"Sa Puno ng Pagkaligaw".Napangiti ang mga Sang'gre maski na rin si Ybrahim,Azulan at Cassiopeia.
"Magsipaghanda kayo,Bukas na bukas ay tutungo tayo sa mga bandido para humihingi ng tulong gamit ang kanilang lagusan.".Sambit ni Cassiopeia.
"Avisala Eshma,Bathaluman".
Nakangising sambit ni Pirena.Third Person's POV
Nakahanda na ang mga Sang'gre,Sina Amihan at Pirena ang magtutungo sa mundo ng mga tao,Habang sina Alena at Danaya naman ang magbabantay sa lagusan ng pagkaligaw."Muros,Ikaw ang sasama sa amin ni Pirena,Maghanda ka ng tatlong kawal sa iyong hukbo na isasama natin sa mundo.".Nakangiting sambit ni Amihan sa kanyang mashna.
Para sa kanilang mga Sang'gre,Ito ang pinakamasayang araw ngunit isang kamalasan kung ito'y hindi nila matatagpuan.
"Tara na,Alena!".Sigaw ni Pirena.
Ginawa naman ni Alena ang iniutos ng kanyang kapatid,Gumawa ng kalasag si Alena,Nakasakop sa kalasag na ito ang mga isasama patungo sa lagusan.
Habang nakakalasag si Alena,Naglaho silang lahat.
❤Lagusan ng pagkaligaw❤
Third Person's POV
"Narito na tayo".Pagkamangha na sambit ni Amihan.Napangiti ng malawak si Pirena sa nakita niya,Napaisip siya na ito na ulit ang pagkakataon niya para makasama na niya ulit ang kaniyang anak at hadia.
Maya-maya'y nagsilabasan na ang mga bandido hawak ang kanilang mga sandatang nakatutok sa mga diwata.
"Anong ginagawa niyo dito!,Umalis na kayo!".Sigaw ng isa sa kanila.Nagulat naman si Pirena kaya't itinutok din niya ang kanyang sandata.
"Mga pashnea!,Hindi kami aalis rito hanggang hindi niyo kami pinapahintulutang pumasok sa lagusan!.".Sigaw ni Pirena,Agad namang binaba ni Amihan ang espada ni Pirena.
"Pirena!Mas lalo tayong hindi papapasukin kapag pinag-initan mo sila.".Bulong ni Amihan sa kanya.
"Mga bandido,Nais lamang namin hanapin ang aming anak ni Pirena,Wala ang aming susi sa puno ng asnamon,Kaya't nakikiusap kami sa inyo na papasukin kami sa lagusan".Pagmamakaawa dito ni Amihan.
"Nagsasayang lang kayo ng panahon,Umalis na kayo bago namin kayong paslangin!".Sigaw ng isa pa sa kanila,Sumugod ang mga bandido kaya't napasugod narin ang mga diwata.
Nang natigil ang labanan,Agad na nilabas ng mga Sang'gre ang kanilang mga brilyante,Nakatutok ito sa mga bandido.
"Kami na ang nakikiusap mga bandido,Habang kaya pa namin magtiis".Seryosong wika ni Danaya.
"Nakikiusap kami,Kaylangan namin ang mga diwani".Nagmamakaawang dagdag ni Alena.
"Mga pashnea!Kung hindi niyo kami papayagan,Pumili kayo!Susunugin ko kyao gamit ang apoy,Lulunurin kayo ng tubig,Wawasakin ni Danaya ang inyong mga tirahan o kaya'y tatanggalan kayo ni Amihan ng hininga!".Pasigaw ni Pirena habang nakatutok parin ang kaniyang brilyante at nagpaikot-ikot sa mga bandido.
"Pagbibigyan na namin kayo".Sigaw ng isa.
Sabay-sabay namang binababa ng mga Sang'gre ang kanilang brilyante.Binuksan narin ng mga bandido ang lagusan.
"Avisala Eshma".Tugon ni Amihan
Pumasok na sina Amihan at Pirena,Kasama si Muros at ang nga hukbo nito.
----
Heppp!Pabitin muna,So syempre Friday,So sorrryyy!Late nakapag-update dahil sa school works.Wait for my update.
Not Edited
Diwatang_Lira
BINABASA MO ANG
Cursed Diwatas From Encantadia
FantasySumpa ang kalaban. Buhay ng iba ang ililigtas. Lira, si Lira ang isang diwani/Sang'gre sa Encantadia, noon ay hindi gumagamit ng kahit anumang armas sa kadahilanang ito ang ginamit sa pagpaslang sa kanyang ina, si Hara Amihan. Si Lira ay makapangyar...