Ang Musika

27 0 0
                                    

Musika.. napaka gandang musika ang napapakinggan ko ngayon. Ang musika na yun ay ang mga magagandang salita na sinabi mo saakin. Salitang nakakapag tunaw ng puso ko. Hay.. may ganito palang kay gandang musika. At ito'y nang gagaling sa bibig mo. Hindi ko mapigilan ngumiti sa sobrang kilig. Ganito palang kiligin. Ngayon naririnig kitang kumakanta, ikaw ay kumakanta mula sa puso mo. Ganito pala ang pakiramdam ng makantahan.

Panigurado wala kang ka malay malay kung gaano kita ka gusto at kung gaano kita kaayaw mawala. Sa bawat pag tawag mo ng pangalan ko para akong lumilipad sa alapaap. Gusto ko bumanat sayo pero hindi sapat ang salita para mailarawan ko ito sayo. Kulang ang isang papel sa mga salitang gustong lumabas sa mga labi kong ito. 



(Depende pala sa mood ko ang update ko haha. Sobrang random lang nito promise, kaya wag kayo umaasa na tuloy tuloy to. Love 'ya all :*)

Random ituuuWhere stories live. Discover now