Lihim na Pagibig

95 1 0
                                    

Noong unang kita pa lamang

Ako’y sayo ay may pagtingin

Ngunit puso’y di kayang umamin

Baka ito ay iyong biguin.

Nang ika’ymapalapit sa akin

Ibang saya ang aking damdamin

Pakiramdam na sayo lamang natamasa

Puso’y nagkaroon ng konting pag-asa.

Ngunit ang puso’y biglang nagpighati

Nang malaman may ibang kahati

Para bang nahulog mula alapaap

Nakadama ng sakit at hirap

Alam kong mali na ito

Dahil ikaw ay hindi akin

Ngunit ako ba’y iyong masisisi?

Kung ikaw ang labis na iniibig?

Sana ay iyo ring makita

Ang aking tunay na halaga

Para maramdaman din ang sakit

Tulad ng inosenteng pusong nasaktan.

--------------------------------------

Dedicated duuuuuuuuuuuun .. basta dun .. hahaha

Ginawa ko to para sa Project ko nun sa Filipino :)

Sorry di ako magaling dito eh.

Lihim na PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon