Chapter 4: Resulta

2K 82 5
                                    

Naomi's POV

Nandito kami ngayong lima sa cafeteria. Break time na kasi.

"Grabe 'no? Ngayong araw lang yata na hindi tayo tinawag sa Student Council." Sabi ni Sunny bago kumagat sa burger niya. Well, true naman.

"Oo nga eh. Parang off natin kumbaga." Ani ni Natalia kaya kwento lang kami ng kwento hanggang sa may 1st year na napadpad sa harap nang table namin.

"Miss Naomi, pinapatawag ho kayo sa Principles Office." Sabi pa niya kaya nag-thank you ako at tumingin sa apat na 'to.

"Oh. Una na ako. Pinapatawag daw ako eh." Sabi ko sakanila at kinuha ko na yung bag ko.

"Geh." Yun lang sinabi nila. May kanyang-kanyang gawa sa cellphone nila eh. Kaya umalis nalang ako at pumunta sa Principals Office. Pero bago ako tuluyang pumunta 'dun ay dumaan muna ako sa restroom.

Habang nandito ako sa loob ng cubicle ay nakikinig ako dito sa chikka ng dalawang babaeng kasalukuyang nag-reretouch. Kala mo maganda eh hindi naman pala -___-

"Uy! You know ba sis na, bukod sa meron tayong Princesses at Kings diba dapat meron din tayong Queens? And diba dapat yung Princesses natin ay meron ding Princes?" Clown #1

"So? Anything big deal?" Clown #2

"Wala naman pero I heard that there will be Queens and Princes 'din daw." Clown #1

"Oh? Akala ko ba Princesses and Kings lang? Diba yun naman yung nakita natin nung enrollment?" Clown #2

"I think change plans. Pero hindi pa naman siguro yun sure eh." Clown #1

At hindi ko na narinig yung pag-uusapan nila. Biglang tumahimik ang paligid eh! Kaya for sure lumabas na ang mga yun kaya lumabas na din ako. Tapos na 'rin naman ako eh.

Kevin's POV

Naks! Nag po-point of view na pala ako ngayon?

(Author: Ay hindi! Gusto mo cancel ko nalang 'tong POV mo?!)

Wag naman author! Baka mawawala din 'tong ka-gwapuhan ko

(Author: Hangin -__- Sapakin kita diyan eh! Sige na nga! Action na! Dami pang sat-sat -__-)

Sungit mo naman author! Sige na nga! Back to reality. Nandito na ako ngayon sa Principles Office. May sasabihin daw si Principle Chun eh at may hinihintay pa daw kami. Sino naman kaya yun?

Few minutes later ay bumukas yung pinto.

"Awts! Am I late Principle?" Boses babae kaya tumayo ako sa pagkakaupo ko dito sa sulok at tinignan ko kung sino yung pumasok.

-_____-

Bakit 'din siya nandito?

"No, Ms. Kobayashi. You're not late" Sabi ni Principle Chun at tumingin sa kanya at sa akin kaya napatingin 'din siya sa akin na halatang na gulat din. Ganun na ba talaga ako ka-pogi? Alam ko naman yun eh!

"It's good to hear Principle Chun but why am i here and... (Tingin saakin ng masama at sabay balik ulit kay Principle Chun) Him?" Tanong niya kay Principle Chun. Langya. Dapat mag mask na ko dahil sobrang pogi ko na yata!

"Well... Someone send me a letter that invites us about the Quiz Bee and you two are the perfect match in the game and your grades are all A+. So, are you going to accept this? I'm not forcing you to join but this will be a great opportunity, right? And worry about your subjects because you'll be excused." Paliwanag ni Principle Chun. Tatanggapin ko ba? Well... Malaking opportunity na 'to, ika niya. Oo, naranasan ko na 'to pero why not try again diba?

Teen Clash Princesses Vs. The Kings (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon