KABANATA 33

5.6K 256 8
                                    

Seven o’clock.  Magkasabay kaming natulog ni Jasmine; ako ang humiga sa kutson sa sahig, s’ya naman sa kama. Normally, mahirap para sa 'kin ang makatulog sa ibang bahay, kaya it's really surprising na nakatulog ako agad. Napagod lang talaga siguro ako sa biyahe.

Alas onse na ng gabi nang maalimpungatan ako. Pumaling ako paharap sa kamang hinihigaan ni Jasmine at napansing wala ito sa kanyang kinahihigaan.  Agad akong bumangon; Luminga-linga.  At nang masiguro kong wala nga ito sa buong k’warto, saka lang ako tumayo para hanapin ito sa labas.

Madilim sa labas ng silid, pero may napansin naman akong reflection ng nakabukas na ilaw nangmumula sa ibaba ng hagdanan. Ito ang nagsilbing liwanang ko para maaninag ko ang nilalakaran ko, kahit na sa totoo lang, hindi ko pa rin talaga masyadong maaninag ang dinaraanan ko.

Marahan kong binagtas ang daan pababa sa hagdanan. Pagkababa ko, may nakita akong reflection ng ilaw na nagmumula sa dining room;  kung saan ako bumantulot patungo sa may pintuan nito, upang masilip ko kung ano--o sino, ang naroro'n.

“Wala na si Jessica.”  ‘Yun ang una kong narinig mula kay Nana Azon. Kausap nito si Jasmine.

“Ano pong ibig n’yo sabihing wala na?” Garalgal ang boses ni Jasmine. "Nakausap ko lang ito nung kabilang linggo ah. Ito pa nga ang nagsabi sa 'kin na pumarito ako sa inyo."

“Natagpuan daw itong patay sa silid namin isang umaga.  Ang ipinagkakalat ng ibang mga katulong, binangungot daw pero…”

“Pero ano po?”

“Alam kong may pumatay sa kanya.”

“Pero sino naman po ang gagawa no’n.”

“Alam mo na kung sino.”

“Si Mama?”

“Hindi s'ya ang Mama mo! Alam mong hindi ito ang tunay mong ina! Wala ka na sa mansyon? Hindi mo na kailangang tawagin ito sa marangal na titulong ‘yun.”

“Alam ko po pero bakit naman n'ya gagaw--”

“Ayon kay Bebet, may natuklasang sikreto si Jessica nang aksidenteng naulinigan nitong nagtatalo ang Papa mo at ang madrasta mong si Cassandra. Sinabi raw ito ni Jessica sa kanya, nang minsang nagkaroon sila ng pagkakataong makapag-usap nang palihim."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza) 2014, All rights reserved.

“Tungkol saan daw po ang sikretong ‘yun?”

“Tungkol sa Mama mo, at sa kakambal nito. Ang misteryosong pagkawala ng inyong ina, ang tunay na nangyari sa kanyang kakambal at ang tunay na naganap kung bakit hindi sumipot sa kasal nila ang nobyo ni Janelle.”

“May kakambal si Mama?”

Tumango ang matanda.

“At ano naman ang dahilan kung bakit hindi sumipot ang nobyo ni ate?”

“Ayon kay Jessica, narinig nito mismo mula sa bibig ng inyong madrasta, na may kinalaman ito sa hindi pagsipot ng nobyo nito noong araw ng kanilang kasal. Tinakot nito ito at pinagbantaan. Pero sa kabila no'n, nagpursigi pa rin ang nobyo ng ate mo, kaya bilang parusa, ipinapatay raw ito ni Cassandra, at ipinatapon na lang ang bangkay nito sa malayong lugar. Nangyari raw ito isang araw bago ang kasal nito at ng ate me.”

“Ano?! Pero bakit ang sabi ni Mam--Cassandra, s'ya raw mismo ang kinausap ng nobyo ni ate para--”

“Maraming kasinungalingan at gawa-gawang kwento ang ipinalabas ng madrasta mo, para papaniwalain ang Papa mo, tayo at ang mga tao. Gumamit at gumagamit pa rin ito ng napakaraming tao para ipagkalat ang kasinungalingang ito. Tulad na lang ng mga maling paniniwala ng mga tao sa subdivision, tungkol sa kaluluwa diumano ng ate mo, na nag-iikot sa palibot, upang patayin at sunduin ang kaluluwa ng sino mang babanggit sa pangalan nito.”

SindakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon