Heto Lang Kasi Ako
Di naman ako maganda
Simple lang kung pumorma
Pantalon at t shirt lang ayos na
Di ako maarte gaya ng ibaDi rin ako sopistikada
Hilig ko lang gumawa ng tula
Malayo ako sa inaasahan mo
Kaya hindi ako bagay sayoKabaliktaran mo ako
Kaya paano tayo magkakasundo
Lahat ng bagay na ayaw mo
Ay siyang gustong gusto koHindi naman ako perpekto
Malayo sa ekspektasyon mo
Heto lang kasing maipagmamalaki ko
Itong pagmamahal ko sayoAlam kong gasgas na ito
Pero sasabihing, ikaw ang mahal ko
Hindi ako magsasawa sayo
Kahit di ako ang piliin moHeto lang kasi ako
Taong hindi perpekto
Nangangarap na mapasayo
Kaya sana'y mapagbigyan mo
BINABASA MO ANG
Tula Para Sa Aking Mga Naging Sinta
PoetryMga salitang di mabigkas Kaya pilit na tumatakas Mga salitang di masabi Tinatago nalang sa paghikbi Mga salitang di magawa Aking idadaan sa tula Bunga ng pagmamahal at pag-iwan nila Lahat ng ito'y aking nailathala