"Do you think you'll love to stay here for the rest of your life? With me?"
Napatitig ako kay Kiel na titig na titig din sa akin habang kalong nito si Snow. Looking at them together, hindi talaga maipagkakamaling mag-ama sila.
Am i ready to be a wife? Natanong ko sa sarili ko, mahal na mahal ko sila pero hindi ko pa alam ang sagot sa tanong na yun. Maybe? There is no way to find out but try. But what if I find out I can't? Mas lalo tuloy gumulo ang isip niya dahil sa mga katanungan pumapasok sa isipan ko.
"Baby?" may pag-aalala ang mukha niya.
"I'd love to Kiel but I am scared."
Ngumiti ito na lumapit sa akin at hinapit ako sa baywang.
"I'll be by your side baby, hinding-hindi kita iiwan. We'll get this through together, as family, tayo at si Snow." malumanay na sabi niya at humalik sa noo ko.
Napayakap naman ako sa kanya, "I love you, Kiel, hindi ko akalaing may ganito kang katangian."
Natawa ito sa hindi ko malaman na kadahilanan kaya naman napatingala ako ako sa kanya.
"Why baby?"
"Pareho pala tayo nang iniisip. Hindi ko rin akalain na magiging ganito ako. Gusto mo bang maligo? Ang princess ko di ba gusto maligo niyan?" bumaling ito kay Snow at itinaas ang kamay saka pinanggigilan ang kilikili.
"Daddy no!" Snow giggles.
"Hali na kayo sa taas, nang makapagpalit na tayo."
"May damit na kami rito?"
Ngumiti ito nang malapad at napakamot sa batok.
"Meron na, boy scout yata ako. And since pumayag ka na, pwede na ba tayo lumipat dito bukas?"
"Bukas agad? Alam mo bang mangyayari na ang lahat ng ito?"
"Yeah, well kinda, pero hindi ko inaasahan na mas magiging maaga."
"Ang lakas ng self confidence ah." nangingiti na sabi ko. "Baka magtaka si mommy at daddy mo na bigla nalang tayong lilipat."
"They wont, alam nila ang plano ko. Well, mamimiss nila si Snow but they can visit anytime. Sina Andy muna guluhin nila." natatawang dugtong niya. "Come on, bihis na tayo at makaligo na."
Hinawakan niya na ako at hinila sa taas papunta sa isang pinto. As he opened the door, nanlaki ang mata ko sa ganda ng kwarto. Same sa baba, glass rin ang isang wall with the view of the ocean.
"Im glad you like it."
"Paano ka nakabili ng ganitong property? I mean, kung ako may-ari nito, never kung ibebenta."
"Same sentiments with my grandfather, pinamana niya sa akin, pero yung bahay pinabago ko."
Lumapit ako sa mag-ama ko at kinuha si Snow.
"Look baby, this is going to be our house. Diba ang ganda?"
"Danda."
"Yes baby, ang ganda."
Masayang niyakap ko si Snow at naramdaman ko ang paglapit ni Kiel sa amin at ang pagyakap mula sa likuran.
"I love you, my babies." sabi pa niya at humalik sa ulo namin ni Snow.
BINABASA MO ANG
OPPOSITE POLES (COMPLETED)
Fiksi UmumLissy Marie Antonnette Flores, an international model who is at the peak of her career. Abot tanaw niya na ang lahat ng mga pangarap niya. Ngunit paano kung dahil sa isang pagkakamali ay maglaho ang mga pangarap na iyon? Pagkakamali na bumuo ng isa...