Chapter 9: The right thing to do

602 21 2
                                    

Star's POV

Mandy got out of the hospital and is now taking some rest at home. Next week will be the last week of our semester. Nakausap na namin ni Steven ang profs ni Mandy and they agreed that Mandy will just take special exams by next week. Nagdecide na din kasi sina Steven and Tita Pearl na hindi na papasok si Mandy next semester. She will be undergoing chemotherapy and it will he hard for her kung isasabay sa pag-aaral.

Nandito ako ngayon sa paborito kong tambayan sa may field. Masarap kasing tumambay dito. Hindi masyadong crowded. Hindi masyadong maingay. I was filling my minds with happy thoughts when someone approached me.

"Hi baby!" Sinamahan pa niya ng pagkindat ang pagbati niya sa akin.

"Hello CJ." I greeted him back.

"Thank you ulit sa panonood mo kahapon sa try-out ko ha. Dahil sa'yo, ganadong ganado ako kahapon. Kung wala ka, baka hindi ako nakapasok."

"Sus. Yabang mo. E ang galing mo kaya. 3 out of 3 sa three-point line a. Nakapasok ka kasi magaling ka." sagot ko sa kanya.

"Ikaw din ang galing mo pala mag volleyball. Lalo tuloy akong nainlove sa iyo."

"Binobola mo na naman ako. Bakit ba ako?" tanong ko sakanya. Nagtataka kasi talaga ako kung bakit sa dinami-dami ng babae dito sa university e ako talaga ang nagustuhan niya.

"Bakit ikaw ang alin?" tanong niya sa akin.

"Bakit sa dinami-dami ng babae dito e ako pa nililigawan mo? Ang daming mas maganda sa akin dyan e. And dami ding nagkakandarapa na pansinin mo sila. Sa kanila hindi mo na kailangang maghirap at manligaw kasi sigurado sasagutin ka na nila."

"Kasi iba ka." seryosong sagot niya sa akin.

"Iba? Ano ako special child?" pagbibiro ko. Napangiti naman ito dahil sa sinabi ko.

"Ang cute mo talaga. Special child ka dyan. Uhmmm ang hirap kasi iexplain e. Pero ikaw lang kasi nagpapatibok ng puso ko." paliwanag niya sa akin.

Hindi ako nakasagot agad. Narinig ko siyang bumulong. "Mahal na nga kita e."

"Ano iyon?" Tanong ko sakanya na kunwari ay hindi ko narinig ang sinabi niya.

"Sabi ko mahal na kita." sagot niya sakin kasabay nang pagtingin nya ng diresto sa mga mata ko.

"Seryoso? Sure ka na ba dyan?" I asked him.

"Yup. Increased energy, racing heart, accelerated breathing everytime we are together, sleeplessness dahil sa kaiisip sayo. Grabe Star. Ni-research ko pa lahat sa google ang signs of being inlove. Lahat check!"

"So nag-rely ka sa google about sa feelings mo sa akin?" Natatawang tanong ko sakanya.

"Bigla na lang akong napapangiti kapag naiisip kita. Totally random stuffs remind me of you, with no particular reason. Naiinis ako kapag may ibang lalaking nalapit sayo lalo na pag naririnig kong loves ang tawag sayo ni Steven. I became a better version of myself ever since nakilala kita. Gusto ko laging mataas ang grades ko kasi gusto ko may maipagmamalaki ako sayo. Dati naman wala akong pakialam sa mga grades ko e. Kung hindi pa ako in love sayo, di ko na alam ang tawag dito."

"Wala akong masabi. Di ko alam ang isasagot ko sa'yo." Yun na lang ang naisagot ko sakanya. Feeling ko ay sobrang pula ng mga pisngi ko ngayon dahil sa mga sinabi ni CJ. "Sana lang talaga totoo lahat ng sinabi mo. Kasi I am starting to fall. Nakakatakot na baka kapag ready na kong magpakahulog ng tuluyan ay wala namang sasalo sa akin." dagdag ko.

Behind the Clouds (Published under Viva Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon