Santo Demonyo (The Remake Edition) In The Myth

405 8 1
                                    

GALIT na galit ang mga mata ni Lourdes nang gabing iyon. Binulsa niya ang hawak na baril pagkatapos ay mabilis na lumabas ng bahay. Habang pumupunta ito sa bayan palihim siyang nagdaan sa isang shortcut sa maliit na gubat. Sinikap niyang walang taong may makakakita sa kanya. Habang naglalakad siya palagi itong lumilingon sa paligid at laging kinakapa ang baril sa bulsa.

Nang makapunta siya sa pupuntahan ay dumeretso ito sa lumang waiting shed kung saan naka-puwesto ang pinaniniwalaang mapag-himalang santo. Nadatnan iyon ni Lourdes na naka-display sa maliit na lamesa sa dulo.

Marahang lumapit si Lourdes doon habang tinititigan ang santo. Nagbabaga ang kanyang mga mata na may kasamang luha. Galit na galit.

“Ikaw ang dahilan ng lahat ng paghihirap ko… Ikaw ang dahilan sa pagkamatay ng anak ko. Pagbabayaran mo ang lahat ng mga ginawa mo!”

Akmang papaputukin na ni Lourdes ang baril nang biglang lumiwanag ang santo at naging tao ito. May sungay ito. Mala-kabayo ang mukha. Mahaba ang buhok at balbas. May mahaba itong sungay at mahahabang mga daliri. Nag-aapoy ang mga mata nito sa galit.

Napa-atras doon si Lourdes at ibinaba ang baril. Nagulat ito at doon nagsimulang magsi-tayuan ang kanyang mga balahibo. Nawala ang tapang na kanina’y naghahari sa kanyang katawan. Napalitan iyon ng doble-dobleng takot.

“Ikaw ang nanalangin sa akin. Ako ang nagbigay sayo ng kayamanan at magandang buhay. Ako ang nagbigay sa iyo ng anak. At kung sa ganyang paraan mo gusto gumanti, nagkakamali ka. Kayang-kaya kong bawiin lahat ng mga ibinigay ko sa iyo!” ang mabangis na wika ni satanas pagkatapos nilapitan nito ang babae.

Napilitang paputukin ni Lourdes ang hawak nitong baril ngunit bawat bala na lumalabas doon ay bale-wala lang sa mahiwagang lalaki. Tumatagos lamang ito sa kanyang katawan at kahit na kaunting kiliti ay wala itong nararamdaman. Mabilis nitong hinawakan ang leeg ng babae at sinakal ng ubod ng higpit pagkatapos ay nabuhat pa niya ito sa pamamagitan lamang ng isang sakal.

Halos mawalan ng hininga si Lourdes doon. Gusto man niyang lumaban pero habang tumatagal ay lalong namamanhid ang kanyang katawan. Nararamdaman niyang unti- unting lumalambot ang kanyang leeg na parang hihiwalay ito sa kanyang katawan.

“Katapusan mo na!” malakas na sambit ng mahiwagang lalaki at hindi nagtagal naiwan sa kanyang kamay ang ulo ng babae at ang katawan nito ay bumagsak sa lupa. Mabilis ang pagdanak ng dugo sa leeg at nanginig ang katawan bago ito tuluyang mawalan ng buhay. Tumutulo naman ang dugo sa bibig at ilong ng ulo ng babae.

Nagpakawala ng malakas na halakhak ang mahiwagang lalaki habang unti-unting pumapasok sa kanyang bibig ang usok na nanggaling sa katawan ni Lourdes. Ang kanyang kaluluwa! Pagkatapos ay binitawan ng mahiwagang lalaki ang ulo sa semento. Pagkatapos ay nagbalik ito sa dating anyo na tila walang nangyari…

PAGKALIPAS NG ISANG TAON.

“Heart mag-handa kana aalis na tayo.” Ginising na ni Rodolfo ang asawa nitong si Elizabeth.

Sina Rodolfo at Elizabeth ay tatlong taon nang mag-asawa ngunit hanggang ngayon ay wala pa silang anak. Baog si Elizabeth kaya hindi ito maaring manganak. Pero sa kabila ng lahat ng iyon hindi pa rin sumuko ang mag-asawa sa isa’t isa.

Hindi nila sinira ang kanilang pagsasama dahil naniniwala silang may paraan para doon.

Ang naisip na paraan noon ni Rodolfo ay mag-ampon na lamang sila upang makaranas din ang mga ulilang bata ng pag-aaruga ng mga magulang pero todo tanggi naman si Elizabeth.

Gusto niya talaga magka-anak na sa kanilang mag-asawa mismo manggagaling. Ayaw din magpunta sa doctor ng babae dahil batid nito na walang magagawa ang mga doctor doon.

Santo Demonyo (The Remake Edition) In The MythTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon