Mula pagkabata kayo ang aking nakasama
Nasanay nang kayo ang laging karamay
Mga nagawa nating kasamaan at kalokohan
Ay hinding-hindi ko malilimutan kailanman.
Kayo ang dahilan ng aking kasiyahan
Naging sandalan sa oras ng kagipitan
Maging sa kadamutan kayo ang kasabay
Kasalanan ng isa, Kasalanan ng lahat.
Mga kalokohang naging ugat ng asaran
Mga asaran na pinagmumulan ng tampuhan
O kaya’y tampuhan na nagiging awayan
Pero ang awayan ay natatapos sa tawanan.
Marating man ang sukdulan ng pangarap
Hinding-hindi ko kayo iiwan magpakailanman
Kaibigan na laging nagpapa-alala ng pag-asa
Ay ang taong maasahan mong tunay.
Ako ay nagpapasalamat kayo ay nakilala
Dahil hindi nagkamali sa inyong pagkakakilala
Bawat ala-alang lumilipas sa ating pagsasama
Dadalhin ko san man ako magpunta.
-----------------------------------------------------------------------------
:) Dedicated this to my Bestfriends :)
#BlytheQueenieAmadar #MikadhlSagario
I Love You Both!
Ginawa ko to kasi kailangan namin nun gumawa ng Tula para sa Portfolio namin sa Filipino (Project)
Di naman po ako Sobrang Galing sa Ganto .. pag pasensyahan niyo nalang po..