//Alwhena Nessa//*Chapter 1*

54 1 0
                                    


PROLoGUE:

May mga bagay talaga sa mundo na sa una maguguluhan ka pero sa huli ay mas mauunawaan mo.Ako nga pala si Alwhena Nessa ,18 yrs. old,di ako tunay na anak ng aking mga kinikilalang mga magulang ngayon,ang sabi nila sa akin ipinagbilin ako ng aking ina sa kanila upang maligtas ako sa kaguluhan at lagi nilang ipinapaalala sa akin na mahal na mahal ako ni ina at babalikan nya ako at kailan man wag akong magalit sa kanya.Di ako galit sa aking tunay na ina kung di sya bumalik ayus lang kasi may mga magulang naman ako na nandyan para sa akin.kung tungkol naman sa aking ama patay na daw ito dahil sa digmaan,pero digmaan saan at kelan? di na iyun sinasagot basta patay na sya.Napakaganda daw ng aking ina isa syang Dyosa ng kagandahan kagaya ko daw nung una natatawa talaga ako pagsinasabi nila sakin yun

ang totoo kasi nyan di talaga ako maganda,tampulan din ako ng tukso ,maliit ako medyo maiitim,at mahabang mga buhok na animo'y parang walis tingting.kaya parang napakaimposible diba di ko nadin inaalam ang tungkol sa kanya sina mama at papa lang ang nagsasabi.

Di lang ako ang paboritong tuksuhin ng mga tao sina papa at mama din,kasi di naman sa nilalait ko sila pero ang mama ko ay parang kahawig ni shrek ,maliit ang mga tenga ,medyo mataba,ganon kaya tinawag nila itong shrek .Ang aking papa naman ay kirat ang mata payat at bungi basta ganon,kaya parang naniniwala talaga ako na tunay nila akong anak kasi mga panget kami hahaha,joke lang yun syempre sa mga mata ko sila ang pinakamagandang magulang sa balat ng lupa..isa lang  ang tumanggap sa amin ang pamilya nina Dexter.

nagpapasalamat ako sa kinila sobra kasi sobrang bait nilang amo samin,oo tama kayo nagtatrabaho nga kami sa kanila at bestfriend ko din si dexter yung kaisa-isa nilang anak.simula !st yr. high school ,kami na ang magkasama kasi wala ding gustong makipagkaibigan sa kanya gawa ng nerd daw sya,kasi parating makapal ang salamin,mabigat ang bag,basta nerd talaga sya at kaming dalawa lang ang nagdadamayan,tampulan din kami ng tukso ni dexter pero di nalang namin pinapansin immune na kumbaga .

ALWHENATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon