6~

13.3K 133 17
                                    




Ipinagpatuloy nalang naming magbabarkada ang pagjajamming matapos umalis si Carl. Pero hindi pa din mawala sa isip ko yung galit niyang mukha kanina. Siya pa ba ang may karapatang magalit?



Wala ding alam na dahilan si Ericka sa pagdadabog ni Carl. At kung hindi ako nagkakamali, ang dahilan ni Carl ay ang muntik na pagkakahalikan namin ni Vince. Eh bakit? Sila din naman ni Ericka ah? Siya nga itong nanguna! Pwede naman siyang tumanggi sa ganon pero sige lang siya. Nainis lang ako kaya pumayag akong gumaya kami ni Vince.



Medyo nagi-guilty ako. Gusto ko nga sana siyang sundan kaso baka makahalata sila. Baka kung ano pang isipin nila. Nakakainis kasi! Bakit ba hindi pa nila sabihin sa barkada na hindi na talaga sila? Kung totoong gusto ako ni Carl, dapat sana kanina palang, sinabi na niya. Mahal niya pa ba si Ericka?



"Tulala ka." kalabit sa akin ni Vince. Agad akong napatingin sa kanya, ngumiti ako ng pilit. Kumuha ako ng chips tapos kinain ko. Patuloy lang sa paggigitara si Jasper habang nakatingin kay Lena na ngayon ay nakayuko, siguro kinikilig.



Hindi talaga ako mapakali. Gusto kong puntahan si Carl. Gusto ko siyang kausapin. Hindi ko alam kung nasan siya ngayon. Nakakapagtaka nga na hindi man lang siya sinundan ni Ericka kanina.



Dahil hindi nga ako mapalagay, tumayo ako at nagpaalam na magbabanyo. Nahuli ko pa ang kakaibang tingin sa akin ni Ericka bago ako umalis ng kubo. Hindi kaya.. nahahalata niya ako?




Pagkalabas ko ay agad kong hinanap si Carl. Saan naman kaya siya nagpunta? Umuwi kaya? Eh kung puntahan ko? Wag na lang! Siya nga dapat ang sumuyo sakin eh. Bakit ba siya nagagalit? Hindi ko siya maintindihan. Ito ang mahirap pag wala kayong title eh, hindi mo alam kung may karapatan kang magselos, kung may karapatan kang magalit. Pareho nga kayo ng nararamdaman pero hindi mo alam kung ano kayo.



Kung saansaan ko na siya hinanap. Nakarating na din ako sa magkabilang dulo ng dalampasigan pero wala siya doon. Napadpad ako sa may gubat, naalala ko yung tree house. Sa tree house! Baka nandoon siya.



Agad akong pumunta doon at umakyat, "Carl?" tawag ko. Pagkapasok ko sa loob ng tree house ay nakita ko siyang nakaupo sa sahig. Yung isang braso niya ay nakatungtong sa nakaangat na tuhod niya, yung isa namang tuhod niya nakababa tapos yung isang kamay niya ay nakahawak sa sahig, nakapikit siya.



Pagkatawag ko sa kanya ay napatingin siya sa akin saglit, pero pumikit ulit, ni hindi siya kumilos. "Bakit nandito ka?"



Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pero gusto ko siyang makausap. Kaya naman nagtanong nalang ako, "Galit ka ba?"



Hindi siya sumagot. Tumabi nalang ako sa kanya. Niyakap ko ang tuhod ko at ipinatong doon ang baba ko. Hindi na din ako umimik. O sige, kahit ganto nalang, kahit hindi na lang siya umimik, okay na sakin. Basta kasama ko siya, masaya na.



Ilang minutong walang imikan. Mapapanis na ang laway ko dito. Ang dami kong gustong sabihin pero hindi ko alam kung saan sisimulan, gusto kong linawin kung anong meron kami pero natatakot akong baka sabihin niyang wala namang kami. Ako lang ba ang nag-aassume na mangyayari kami? Eh pero sabi niya, gusto niya ako kaya umaasa ako.



Maya-maya'y tumikhim siya, "Nagseselos ako Bridge.."



Napaangat ang ulo ko sa sinabi. Napatingin agad ako sa kanya. May kung anong gumalaw sa tiyan ko nang sabihin niya 'yon. Hindi ko mapigilang mapangiti, pero pinilit kong itago 'yon. Nagseselos din ako. Nagseselos ako na kahit alam kong wala na sila, ang sweet padin kasi nilang tignan.



Hot Summer Nights (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon