Hi again, ate @sweetmagnolia! Ate, wag ka magtaka kung bakit palagi kang madedication saken, kasi sa simpleng pagbabasa ng story mo, it always inspiring me to improve and to write it more! God blessed and more power to you! ^_^
IX. ORDINARY DAY
It's been almost one month since that day.. na huli kaming nagkausap ni Sakris Enzo. Pagkatapos non, tuluyan ng nawala ang communication naming dalawa, he didn't even text me at hindi ko na din siya tinext, kahit minsan kating-kati yung mga kamay kong magtype ng message sa kanya, pero sa huli hindi ko naman mai-send.. andami na ngang nakaimbak sa draft ko, lahat mga text ko dapat sa kanya.
Ewan.. nasanay na din siguro ako na halos araw-araw kaming magkausap at nagpapalitan ng text messages. Last time nga, kamuntikan ko na naman siyang mai-text, i-update ko sana siya about sa Up Coming U-Week or University Week namin sa school, sa sobrang excited ko nakalimutan ko na.. Oo nga pala, hindi na kami magkatext ngayon... kinancel ko kaagad at buti nalang din wala akong load that time, dahil kung hindi.. for sure, nagsend yun sa kanya. Kaya simula non, hindi na din ako nagpapaload, mahirap na.. at list matext ko man siya dahil nakalimot na naman ako, hindi yun mase-send dahil wala akong load.
Linggo na naman ngayon. Syempre, excited ulit ako dahil maya-maya lang makikita ko naman si Sakristan Willson! ^O^ Normal na saken yan, siya naman talaga yung isa sa rason kaya nabubuo ang buong linggo ko eh, na kahit umulan o bumagyo, magsisimba at sisimba pa din ako para masilayan siya. He's my inspiration, my happiness and why my sunday is always perfect. Sa ngiti palang niya, buo na agad ang 7 days a week ko.
Mag-isa lang akong nagsimba ngayon, usual.. don ako naupo sa pwesto namin ni Mama sa gitna sa bandang unahan. Napangiti agad ako nong narinig ko yung tunog ng bell, hudyat na magstart na ang misa, kasabay non nagsimula na din kumanta yung mga choir. Then, isa-isa nang naglakad sa gitna papuntang unahan ng altar sila Pader, nangunguna yung commentator na may hawak ng bible, kasunod naman yung mga lay ministers tapos yung grupo ng mga Sakrsitan.
I secretly smiled nong tumapat sa pwesto ko si Will. Sumimple ako ng sulyap sa kanya, magkaline sila ni Kuya kaya di obvious na siya talaga yung tinitingnan ko. Pagkalagpas nila, yung ibang mga sakristan na yung sumunod at si Pader na yung nasa pinakalast, hanggang makarating na sila sa unahan ng altar. Yung ngiti ko nabawasan.. Wala na naman siya.. sabi ko sa isip ko.
There's a part of me na nalulungkot, kasi.. hindi ko na masyadong nakikitang nagseserve si Enzo. Ilang linggo ko na din siyang hindi nakikita don sa oras ng misa na ina-attenand namin ni Mama, yung 6pm mass. I'm not sure kung hindi naba siya nagseserve or baka nagchange lang siya ng timing ng pagseserve niya, it's either sa morning or afternoon mass na siya nagseserve. Nasa kanila naman kung anong oras nila gustong magserve eh, tulad ng ginagawa ni Kuya, minsan sabay sila ni Mama magpunta ng simbahan sa umaga. Kaya minsan, mag-isa nalang din akong nagsisimba sa evening mass. Wala naman na si Enzo at hindi na din kami magkatext kaya hindi nako naiilang..
Although, I admit.. nasa tuwing magsisimba ako, umaasa akong makikita ko man lang siya, even for once lang para naman kahit paano mabawasan yung pagkaguilty ko sa ginawa kong kalokohan sa kanya noon. Just to see and to know kung okay lang ba siya or kung okay na sya.. alam ko, nasaktan ko siya don sa huli naming pag-uusap over the phone. Hayts!
Sa totoo lang.. tuwing gabi, bago ako matulog.. naiisip ko pa din yung kasalanan ko sa kanya. Nakokonsensya talaga ako.. at madami ding 'what ifs' sa utak ko, katulad nang.. paano nga kaya kung ako mismo yung nagpakita at humarap sa kanya nong meet up namin, does he feel the same way? yung 'heartbeat na sinasabi niya kapag magkatext kami. Kung Oo, anong kayang mangyayari? Itutuloy ba niya yung sinabi nya noon na 'he will prove himself and his feelings to me?
BINABASA MO ANG
Mr. SAKRISTAN [FIN]
Teen Fiction❝I pretended to look around, but I was actually looking at you...❝ This is a COMPLETED series. Written by ChastineCabs_11 © 2014 All rights reserved.