43. FLORENCE

119 9 0
                                    

Sobrang bumaliktad ang mundo ko pagkatapos ng mga nangyari. Pagkaalis ni Geoff, dumiretso ako palabas ng school at umuwi na ako agad. Hindi ko na lang pinansin ang mga estudyanteng nadaanan ko na nakatingin o tumatawa sa'kin . Binilisan ko na lang ang paglalakad ko.

Nagulat si Mama nang umuwi ako ng wala pa sa tamang oras. Hindi pa yata niya alam kung ano'ng nangyari, kaya hindi ko na nga nagawang sagutin 'yung tanong niya, basta umakyat na ako agad ng kwarto ko at doon ako nagkulong habang umiiyak.

Sobrang galit na galit ako kay Geoff dahil sa nangyari. Umiyak ako nang umiyak habang nakasubsob sa unan ko, pilit na kino-contain 'yung sama ng loob na nararamdaman ko.

Hindi ako dapat nagtiwala kay Geoff. Hindi ko dapat siya hinayaang itago ang video na yun. Dahil sa kanya kumalat yun online at nag-trend. Dahil sa kanya nagmukha akong katatawanan sa buong school.

Nag-ring ang phone ko, at nang makita kong si Imari ang tumatawag, sinagot ko na agad. "Hello..." mahinang bati ko sa bestfriend ko.

"Renz! Jusko Renz! Asan ka? Umuwi ka na raw ba sa inyo?"

Umiiyak akong sumagot. Parang gripo na nga ulit ang mga mata ko, at sigurado akong mamaya ay mamamaga ito dahil sa kakaiyak kong ito. "Oo, Imari. Punta ka rito mamaya, please..."

"Oo sige! Pupunta kami ni Theo diyan mamaya! Nasa office pa kami eh!"

Natuwa ako dun sa sinabi niya kahit papano. "Hihintayin ko kayo."

"Okay. Pero teka lang. Ano ba talaga itong video mo sa Internet? Kelan 'to kinunan? At totoo ba na si Geoff ang kumuha ng video na 'to?"

"Oo..." I replied. Humahagulhol na ako and it took a few minutes bago ako ulit nakausap ni Imari. "Pero medyo matagal na yan..."

"Eh sinong nagpakalat nito sa Internet? Si Geoff?"

"Hindi k-ko alam..." sagot ko. Ang totoo ay wala akong idea kung sino exactly ang nag-upload ng video, pero may kutob na ako kung sino man siya, ay sinadya niya yun. At kung tama ang hinala ko, parang may kinalaman dito si Felicity. Yun nga lang hindi ko maintindihan kung paano niya nagawa ang bagay na yun.

"Hindi ako naniniwalang sinadya ni Geoff na kumalat itong video mo. Bakit niya naman gagawin yun sa'yo?"

May point si Imari, pero sa pagkakataong ito, wala na akong pinagkakatiwalaan. "Ewan ko."

"Kasi inosente si Geoff, Florence. At alam kong alam mo yan."

"Pero sa kanya pa rin galing 'yung video..."

"Bakit, kinunan ka ba niya ng video dati para magmukha kang shunga? Sinadya niya ba yun para ipahiya ka?"

"Ha? Hindi..."

"Yun naman pala eh," ani Imari na nagle-lecture na naman. "Kilala mo naman 'yung ex mong yun. Wala 'yung intention na ipahiya ka. Tsaka wag ka na ngang mag-drama! Andaming sumisikat diyan dahil sa mga wacky videos nila! Nakakatawa nga eh! At least hindi sex scandal ang kumalat, ano ka ba!"

"So natawa ka rin dun sa video?"

Nagulat yata dun si Imari sa tanong ko dahil napatigil siya saglit. "Well... I can't help it... nakakatawa naman kasi---"

"Wag ka munang pumunta dito sa bahay..."

"Ay grabe siya, na-offend agad! Eh mas malala pa nga dun 'yung iba kong ginagawa sa'yo ah!"

"Next time na lang tayo mag-usap, matutulog na muna ako..." sabi kong dismayado at pinatay ko na ang phone ko. Nag-ring ulit ito pero hindi ko na sinagot, medyo nasaktan lang din ako na pati si Imari eh pinagtawanan ako dun sa kasumpa-sumpang video na yun.

Especially For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon