UYSYLM

27 5 1
                                    

Naglalakad ako ngayon papunta sa principal's office dahil kukunin ko ang sched ko. Bago ako makarating sa tapat ng office may nakabangga akong lalaki.

"Ano ba? tumingin ka nga sa dinadaanan mo." Sigaw ko sakanya.

"S-sorry miss." paumanhin nya. Aba dapat lang dahil sya ang hindi nakatingin sa dinadaanan nya noh. Pero maya maya pag tingin ko sakanya.
O o O.
Nakalumpasay sa sahig. Nahimatay. Kaya pala hinang hina sya. Nagpanic ako bigla.

"Oy! Oy! Gumising ka!" sigaw ko sakanya habang tinatapik ang pisngi nya.
"Tulong! Tulungan nyo kami!" sigaw ako ng sigaw. Pero maya maya may humawak sa kamay ko.

"Wag mo na akong dalhin sa ospital. D-dalhin mo nalang ako sa isang lugar na pwede akong magpahinga tsaka pede pengeng tubig." sabi nya.
Kumalma naman ako sa sinabi nya at binigyan ko sya ng tubig. "H-hindi lang a-ako ku-kumain simula kaninang uma-ga ka-ya nawalan ako ng malay. At wag kang magpanic ngayon lang naman to nangyari eh." paliwanag nya sakin.

"Antayin mo ko dito. Kukunin ko lang yung sched ko tapos sasamahan kitang kumain. Ok ba yun?" tanong ko sakanya. Kasi baka mamaya kapag iniwan ko sya ng mag isa lang sya baka ano pang mangyari sakanya konsensya ko pa.

"Ok lang."

"Sige. Wait lang." lakad-takbo na ang ginawa ko para mabilis kong makuha ang sched ko.

"Good morning po. Pwede ko na po bang makuha ang sched ko."

"Are you the new student?"

"Yes po." "Uhhmm pwede pong pakibilisan."

"Oh so you're in a hurry. So you have friends."
Nang maibigay na nya ang sched ko palabas na ko pero huminto ako saglit.

"Next time ko nalang po ikwento." at takbo na ako ng takbo. Bumalik ako sa pinagiwanan ko sa kanya buti nandun pa sya.

"Tara na." Hindi na sya nagsalita.
Pagdating namin sa parking.

"Asaan ang susi?" tanong ko. Saglit syang may kinuha sa bulsa nya.

"Eto oh." Inabot nya sakin. Atsaka kami sumakay syempre ako na ang nagdrive.

"San mo ba gustong kumain?" tanong ko sakanya.

"Kahit saan." sabi nya.

"Ok."
Nang makarating kami sa isang fast food nag park muna kami atsaka bumaba para kumain.

"Ako na ang oorder." Prisinta nya.

"Ok. Kung ano nalang order mo ayun nalang den sakin."

"Ok."
Sandali lang syang umorder at bumalik agad.

"Uhhhm can i ask you?" tanong ko sakanya.

"Sure."

"What's your name?"

"I'm Lien." woah. Ok. Ang cute.

"I'm Jayce."

"Your name is cute\ your name is cute." Sabay naming sabi. At biglang dumating ang order namin. Tinignan ko saglit ang phone ko baka may nagtext ang mga nagtetext lang naman sakin ay si mommy, daddy, dane, kuya, at ang aking pinsan. Pagtingin ko lahat pala sila nagtext. Pare-parehas lang ang mga tanong nila. Asaan daw ba ako. Nireplyan ko sila lahat at kumain na. May nagtext ulit sakin si Dane. Malapit lang daw sya dito sa kinakainan namin kaya pupunta daw sya at gusto nyang ma-meet si Lien sabi ko bahala sya. Maya maya pa dumating na sya.

"Hi!" Bati nya saamin.

"Kakain ka ba?" Tanong ko sakanya.

"Yup. Kakatapos nyo lang?"

"Yes."

"Ako na ang magoorder." prisinta bigla ni Lien samin.

"Ok." sabi ni Dane. At nagusap sila saglit para dun sa order.

"So... Pano mo sya nakilala?" tanong ni Dane.

"Later ko nalang kwento pag dalawa nalang tayo." Sabi ko sakanya. Nakabalik na si Lien.

"Ok na ba pakiramdam mo?" tanong ko sakanya.

"Ok na."
Habang kumakain si Dane kinausap ko muna si Lien.

"Oh." Binigyan ko sya ng papel at ballpen.

"Anong gagawin ko dyan?"

"Sulat mo number mo."

"Oh." Sabay abot nya sakin. Nagbigay din sya ng papel na walang sulat pati ballpen.

"Gagawin ko dyan?" tanong ko naman.

"Number mo den."

"K."

"Tawagan or i-text mo ko kapag wala kang kasabay kumain or umuwi or kung ano sasamahan kita. Wag ka ng magdalawang isip ha." Tumango lang sya at ngumiti.

Ilang araw pa ang nakalipas at mas nagiging close kami. At may kakaiba na akong nararamdaman para sakanya. Hindi ko alam kung ano yung pakiramdam na yun. Pero sigurado akong hindi maganda yun.
Pero hindi ko nalang muna iintindihin yun.
Naglalakad lakad ako ng may makabunggo ako na lalaki. Si Lien.

"Oh nagmamadali ka?"

"Oo eh pinapatawag ako ng principal. Ge una nako." nagwave lang sya at umalis na. Ilang araw na din syang busy kaya minsan nalang kami magkita. Kapag maguusap kami kadalasan text or tawag nalang tas minsan tulog sya or matutulog na kaya sandali lang kami nakakapagusap. Sobrang busy na nya lagi eh. Maya maya pa may nagtext sakin. Si Lien magkita daw kami sa Park. Nagshower muna ako tsaka nagbihis ng kulay red na dress na fit saakin tsaka lumabas nagpahatid nalang ako sa driver namin dahil ayokong magdrive tsaka pwede naman akong ihatid ni Lien.

Pagdating ko dun biglang may humila saakin at tinakpan ang mata ko. Natakot ako baka kidnapper toh. Maya maya pa bumitaw muna sya at iniwan ako kung saan ako nakatayo. Unti unti na den lumuliwag ang takip sa mata ko. Pagdilat ko walang ilaw. Maya maya may nagbukas ng ilaw pero dun lang sa pa heart na roses. At may nakatayo dun na lalaki nakatalikod sya pero kilala ko na kung sino sya. Si Lien. Pagkaharap nya hindi nga ako nagkamali. Sya nga. Inabot nya sakin ang kamay nya at inabot ko naman. Sinayaw nya ako. Pagkatapos namin sumayaw tsaka nya ako pinaupo sa upuan at naghanda ng makakain namin. Umupo narin sya at kumain na kami.
Pagkatapos namin kumain inabot na naman nya ang kamay nya akala ko sasayaw nanaman kami pero mali ako. Nakaluhod sya. Oo nakaluhod sya.

"Will you be my girlfriend?" tanong nya.

"Yes!" Sigaw ko.

"Yes?. Yes!" Sabay niyakap nya ako at hinalikan.

"Pangako ko sayo hindi na kita iiwan. Hindi kita paiiyakin. Hindi kita bibitawan. Mamahalin kita hanggang sa kahuli hulihan kong hininga. Pangako yan. Ikaw lang wala ng iba."
Naiyak nako sa sinabi nya pero agad naman nyang pinunasan ang luhang pumatak galing sa mata ko.

"I love you Jayce."

"I love you Lien." And we kiss. Slow and passionate kiss.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

That's it. Hope you like it. Dapat whole story talaga sya kaya lang hindi ko pa natatapos yung isa kong story.
                      Thanks.

Until You Say.....You Love Me(One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon