Chapter 25: Hanggang dito nalang

72 3 0
                                    

Dito na pala ako nakatulog. Buti naman bumaba na yun lagnat niya. Hay, onting panahon nalang talaga Alexander, magkakaroon din ako ng lakas ng loob na umamin sayo. Sana nga, totoo na ‘tong nararamdaman ko para sayo.

Pag hahanda ko muna ng breakfast ni Alex, para tuluyan na siyang gumaling.

“Alex, gising ka na pala. Musta na pakiramdam mo?”

“Okay na ko Hanna.”

“Buti naman at okay ka na, kainin mo muna ‘to.”

“Galing kasi ng nurse ko e.”

“Nang bola ka pa, kainin mo na ‘to, habang mainit pa.”

Buti nalang at day off ko ngayon, makakasama at maaalagan ko siya ngayon.

Wew. Sino naman kaya ‘tong nag text?

From: Boss

Hanna, pasok ka ngayon.

To: Boss

Pero day off ko po ngayon.

Naman oh. Bakit ba ko pinapasok nitong boss ko? Okay naman na yun mga pinagawa niya sakin ah? Tsk.

From: Boss

Madami kang natambak na gawain kahapon.

Ano ba naman yan. Akala ko pa naman maaalagaan ko si Alex ngayon. Pfft.

“Hanna.”

“Bakit? May masakit ba?”

“Wala naman, okay lang ako. Hmm, may lakad ka ba ngayon?”

“Papasok kasi ako ngayon Alex e.”

“Dba day off mo ngayon?”

“Oo, kaso kasi, hindi ako pumasok kahapon. Natambak yun mga gawain ko, kaya ngayon ako pinapapasok.”

“Ay ganun ba, kasalanan ko pa kung bakit natambak mga gawain mo.”

“Huy hindi, okay lang. Kasalanan ko naman kung bakit ka nagkasakit e. Wag mong isipin yun.”

“Salamat ha.”

“Wala yun. O sige na, mag aayos na ko. Pagluluto na din kita ng lunch mo, para okay na, tsaka para di ka mag pagod mamaya.”

“Maraming salamat.”

Nginitian ko nalang siya pabalik. Sa mga nangyayari, lalo ko na siyang minamahal, siguro nga, tama na ang pag iisip ko kay Michael, sa palagay ko ay mas sasaya ako sa piling ni Alex. Sana.

“Alex, alis na ko ah. Ingat ka dito, tawagan mo nalang ako pag may problema.”

“Sige Hanna, ingat ka din. Salamat.”

Kung hindi lang talaga ako tinext nun Boss ko, hindi kita iiwan dito. Aalagaan kita, hanggang sa tuluyan ka ng gumaling. Mahal na kita Alex, hintayin mo lang na mapalaya ko na sa sarili ko kay Michael. Masasabi ko din sayo na mahal din kita.

Grabe naman. Isang araw lang akong nawala, ganito na agad katambak yun gagawin ko?! Grr! Yun iba naman dito, hindi ko gawain. Pag ako nag aabsent, kailangan nag rereport agad, tas tatambakan ng gawain. Pero pag yun iba, isang linggo ng absent, pag pasok, pa relax relax lang. Ang unfair!!!! >:(

Kainis talaga. Tsk! Hay, kamusta na kaya si Alex sa bahay? Okay na kaya siya? Baka nilalagnat pa din? Tawagan ko kaya? Kaso baka nag papahinga, baka ma-istorbo ko. Hmm, text ko kaya? Ayyyyy. Bahala na. Wew. Mga papel, picture at kung ano ano pa, ano bang gagawin ko sainyo?! T______T

IN LOVE with a STRANGER -- *On hold*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon