Happy Birthday Charing Ube ^_^
Hi to the beautiful twins, Ivy and Iris. *kaway-kaway*
CHAPTER 22
NAGISING SI Gladz sa isang puting silid, kaagad na nanuot sa ilong niya ang amoy ng gamot. Nang subukan niyang bumangon, pinigilan siya ni Beckett sa braso na hindi niya napansing nasa tabi pala niya.
"Rest." Anang kaibigan na nakaupo sa upuan na katabi ng kinahihigaan niya. "Huwag ka munang gumalaw."
Hindi na siya nagpumilit na gawin ang gusto dahil medyo hindi rin naman maganda ang pakiramdam niya. "A-anong nangyari?" Pilit niyang hinahalukay ang memorya niya pero wala na siyang maalala pagkatapos niyang makaramdam ng pagkahilo. "Ang huli kong naalala ay nawalan ako ng malay."
Tumango si Beckett. "Bumagsak ka nalang bigla sa sahig. Pierce panicked. He gets up and carry you to his hospital bed while shouting for the Doctor." Napailing ito saka napabuntong-hininga na naman. "He's not supposed to move his leg. Dapat ipahinga niya iyon pero matigas ang ulo niya kaya hayon, dumugo na naman ang sugat niya. He wanted to be with you when he's condition is even worse than yours. Kaya naman minabuti namin ni Sexes na ipa-sedate siya at inilipat ka namin sa kuwartong to."
Napatitig siya sa kisame habang naglalaro sa isip niya ang guwapong mukha ni Pierce.
She can still remember it clearly...he told her he loves her. Ilang ulit nitong sinabing mahal siya nito bago siya bigla nalang nawalan ng malay.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi ng maramdaman ang kirot sa puso niya. Mahal siya nito pero may asawa naman ito. Bakit ba napakahirap maging masaya sa taong mahal niya? Bakit ba hindi mawala ang sakit sa puso niya—
"You're pregnant by the way." Biglang anunsiyo ni Beckett sa kaniya.
Pakiramdam niya ay namingi siya sa narinig saka hindi makapaniwalang bumaling kay Beckett. Hinintay niya itong tumawa at sabihing biro lang ang bombang binitawan nito pero nanatiling seryuso ang ekspresyon ng mukha ng binata habang nakatingin sa kaniya.
Nang hindi binawi ng binata ang sinabi, bumilis ang tibok ng puso niya at nanlamig ang buo niyang katawan. Maraming senaryo ang pumasok sa isip niya at isa lang ang kalalabasan no'n, magiging illegitimate child ang anak niya.
Napakurap-kurap siya saka hindi mapakaling bumangon sa pagkakahiga at napatitig sa kawalan. Hinahalukay niya ang isip kung anong mabuting gawin dahil sa nalaman pero wala siyang magandang maisip.
No ideas. Nothing! She can't think of anything, damn it! Hanggang kasal si Pierce sa iba, wala silang puwang ng bata sa sinapupunan niya sa buhay nito.
Walang buhay siyang natawa saka napasabunot sa sariling buhok. "Bakit ba sakin nangyayari 'to? This is so unfair. Ayos lang sana kung ako lang magsa-suffer pero bakit kailangan pang madamay ang inosenteng buhay sa sinapupunan ko?"
"Gladz—"
"God..." Magulong-magulo ang isip na bumaling siya kay Beckett. "Buntis ba talaga ako? Sigurado ka? Anong sabi ng Doctor? 'Yon ba ang dahilan kaya nawalan ako ng malay kanina?" Bahagyan siyang napasinghap ng maalala ang pagpapabaya niya sa sarili. "Oh my God, is my baby okay? Hindi ako kumakain sa tamang oras nitong mga nakaraang araw. Hindi rin ako makatulog ng maayos. Okay lang ba siya? Maayos ba ang lagay niya?"
Tipid siyang nginitian ni Beckett. "The baby is fine, don't worry. Masyado ka lang daw na stress at na over fatigue kaya nawalan ka ng malay. I also panicked when I saw you unconscious so I asked the Doctor to run some test to make sure that you're okay. Kinunan ka nila ng dugo at ng bumalik, 'yon ang resulta." Hinagod ni Beckett ang likod niya na parang inaalo siya. "Everything is going to be just fine—"
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 18: Pierce Rios Muller
General FictionWARNING: SPG | R-18 | Mature Content Mabibilang ni Gladz kung ilan na ang mga naging boyfriend niya mula ng mamulat siya sa mundo, at lahat ay niloko siya at pinagpalit sa iba. Kaya sa edad na bente-otso, siya na yata ang pinaka-numero unong fan ng...