[Dion's P. O. V.]
Tulala lang ako habang tinatahak ang daan patungong bahay. Iniisip ko pa rin kasi yung lalakeng nakita ko kanina. Maaaring hindi siya pamilyar sa akin ngunit ng mag tama ang mga mata namin ay parang kilalang kilala ko na siya o kaya nama'y nakita ko na ang isang pares ng matang iyon, ngunit hindi ko mawari kung ko ito nakita at kung sino ang nag mamay ari nito.
Nang makarating ako sa bahay ay naabutan ko si Ericka na naghahanda na para sa hapunan namin. Natagalan ata ako sa paglalakad kaya nama'y medyo madilim na ng makauwi ako.
"O nanjan ka na pala, halika ka na, kain na tayo." Wika ni Ericka pag pasok ko ng kusina.
Tahimik akong umupo at kumuha ng pagkain ng mag tanong si Ericka.
"Ano palang pinag usapan niyo ni Ms.?"
"Ah yun. Wala naman, kailangan ko lang daw i tutor yung isa nating classmate sa subject niya, mukhang hindi daw kasi nakakasunod"
"Ah" maikling sagot neto.
Natapos kaming kumain ni Ericka ng tahimik, wala naman kaming mapag usapan dahil magkasama naman kami buong mag hapon.
Umakyat na ako sa aking kwarto para maligo at makagawa ng mga gawain. Pag akyat ko ay saglit akong nag pahinga bago tumungo sa banyo.
Pag tapos kong maligo ay diretso ako sa study table ko at kinuha ang aking bag para makapag umpisa na sa gawain ko.
Medyo masakit sakit na rin ang aking batok dahil sa kakayuko. Grabe naman kasi 'tong essay na pinapagawa samin ni Ms.. Napa angat ako ng ulo at tinignan ang orasan sa tabi ng lamp shade. 12:30 am, kanina pa pala ako gumagawa pero hanggang ngayon ay hindi ko parin ito tapos, siguro ay ipag pabukas ko nalang ang iba pa tutal next week pa naman ang pasahan nito.
Pinatay ko na ang lamp shade at binuksan ang emergency light sa aking kwarto. Bago ako matulog ay tinignan ko muna ang aking social media accounts. Pag bukas ko ng fb acc ko ay tumambad sa akin ang napaka raming notifications, messages at friend requets. Matagal tagal narin simula nang hindi ko ito buksan, populated na kasi kaya naisipan ko munang i delete ang app na fb sa phone ko para maiwasan ko ang pag gamit nito.
Inisa isa ko ang notifications, mga mentions at tagged post lang naman ng mga kaibigan kong malayo sakin. Sinunod ko naman ang messages, isa din sa dahilan kung bat dinelete ko ang fb app at messenger app ay dahil nga sa messages na nakukuha ko, puro kasi group chats ang meron ako kaya nama'y palaging lag ang phone ko.
Sinunod ko ang friends lists, nagdagdagan ng isang daan ang mga ito, ang iba ay kakilala ko, some are my friends of friends and others are we just have mutual friends. Ng wala na akong magawa ay pinatay ko na ang phone ko. Ngunit hindi ko pa ito nailalapag sa side table ay tumunog ito at umilaw.
'Hunter Lawrence Delloso sent you a friend request'
Nanlaki ang mata ko dahil doon ngunit hindi ko nalamang pinansin ito at pinantay ng muli ang phone ko at natulog na.
Kinaumagahan ay maaga akong nagising dahil sa kirot sa aking pulsuhan, tinignan ko ito at tama nga ako, nag kapasa ang wrist ko dahil sa higpit ng hawak ni Terrence kahapon.
Bumangon na ako at dumeretso sa banyo para makapag handa na. Pag baba ko ay hindi pa nakakapag bihis si Ericka pero nakaligo na siya, mukhang mag hahanda na siya ng umagahan.
"Aga natin ah?" Wika nito ng makita akong papasok ng kusina.
Nginitian ko lamang siya at dumeretso sa ref para kumuha ng gatas.
"Anong gusto mong kainin?" Tanong nito sakin.
"Kahit ano" maikling sagot ko.
Nang matapos magluto ni Ericka ay bumalik siya sakanyang kwarto upang magbihis, ako naman ay kumain na. Pag tapos ay dumeretso na kami sa pag pasok.
Heading straight to my seat I saw Hunter leaning against the wall while talking to his friends. I remember that I need to talk to him about the tutor thingy that Ms. favored me to do. After putting my bag on my seat, I interrupted them and asked for Hunter's time to talk to me.
YOU ARE READING
The Reason Why.
Teen FictionWe, humans have two reasons for doing anything. A good reason and the real reason.