That Twist in a Story

455 8 2
                                    

Ces' POV

Tapos na. Tapos na ang paghihirap ko. Isang araw, pagkagising ko, nawala na ang pilat sa aking dibdib. Nawala nalang ng parang bula. Nakita ko siya nakatayo sa may pintuan. Hinihingal. Pawis na pawis. Parang bagong gising na hindi pa naaayos ang istura. Unti-unting lumalapit sa akin. Ang huling taong nakasama ko bago mawalan ng malay.

Si Lyric. Lyric Yue.

Ang taong mahal ko pero hindi pwede. Dahil sa pilat ko. Pero wala na nga pala ang pilat. Wala na kasi akong sakit na nararamdaman.

"Akala ko kung ano na ang nangyari. Ayos ka lang ba? Bakit ka sumigaw?" sabi niya sa akin. Sumigaw? Sumigaw ba ako? Wala akong matandaan.

"Nasaan ako?"

"Nasa bahay. Bakit mo naman natanong? Masyado ka bang napagod sa party? Sinabi ko na kasi kila Melo at Note na bawal kang uminom. At medyo sumayaw-sayaw ka pa." Parang nahihiyang sabi niya.

Ha? Anong nangyayari? Bakit hindi ko alam ang mga pinagsasabi ni Lyric. "Bakit? Bakit may party?" Ang huli ko lang na naalala ay nasa rooftop ako kasama si Lyric tapos... tapos... hindi ko na alam.

"Ano bang nangyayari sayo Ces? Nagka-amnesia ka ba?" Hindi ko rin alam Lyric. Sumasakit ang ulo ko. "Nagparty tayo kasi magaling na si Note di ba? Tapos ayos na ang mga issue sa atin. Hindi na rin daw manggugulo si Erich. Magkaibigan na rin tayo nila Lyle pati yung girlfriend niya na si Leah. Masaya ang lahat kagabi."

"Ah. Ganun ba? Pwede bang iwan mo muna ako? Magaayos lang." Hindi ko na talaga kaya. Sumasakit ang ulo ko. "Sige. Bumaba ka na para makapag-almusal ah." Tumango na lang ako. At nagulat nang halikan niya ako sa noo.

Pero, ang sakit ng ulo ko. Parang nabibiyak. Dali-dali akong pumasok sa banyo. Pero, hindi pala banyo ang napasukan ko.

Nasa isang bahay ako. Bahay namin ito nung bata pa ako ah. Si mama. "Ces, anak." Lumingon ako para tignan ang tumawag sa akin. Mali. Hindi pala tumawag. Kundi nagsalita. Hindi ako ang tinatawag. "Mama, ang sakit po ng sugat ko. Mamaaa." Isang batang ako ang tumambad sa akin. Mga anim na taong gulang na ako, nakadress na hanggang tuhod, wala yung isang tsinelas, at naka pigtail.

"Naku, halika nga. Gamutin natin sa loob." Pumasok na rin ako ng bahay. Walang nagbago. Ganito pa rin ang bahay namin. Dalawa lang ang upuan. Nasa gilid ang aming telebisyon. May kabinet sa tabi nito. Tapos nakasabit ang picture frame namin, ung buo pa kami. Kasama si papa. Umakyat sila sa ikalawang palapag at pumasok sa isang kwarto. Kwarto ko dati. Ganun parin ito tulad ng sala. Kulay asul ang paligid, isang kabinet at isang kamang punong-puno ng mga manika lang ang meron.

"Halika. Diba sabi ko kasi sayo mag-iingat ka pag nasa labas dahil hindi ka masasamahan ni mama. Ayan tuloy."

"Sorry po mama. Yung kalaro ko po kasi tinulak ako eh gusto ko lang naman makipagkaibigan sa kanya. Sorry na mama."

"Ayos lang naman anak. Tama na ang isang sorry. Pero ganun talaga ang buhay. May mga taong kahit gusto mo lang naman makipagkaibigan, sasaktan ka nila. Para ring kapag nagmahal ka. Kahit na mahal na mahal mo ang isang tao, masasaktan ka pag umiral ang selos. O kaya kapag hindi ka pala talaga mahal ng mahal mo. Basta isa lang ang tatandaan mo. Huwag na huwag kang magdedesisyon ng hindi mo napag-iisipang mabuti. Malay mo, mali pala ang desisyon mong iyon. Pero sana, makita mo talaga ang narararapat para sa iyo."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Twist in a StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon