• Prologue •

12 0 0
                                    

Naririnig 'ko pa rin ang hiyawan ng mga tao hanggang sa umabot na kami sa backstage, mga staff members ang sumalubong samin at binigyan kami ng tubig at tuwalya habang sumunod yung mga camera man saamin.

Unang nagsalita si Hwyn sa camera, kunwaring nakikipag-usap sa fans namin at nagpapakyut pa sa harap ng camera. Natawa naman ako sa kanya at nagpasyang sumali sa ginagawa niya hanggang sa kami ng pito ang nagsasalita sa harap ng camera.

"Marc," narinig ko'ng may tumawag sa pangalan 'ko kaya'y umalis kaagad ako sa harap ng camera at baka makita pa nilang may kausap ako'ng iba. Umalis na rin sina Josh at Shawn para hindi sabihing ako lang ang pinaalis kaya 'yung apat nalang ang natirang nagkukulitan.

"Po." sabi 'ko habang dahan-dahan ako'ng lumapit sa staff member na tumawag sa'kin. Tinuro niya 'yung manager namin na may kausap na babae at sinabing puntahan 'ko daw yung manager namin.

Naglakad ako papunta sa kanila nu'ng babaeng kasama niya at halos hindi 'ko nakilala kung sino. Nasa kalagitnaan na 'ko ng pag-iyak ng dali-dali 'ko siyang pinuntahan at niyakap ng mahigpit na parang isang buong taon 'ko siyang hindi nakita. At, oo. Isang buong taon 'ko siyang 'di nakita at himala na kung marinig 'ko yung boses niya kahit sa tawag man lang.

"Namiss kita." sinabi 'ko habang nakabaon ang mukha 'ko sa leeg niya, yung buhok niya'y tinatago ako. Ang bango niya'ng lilac at roses na parang kakagaling niya lang sa isang garden. Ngayon 'ko lang ulit nayakap yung katawan niya, nakita ang mukha niya at malanghap ang bango niya.

"Mahal kita." sabi niya naman at ibinalot niya ako sa yakap niyang alam ko'ng sanctuary 'ko yun. Sa wakas at narinig 'ko na ulit ang boses niyang mala-anghel sa ganda. Hinigpitan 'ko pa yung yakap 'ko sa kanya at ayaw 'ko na muling bumitaw kasi baka mawala ulit siya. "Lindsay, hindi mo alam kung gaano kita kamahal."

"Marcus." nagsalita si Manager at pinaalis muna si Lindsay nung bumitaw na ako sa kanya. "Bakit po?" tanong 'ko habang nakakunot yung noo 'ko. Something was up at nakakabahan ako na baka tungkol ito saamin ni Lindsay.

"Wag ka'ng mag-alala. Hindi 'to tungkol sa inyo ng girlfriend mo." ani manager at guminhawa naman ang pakiramdam 'ko. Minsan, nababasa talaga ni manager ang utak 'ko eh.

"Eh, san po pala?" natanong 'ko ulit. Kung hindi dahil sa amin, ba't niya ako pinatawag? Sisisantehin na niya ba ako?

"Nagpaalam kasi si Lindsay na isasama niya kayong lahat sa Busan para sa party niya." kuwento niya habang tinititigan si Lindsay na nakikipagtawanan sa iba ko'ng kamyembro. Siguro masaya din silang makita siya at sa wakas ay wala'ng camera na nagsusunod-sunuran sa kanila kasi alam nilang nandito si Lindsay at gusto rin naman nila si Lindsay kaya pinagbigyan kami ng pagkakataon na makipagbonding sa kanya.

"Maraming nakakakilala sa inyo sa Busan kaya mag-iingat kayo sa mga mata at camera d'un. Lalong-lalo kana kasi may girlfriend ka!" pagsermon niya saakin habang ginugulo yung buhok ko.

"Mr. M, ano ka ba? Kakaayos ko lang n'yan eh!" naiinis na sabi ng hair stylist ko at tinawanan nalang naming dalawa ni manager yung mukha niya.

Nung nakabalik na 'ko, hindi ko makita si Lindsay kung saan kaya'y pinuntahan ko si Kaiser na nagsasalita sa camera. Nakita akp ng camera na papunta sa pwestp Kaiser kaya kinunan niya rin ako kaya napilitan kaming magfan-service sa oras na may hinahanap ako pero hindi naman talaga scripted yung ginagawa namin. Meron din naman talaga kasi ako'ng pagtingin kay Kaiser, hindi yung type na naiinlab sa tao ha! Pero yung type na protective ako sa kanya, kasi nakikita 'ko 'yung kapatid 'ko sa kanya.

"Manahimik ka nga, hindi ko naman sinandyang hagisan ng tubig yung wire ng sound system." nanatawa ko'ng paliwanag kay Kaiser na natatawa rin habang binabalikan yung concert namin kanina na hindi ko namalayang natapunan ko pala ng tubig ang wire ng sound system instead sa mga fans, at hindi ko naman nakita na nand'un pala si Hwyn na nangingisay na kasi nakuryente siya sa wire ng sound system kaya pinahinga muna sya ng ilang minuto pero nagpatuloy naman kami sa pagperform pagakatapos niya'ng makapagpahinga.

"Alam ko'ng ginawa mo 'yun on purpose, h'wag ka nga'ng magdeny." sagot naman ni Kaiser habang hinawakan niya ako sa kanang kamay 'ko at tumawa naman ako, patulo'y parin ako'ng tumatanggi sa mga paratang niya sa'kin.

Pagtalikud 'ko ay nakita 'ko kaagad si Lindsay kasama si Hwyn na lumabas sa corridor malapit sa bathroom, nagtatawanan pa sila at nung nakita niya naman ako ay ngumiti siya ng saglit at nag-usap na naman sila ulit ni Hwyn. Pinuntahan 'ko muna sila at naiwan si Kaiser mag-isa sa camera kaya pinuntahan nalang siya ni Yuan at 'di lang sila nagpapakilig kundi nagpapakyut pa.

"Lin." tawag 'ko sa kanya nung papalapit na 'ko sa kinaroroonan niya. Hinila niya ako at pinaupo katabi niya at kaharap si Hwyn na best friend 'ko since kaklase ko siya nung training years pa namin.

"Hindi mo naman sinabi sa'kin na patawa pala si Hwyn." kuwento niya sa'kin habang tumatawa siya sa'kin, si Hwyn naman ay kumibit balikat lang.

"Anyway, 'yung party sa bahay. Punta kayo ha!" paalala niya saakin. Hindi 'ko pa pala sila nasasabihan.

"Party?" tanong ni Hwyn habang nagpapakita siya ng confused smile.

"Bukas, pupunta tayo'ng Busan. May party kasi'ng hiniheld si Lindsay kaya pinapapunta tayo ni manager." nagpaliwanag ko kay Hwyn na nalilito parin. Tumango na lang siya at tumayo, iniwan kami'ng dalawa ni Lindsay.

"Kamusta ka na?" tanong niya sa'kin bigla.

"Okay naman. Pagod, pero kakayanin." sagot 'ko naman sa kanya habang nakatingin sa mga kamyembro 'ko na nagpaplano para sa party na pupuntahan namin.

"Magpahinga ka naman kasi." paalala niya habang sumasandal siya sa balikat ko. Lumingon ako sa nakapikit niya'ng mata na tila hindi siya nakapagpahinga. Malayo kasi ang Busan sa Seoul, sobra'ng layo kaya siguro magdamag to'ng gising upang abangan kami.

"I love you." sabi niya.

"I love you too."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 12, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

His Rumored GirlfriendWhere stories live. Discover now