Zavier's Point Of View
"Daddy!" tawag sa'kin ni Aizen.
Damn! Anong ginagawa nila rito sa Mafia Palace?
"Woah! Ang ganda pala rito sa Mafia Palace ni Daddy!" nakangiting sabi nito.
"Sino ang nagdala sa inyo rito?" tinuro nila sina Jc, Dave at Ace.
"H-Huh?! Nako wala kaming kinalaman diyan king!" sabi ni Dave.
"Oo nga!" sang-ayon ni Jc.
Sinamaan ko ng tingin ang mga ugok na 'to, tsk! Wala naman akong sinabing papuntahin ang mga Babies ko rito.
Mayamaya lamang ay biglang tumunog ang cellphone ko.
Sinagot ko naman ang tawag
"Hello?"
[King, si Chad 'to.]
"Oh napatawag ka?"
[Wala lang hehe.]
"Nanganak na ba si Sandra?"
[Yun nga yung ibabalita ko, Kakapanganak niya palang at gusto ko sana kayong imbitahan sa Restaurant ng mga magulang ko.]
"Sige ba! Congratulations! Daddy kana rin hahaha!"
[Oo nga king, ang bilis ng panahon may aalagaan na rin ako.]
"Daddy!" tawag sa'kin ni Aizen sabay hagis ng bola pero buti nalang nasalo ko.
"Aizen! Bad ka!"
"Eh daddy, laro tayo."
"Hello Chad? Mamaya na lang tayo mag usap, Tuturuan ko lang ng leksyon itong si Aizen."
"Aizen! Dito ka." sabay tinuro ko ang sofa.
"Ayaw!"
"Isa Aizen! Ayoko ng ulitin ang sasabihin ko ha?!" pagbabanta ko sa kanya.
"Hello Mom? it's about Aizen, she did something."
Rinig kong sabi ni Yohan habang may kausap sa cellphone. Itong batang 'to ang lookout namin dito habang ang guwardya dito ay si Aizen, mga bata palang pero may mga kanya-kanya ng responsibilidad, kaso ayokong dalhin nila 'to hanggang sa paglaki nila.
"Okay Mom, got it."
Binaba niya na ang tawag at bumalik naman ang attention ko kay Aizen na nakasimangot pa rin.
"Bilisan mo na, umupo ka rito!"
Wala akong choice kaya ako nalang ang lumapit sa kanya.
"Anong sabi ko sayo Aizen? Wag M---"
"Wag makulit." walang gana nyang sabi habang nayuko.
"Oh? Alam mo naman pala? bakit ang kulit mo?" tanong ko sa kanya at tumingin naman siya sa'kin habang ang kanyang mga luha'y namumuo.
"Nakikipaglaro lang naman ako sayo daddy eh, lagi mo nalang akong pinapagalitan! ayoko na sayo!" bigla siyang lumabas ng Mafia Palace.
Sinundan ko agad ito pero laking gulat ko ng may tumutok na baril sa kanyang ulo, pinaharap ng lalaking nakamaskara si Aizen sa'min.
"Wag kayong magpapaputok kung ayaw niyong pasabugin ko ang bungo ng batang 'to!"
Lalo lang uminit yung ulo ko.
"Bitawan mo ang anak ko, makipag laban ka sa'kin ng patas." nakangisi kong sabi.
Mas lalo naman silang dumami at satingin ko ay nasa labing dalawa na silang nakamaskara ngayon, nakatutok ang kanilang mga baril sa'min gayun din ang mga blackmen ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
The Mafia Husband and The Assassin Wife
RomansaHe's a hot tempered as hell and insolent Mafia Boss who loves to hurt and make other suffer, he can do whatever he want, no one can stop a Mafia Boss like him despite from being childish and stubborn, he possess a multiple talent when it comes to ba...