Chapter 1

63 4 3
                                    

(Edited. Third Person POV)

A/N 1: Sa mga nakabasa na ng part na 'to, no worries, dahil kunti lang ang binago ko ;) I believe it will be more appropriate for the story. :) I also deleted the Prologue part. I realize it may not be necessary. Pls bear with me. Happy reading!

P.S. This very first chapter is dedicated to  @Rheiguel . She's a friend of mine in the world of facebook, at unang nagbasa ng kuwento ng Immortal. Kahit medyo shunga 'yung pagkakasulat ko sa first draft, mukhang nagustuhan niya :) Hehehe! This time, it will be better. Sana mas ma-enjoy mo 'tong edited version ng #Immortal, now #WakeMeUpGanahra <3

Enjoy writing and happy reading (soon).

Love,

Kai

🔷

1967, Manila

HULI na ang lahat. Nasambit na ni Ganah ang pinakahuling parte ng engkantasyon.

Steffen's body begun to cramble. The hot, blinding red light consuming his soul. Parang marahang ipo-ipo ang nakasisilaw na liwanag, tangay ang katawang tila kristal. It was so transparent you would think it is made of clear glass and mist.

Naiwan ang katawang lupa, unti-unti itong naging abo. At ang kaluluwa ni Steffen ay lumipat sa isa pang katawang mahika ang siyang bumubuo.

Binasa niya ang isinulat sa panibagong pahina ng kanyang lumang kuwaderno, saka nag-isip nang malalim. Tungkol sa panaginip.

Oo, galing ang mga ito sa panaginip, parang alaala, na isinusulat niya bawat detalye sa isang makapal na kuwaderno. Hindi niya kilala ang mga taong nakikita o nababanggit sa kanyang panaginip, subalit nagkaroon siya ng interes na isapapel ang mga ito. Ang mga isinusulat niya sa bawat pahina ay tinatawag niyang "Ghost Diary".

Nasa malalim pa rin siyang pag-iisip nang may kumatok sa pinto ng kuwarto niya, kasunod niyon ay ang tinig ng kanyang ama. "Yana, kumusta na'ng pakiramdam mo, 'nak?"

"I'm fine, Dad. Thank you," sagot niyang hindi na inabalang tumayo at pagbuksan ito. "Iinuman ko lang ito ulit ng gamot, and I'll sleep."

"Siya, magpapaakyat ako rito ng tubig sa Mommy mo." Sunod kong narinig ang mga yabag niya papalayo.

Wala katulong ang mga Ellura para magdala o mag-abot ng mga kailangan nila bagaman hindi maikakailang may sinasabi sila sa buhay.

Yana's parents doesn't spoil her. Pero may mag-inang pumupunta sa bahay nila dalawang beses sa isang linggo para maglinis at maglaba. Ang mga hindi ng mga ito nagagawa ay siya ang gumagawa.

Katabi ng nakahilira niyang mga pabango ay ang maliit na medicine box. Kinuha niya iyon at binuksan. "Ubos na pala ang gamot ko." Ibinalik niya sa pinaglalagyan ang kahon, saka tumayo.

Yana's Dad, Marcus Ellura, is a private lawyer; and her mother, Aliana Gasque-Ellura, is an early retired professor. May sakit kasi ito sa puso kaya binawalan ng padre de familia na magtrabaho pa. Upang hindi mabagot ang ina ni Yana, katu-katuwang niya ito sa tatlong malalaking flower shop niya.

Wake Me Up, GanahraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon