C H A P T E R F O U R

11 1 0
                                    

Amanda's POV

It's 2 in the morning when I woke up because of the sounds and vibrations of my phone. Thought of it as an alarm. Not noticing, sir Liam is calling me. Sinong matino ang tatawag saakin ng ganitong oras ng madaling-araw?

Sa huling pagkakataon, tinawagan niya akong muli at sinagot ko na ang tawag.

"M-Melody? Fuck you Melody for hurting me! Melody!!"

"S-Sir? Ayos ka lang po ba?"

"Anong sir?! Ang bilis mo naman akong kalimutan! Ganiyan na ba talaga kayong mga babae?! Putangina niyo! "

"Lasing ka ba?!"

"You made me do this. Ah! My head! Shit!"

"Liam, are you oka--? "

"Don't call my name, bitch. You-"

"Excuse me po sir! Sarado na po yung bar, tama na po yan"

"Nasa bar ka?! "

"Wala ka na don--! Ano ba?! Ba't mo ba ko hinahawakan?! Get your filty hands off me!"

"Liam, where are you?!"

"Ah shit! Hey--!"

Then he hung up. Where is he exactly? Napa-iling na lang ako at kinalimutan ang nangyari.

Pero bakit naglalasing si Sir Liam?

Melody.

Baka nag-away sila ng girlfriend niya? Or perhaps, nag-break?

Hey. Why am I feeling happy? What are you thinking, Amanda?

"Hey, don't think that way. Erase that thought of yours!"

Nasabi ko na lamang sa sarili ko at huminga nang malalim. Umiling ako at napalingon sa cellphone ko na nakatanggap ng text message galing kay Liam.

Sender: Unknown number

Ma'am, pwede niyo po bang sunduin si Sir dito? Kayo lang po kasi yung nakita naming contact number sa phone niya. Nandito po si Sir sa Explicit bar. Thank you.

-manager

Why me?! Out of all the people? Why me?! Wala bang kaibigan si sir na lalaki?! Ang bobo naman ng manager!

Wala naman akong nagawa kundi sumugod dun sa bar na pinuntahan ni Liam. Inayos ko na ang sarili ko at pinuntahan na siya. Ang kulit naman kasi ni Liam eh!

Nang makarating ako sa bar, nakikita ko ang dalawang lalaki na nagbubuhat sa isang walang malay na lalaki. Aish, that boy!

"Liam! Ano ba namang sumabit sa utak mo at magpakalasing ka?" Napailing ako at kinuha yung paa niya para buhatin.

Isipin na lang na yung dalawang lalaki hawak ang upper body niya at ako naman yung paa niya. Mukha siyang, ay nako! Kinahihiya ko na 'to.

"Thanks po ma'am. Sa susunod po huwag niyong hahayaan yung boyfriend niyong maglasing." I looked at him in disbelief. Boyfriend? Duh? I'd rather die! I am feeling sick!

"O-okay. Sure" Sabi ko at binigay saakin ng lalaki ang susi ng kotse ni Liam.

"Nahulog yan kanina, baka susi ng kotse niya. Iwanan na po namin kayo. Thanks ulit!"

Are they leaving me with this drunk man?! Omg, I can't believe this is happening to my life. What am I supposed to do with this little fluff?

Binuksan ko yung pinto ng kotse niya at sinakay siya sa backseat. And one thing came up to my mind.

Your Beloved MurdererTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon