Chapter 27: Cant Live Without

1.9K 72 4
                                    


  ALYSSA'S POV:

     Two weeks ang lumipas ng naging maayos ang samahan namin ni Den. We're just taking one step at a time.
Tabi kaming matulog pero hanggang kiss lang kami. Pareho kaming bago sa sitwasyon na 'to.

      Noon crush ko lang siya, unti-unting minahal at inalagaan ko sa puso ko ang pagmamahal na 'yon. Hanggang may chance na ako ngayong mahalin siya at maging akin habambuhay. Pero alam kong panandalian lang ang lahat. Ayoko munang isipin na hindi kami magtatagal dahil alam kong mas marami pang pag-subok.

    Naging mabilis ang pangyayari. Ni hindi kami mag-girlfriend at kasal agad. Kumbaga, ngayon palang namin muli kinikilala ang isa't-isa. Nagkakatampuhan pa rin kami pero naaayos naman.

    Busy siya ngayon at lahi niyang kausap online ang abogado na may hawak ng issue sa pamilya niya.
Busy rin siya dahil lagi siyang may kausap regarding naman daw sa joint venture ng isang candy and chocolate factory. Ako naman ay one week na sa company ng Ninong ko. Madalang ko na lang makita si Myco sa office.

     Breaktime ko ngayon at nag-stay lang ako sa pantry. Nag-online din ako sa messenger at nagpop ang message ni Bea.

                  Convo:

      "Uy Bruhildang Baldo! Kamustasa?"
     "Bakit Beatot?"
      "Nasa Colorado ka raw? Dumaan ako kahapon sa pinsan mo. Officemate ko siya. Dyan ka na nagtatrabaho?"
     "Nope! Bakasyon lang."
     "kelan uwe?"
     "Two weeks pa ako dito, training sa Ninong ko."
     "Sosyalen! Training lang, abroad pa. Ikaw na rich kid!"
     "Oo ako na! ako na! Hahahaha :) "
     "Nga pala, may reunion ang batch natin sa Manila Hotel. Three weeks from now. Punta tayo ha. Kayo na lang ni Dednden ang hindi namin macontact eh. Halos lahat sasama."

      "Uuy masaya yan!"
      "Nakakausap mo ba si Den? Kamusta na ba yun?"

   Matagal bago ako nagreply. Sasabihin ko ba? Hindi na rin pala nagparamdam si Den after sila mag-graduate.

     "Si Den? Wala akong balita. Diba lumipat ako ng Baguio at kayo ang naiwan?"
   "Di na rin nagparamdam eh. Sige akong bahala do'n. Sige naabala na kita. Keep in touch Ly! Miss you."
    "Hahah! Miss asarin?"
    "Si Den pa rin ba Ly?"
    "Alin?"
    "Ang mahal mo? Ako may gf na."
    "Whaat? Sino? Wait teka, gf ba kamo?"
    "Yesiree!"
    "Seryoso?"
   "Oo nga!"
    "Sino namang malabong mata 'yan?"
    "Yabang mo Baldo ah! May Alindog din naman ako. Di mo na siya nakilala kasi umalis ka na eh. Basta Jo ang pangalan niya."
    "Masaya ka ba?"
    "Super!"
    "Eh di masaya na rin ako. Kailan mo papakilala?"
    "Sa reunion nga. Lahat puwede mag tag along ng isa. Sama mo si Kiefer."
    "Kiefer?"
    "Limot mo na?! Haller! Grabe na."
    "I mean bakit ko siya isasama, close ba kame?"
    "Dati."
    "Ewan ko sa 'yo, sige na kumakain ako."

     Matapos kumain ay sinubukan kong buksan ang Fb ko. Matagal na akong hindi nagla-log-in dito kaya sabog ang notif ko. May event pala na nacreate sa reunion namin na 'yon. Pupunta kaya ako? O kami ni Den?'

    Bumalik na ako sa reception area matapos ang breaktime ko. Ilang minuto pa ay nakita kong pumasok si Myco kasama ang 'yung assistant nurse ng company. Nauna na 'yung nurse at pumunta sa harap ko si Myco.

    "Hi Ly! How's your first week?"
    "Oh it's good. Nakakaaliw naman. Nauubos minsan ang english ko sa mga nakakasalamuha ko, hehe!"
   "Okay lang 'yan. Siyanga pala, have you heard na may reunion? Nakapost kahapon."
   "Oh yeah, kanina lang. Pinag-iisipan ko pa kung pupunta ako eh."
    "Why not? Nag-aral ka pa rin do'n kahit di ka do'n nagraduate. Nakausap ko na si Pareng Kief, excited na siya."
    "Ah… siguro naman makakarating ako. Eh ikaw?"
    "Sakto nga kasi scheduled leave ko 'yon kaya makakapunta ako malamang. Si Denden ba, doon pa rin nakatira sa dati?"
    "Ha?"
   "Si Denden kako. Para sabay-sabay na tayo if ever."
   "H-hindi ko alam eh."
   "Ah okay. Tawagan ko na lang siya mamaya. Sige mauna na ako."

Asa Lang sa Yo Dati, Eh Ngayon? ( Completed Gxg )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon