Chapter 4

221 15 2
                                    

Krystal's POV

"Tara dun!" Sabi niya sa'kin pagkababa pa lang namin dun sa ride na sinakyan namin. Kanina pa nga kami sakay ng sakay sa kung anu-anong rides eh! Kahit anong sabihin kong pahinga muna kami sandali, hindi siya nakikinig.

"Teka, dahan dahan naman! Baka humiwalay na yung braso 'ko sa kakahila mo!" Reklamo ko sakanya.

"Ang OA mo. Hindi naman mangyayari yun eh." Sabi niya sakin. Inirapan ko nalang siya. Dinala niya naman ako sa Horror House.

"T-teka! D-dito tayo?!" Tanong 'ko. Hindi kami pwede dito!

"Bakit? Takot ka?" Tanong niya sa'kin habang nakangisi.

"H-hindi ah!

"Sus. Dineny pa."

"...wag kang mag-alala, poprotektahan kita." Dugtong niya.

"...wag kang mag-alala, poprotektahan kita." 

"...wag kang mag-alala, poprotektahan kita." 

"...wag kang mag-alala, poprotektahan kita." 

"...wag kang mag-alala, poprotektahan kita." 

Ahhhhhhhhh!  Kahit kailan talaga 'tong lalaking to! Panggulo sa buhay pati sa isip! Nagulat nalang ako ng nakapasok na kami sa loob. Todo kapit ako sa tshirt niya at halos isiksik ko na yung mukha ko sa dibdib niya. Bale nakaharap ako sa kanya. Nakasara rin yung mga mata ko kasi natatakot talaga ako!

May biglang humila ng paa ko kaya napatalon ako at biglang na-out of balance. Hinawakan ko yung laylayan ng damit ni Kai para hindi ako malaglag. Pero nagulat ata siya sa ginawa 'ko kaya pareho na kaming na-out of balance!

"Uhm excuse me po, hindi po ito motel. Horror house po ito." Sabi nung humila ng paa 'ko. Adik ba 'to?! Nanghihila kasi siya eh! Kung hindi niya ako hinila, hindi sana ako maa-out of balance at hindi kami mapapahiga ng ganito!

Hindi na ako nagreklamo at tumayo nalang. Inis kong pinagpag yung damit ko. Tumakbo na ako palabas habang hindi pinapansin yung mga nananakot sakin. Nasa pinkadulo na ako ng labasan ng biglang may gumulat sakin na lalaki. 

"Ahhhhhhhhhhhh!" Sigaw ko at hindi sinasadyang nasuntok 'ko siya.

"S-sorry!" Sabi 'ko at lumabas na habang siya, nakahawak sa mata kasi dun ko siya nasuntok. Pumunta ako sa bench at kinalma ang sarili ko. Di ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Takot kasi talaga ako sa mga multo. Never pa akong inaya ng kahit sino na pumasok dun. Kahit si Ash, hindi rin. Kahit pamilya 'ko. Yung bwisit na Kai na 'yun lang talaga. Ahhhh! Ang kapal talaga ng apog nun!

Nagulat naman ako ng biglang may umupo sa tabi 'ko at niyakap ako.

"Umiiyak ka ba? Shhh... Sorry na."

"Tanga ka *huk* talaga. *huk* Obvious naman na *huk*  umiiyak ako diba?" Sabi 'ko sakanya.

"Eto naman, kino-comfort ka na nga, nanglalait ka pa." Sabi niya.

"Tumigil ka na sa pag-iyak. Hahalikan kita." Dugtong pa niya.

"Tse. Lagi namang 'yan ang pamblackmail mo eh." Sabi 'ko sakanya.

"Tumigil ka na kasi sa pag-iyak." Hindi 'ko siya pinansin at patuloy pa rin sa pag-iyak. Hinahagod niya naman yung likod 'ko. Hindi ko alam pero dahil sa ginawa niya, napatigil ako sa pag-iyak. Tsk. Ano ba talagang nangyayari sa'kin?! Inalalayan niya akong tumayo at naglakad lakad kami.

Perfect EnemiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon