Umaga na nang dumating sya. Ang sabi nya nahirapan raw sya makaalis kasi napahaba ang usapan nila at kwentuhan. Okay narin yun dahil nakapaghinga ako ng maayos.
Hinatid nya ako sa likod ng dorm at umuwi agad para matulog at makapagpahinga buong araw.
Pagdating ng room, si Grace lang ang nandon at natutulog. Mabilis akong naligo at nagbihis. Pumasok ako sa klase ko at si Mikey ang naging kasama ko buong araw.
"Wala na bang chance mabago ang plano mong dress code?" nakanguso kong tanong habang nakaupo kami sa isang bench malapit sa sunod naming klase.
"Umiling si Mikey at ngumiti, wag kanang kumontra, nabilhan na ako ng Mom ko ng damit. Please?" ngumuso sya.
Napasapo ako ng noo ko. Iniisip ko plang saan ako maghahanap ng maisusuot ko.
Nahihiya naman ako sa mga roommates ko, paghiniram ko mga damit nila buong dorm ang may alam non sigurado. Mahirap ako pero hindi sa puntong magmumukha na akong dukha sa harapan nila.
Kagabi naisip kong pumunta bukas after ng klase ko sa mga chinese rtw sa city, baka may mabili akong coat na mumurahin, yung dress kay Grace nalang ako manghihiram tutal sa dami ng damit nya sigurado akong may ilan syang nakatago lang sa locker nya at matagal nang hindi nasusuot.
Alas dos natapos ang klase ko. Dumiretso ako sa cafe para don na maglunch at magbakasakaling manghiram ng coat kina ate Elle, ate She at ate Kres.
Napanguso ako nang mabigo dahil ni isa sa kanila walang formal coat.
"Pasensya na tin, alam mo na hindi ko trip ang coat sa init ng panahon dito sa atin" si ate Elle.
"Mas lalo ako, dress nga wala ako formal coat pa kaya?" si ate Kres.
"Meron ako kaso uniform ko yun sa masteral. Nakakahiya naman kong yun ang ipapahiram ko" si ate She. "Try mong bumili sa square city, don ko yun nabili mura lang yun"
"Yeah, last option ko naman talaga bumili nalang" ngumiti ako pero hindi parin ako willing bumili. Nasasayangan talaga ako.
Hindi tumambay ang apha boys today dito sa cafe, siguro lahat sila may hangover pa. So ibig sabihin ngayon gabi sa dorm ako matutulog.
Naisip kong mag-early out tonight 7pm total marami naman akong oras na naipon.
Ako:
Lasinggero... pauwi na ako ng dorm... text kita later f nasa dorm na ako. TcBinalik ko ang phone ko sa bag at tsaka nagpatuloy sa paglalakad, pero nagulat ako nang bumusina ang kotse nya at pinasakay ako. Nagmadali akong makasakay para walang makapansin.
"Akala ko tulog ka pa" sinuot ko ang seatbelt ko.
" kagigising ko lang, kain tayo sa labas" pagod nyang sabi na kinatango ko nalang.
Nagmaneho sya papuntang city habang ako naman nasa bintana lang ang mga mata ko at pinagmamasdan ang mga nadadaanan namin.
"Aatend ka ba ng party nyo?" -sya.
Umiling ako, "hindi ako mahilig sa ganyan. Magastos kasi"
"Diba nasama na yan sa college fee nyo nong enrollment?" nasa daan ang mga mata nya.
Tumango ako. "Actually pinipilit ako ni Mikey pero hindi pa ako nakadecide" nilingon ko sya at ngumiti.
"Try it, wala namang masama kung pupunta ka, socialization" sagot
nya."Kaya nga pinag-iisipan ko pa, sayang din ang bayad kong hindi ko matikman yun." napailing ako.
Pinara nya sa isang boodle fight restaurant, dito nya siguro naisip kumain ngayon. Narinig ko na kay Mikey ang restaurant na to, masarap at nakakabusog raw rito. Pero imbes na sasaya ako dahil nandito ako ngayon, ginapangan ako ng kaba may ilang pamilyar na mukha kasi ang nandito. May colleague pa ako. Kainan kasi ito ng mga magbarkada.
BINABASA MO ANG
SECRET AFFAIR
RomansaNaging: #1 Fanfiction #1 Teen Fiction #1 General Fiction #1 Romantic #1 University #1 sari-sari #1 romance - friendship #1 Fraternity #1 College #1 campus #1 richkids #1 dormitory #1 poorgirl #1 my #1 paasa #1 richboy #1 romatic #1 hotties #1...