sa contract ko. Namimiss na nga kita eh. Sorry ah kung LDR tayo."

"Ano ka ba? Ok lang yun. Dapat nga intindihin ko eh. Oo nakakamiss ka... kaya lang alam ko naman na marami kang obligasyon and naiintindihan ko."

"Ang swerte ko talaga sa gf ko. Yung mga kasama ko rito sa barko, ayun yung mga gf nila iniwan sila kasi nakahanap na ng iba. Sana hindi ganon mangyari sa ating dalawa"

"Wag ka nga mag-isip ng ganyan. Mahal kita at ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko"

"I love you too, mahal. Pagdating pala namin sa Europo magpapadala pala ako sayo para panggastos mo"

"Yan ang wag mong gagawin. Ayoko naman isipin ng pamilya mo na pati ako binibigyan mo and besides may work ako ano ka ba?"

"Ok po mahal. Oh siya mahal end call na ako. Aalis na raw kami. I miss you. I love you."

"I miss you too and I love you too"

Pagbaba ng tawag, may nagtext pala sa akin. Hindi si Aldrin kundi ang mama niya.

"Good evening Sam. Pwede ka bang makausap?"

"Yes po Mame. Kamusta po?"

"Sam nag-uusap ba kayo ni Aldrin? Nag-aalala kasi ako sa batang yun. Madalas umuuwi ng gabi at hindi kumakain. Pagdating ng bahay minsan lasing. Hindi naman nagkekwento kung anong nangyari. Ang hinala nga namin ay break na sila ni Jennifer"

Nalungkot ako at nag-alala sa nabasa ko. Ano nga kayang problema ng kaibigan ko? Kaya ba siya nagtext sa akin ngayon dahil kailangan niya ng kausap? Nagreply ako sa mama niya

"Mame matagal na po kasi kaming hindi nagkakausap ni Aldrin kaya wala rin po ako idea kung bakit siya nagkakaganyan. Nakakalungkot naman po. Pero sige po subukan ko pong kausapik siya or punta na lang po ako diyan sa inyo bukas para makamusta na rin po kayo."

Nagreply naman agad si Mame

"Oh sige Sam salamat ah. Ikaw nang bahala kay Aldrin. Hindi naman ganyan yung bata na yan eh. Oh siya matulog ka na iha gudnyt!"

"Opo mame. Gudnight din po"

Ano nga kayang problema ni Aldrin? Tinignan ko ang Facebook account niya. Wala naman update. Naka-in a relationship pa rin naman siya pero hindi na nakatag si Jennifer as gf niya. Tinignan ko ang account ni Jennifer. Kaya lang nakaprivate at hindi naman kami friends sa fb. Hindi ko tuloy alam kung anong dahilan ng pagkalungkot ni Aldrin. Bigla tuloy ako nakunsensya at hindi ko man lang siya nakakamusta.

Namiss ko rin ang kaibigan ko. Matagal ko na rin naman nang natanggap na hindi niya ako gusto. At mahal na mahal ko si Kent at pinaramdam niya sa akin na kaya kong magmahal uli. Mahal ko si Kent. Mahal ko rin si Aldrin bilang kaibigan. Kaya hindi naman mawala sa akin ang mag-alala.

Nag-ayos na ako ng aking sarili para matulog na. Bukas after ko sa work ay bibisitahin ko ang kaibigan ko. Magsend muna ako ng message sa kanya bago ako matulog.

Paano nga ba mag-move on?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon