Chapter 1: Ako, ako na naman at Ikaw

100 8 9
                                    

Summer Love (Summer Break Special)

Chapter 1: Ako, ako na naman at Ikaw

Chelou's POV

Yes! Tapos na rin ang aming graduation! Congrats to Grade 10-Crimson batch 2013-2014 for graduating in middle School! Yehet!

Sa wakas natapos na rin ang aming Middle School life.

Alam kong may Grade 11-12 pa pero okay lang yan! At least 2 years na lang sa High School at nabawasan na.

Speaking of High School, hmm, ano kaya ang kaibahan nito sa Middle School except sa advance lessons?

Ayy, nevermind.

Ngayon, masayang masaya na ako! Bakit ba?

Masaya lang ako at nagbunga na rin ang paghihirap at sakripisyo ko sa mga nakaraang taon. Tulad na lang ng pagggising ko nang maaga araw-araw, gaabi-gabing pag-aaral, ay, este pagbabasa pala.

Kahit naman hindi ko naintindihan ang mga binabasa ko, masipag naman ako at tatapusin ko naman ang pagbabasa ng lessons namin.

Pero iba na yung mga libro nina...

Nicholas Sparks,

Stephanie Meyer,

Paulo Coelho,

J.K Rowling,

Suzanne Collins at

marami pang iba!

Hindi ako mababagot kakabasa ng mga libro nila!

Palagi ko talagang tinatanong sa sarili kung bakit mas maganda basahin yung novels kesa textbooks.

Paulit-ulit na din kasi ang mga lessons pero nakakalimutan tuwing summer, kaya tuwing pasukin, uulitin muli ang nakaraang lessons.

Hayyy.

Wala na tayong magagawa kapwa kong studyante.

Huwag niyo akong sisihin kung bakit mahina ang utak ko.

Nahihirapan talaga ako sa ibang subjects lalo na sa History at Algebra. Aish.

Ba't ba kasi lumaki akong tamad at hindi masyadong nagsisipag pagdating sa pag-aaral. Pero may valid reason naman ako eh!

Sadyang nawala ang 90% ng brain cells ko kaka-headbang noong bata pa ako habang kumakanta at sumasabay sa mga kanta ng Evanescence.

At least may 10% pang natira!

Summer na pala ngayon. Nawala sa isip ko dahil palagi na lang akong dada at dada dito sa isip ko.

First day of summer.

Nagdedebate ako kung mag-susummer job ba ako. Medyo boring kasi sa bahay at wala akong masyadong kausap.

Busy pa rin sa trabaho sina mama at papa. Ngayon nga lang sila nandito kasi Sunday.

Si kuya naman may barkada at malamang maglalaro na yun mamaya sa di kalayuang basketball court.

Wala akong barkada at loner ako sa school.

Hayy, buhay nga naman. Mamaya ko na lang ulit iisipin ang pag-susummer job ko.

Tumayo ako pero bago yon, gumulong-gulong muna ako sa higaa. Hayy. Ang sarap ng feeling na nakahiga ka tas yakp-yakap ang mga unan na napakalambot. Heaven.

Bumangon na ako pagkatapos kong magmuni-muni. Dumiretso na agad ako sa baba para kumain kasi nagugutom na ako eh.

Nag-greet ako 'good morning' kay mama, papa, at kuya. Pagkatapus nun, umupo na ako.

Habang kumakan, may narinig akong ingay sa labas- ingay ng mga trak.

"Ma, ano po yung ingay?" tanong ko kay mama na nagluluto ng corned beef.

"May bago tayong kapitbahay, anak." sagot sa akin ni mama habang inilagay niya sa hhapag-kainan ang niluluto.

"Ahh." yan lang ang sabi ko.

Tahimik ako eh, sa totoong buhay.

"Oh, sige ma, akyat na ako." nagpaalam na ako sa kanila pagkatapos kong kumain.

Tahimik talagga ako at hindi gaanung nakihalubilo sa iba. Mahiyain kasi akong tao at sa iising tao ko lang naipapahayag ang aking mga emosyon.

Hindi pa pala ako nagpapakilala.

Ako si Chelou Keizhrain Dominguez.

Ang Chelou ay Shelu kung babasahin at ang pagbasa naman ng Keizhrain ay Kezrain.

16 years old pa po ako at nag-aaral sa Brunne Academy.Hindi ako masyadong nagsasalita sa personal, pero pag POV ko na, aba! Madaldal ata toh!

Outcast? Hmm, masasabi mong ganun na nga pero kasalanan ko din naman yun dahil hindi ko masyadong pinapansin ang kaklase ko.

Kung magtatanung sila, dun lang ako sasagot. Hindi ako nakikipag-kwentuhan o kung ano pa man. Pero kahit ganito ako, may crush din naman ako. Normal lang din naman ako.

Ang crush kong 'yon ay palaging kong hinihintay.

Hindi man masyadong halata kasi hindi naman ako nagmumukhang nangungulila sa kanya sa harap nina mama, sa loob-looban ay hinahanap ko siya.

Siya kasi ang palaging umiintindi sa akin eh. Asan na kaya siya?

Hindi ba niya ako na-miss?

Babalik pa kaya talaga siya?

Kung sakaling babalik man siya, hindi ba magiging awkward kung magkikita kami? Ilang taon na rin kasi ang nakalipas mula nung umalis siya.

Naaalala pa kaya nya ako? O kaya naman, ako lang ang nakaka-alala sa pagkakaibigan namin noon. Sana hindi pa niya ako nakakalimutan. Muntanga na ako dito sa higaan ko kakaisip.

Ang tinutukoy ko ay...

si Seth Herbert Almin.

Siya ay naging kapitbahay namin noon. Crush ko siya simula pa lang nung 9 years old pa lang ako.

Naalala ko pa, summer pa nun, 7 years ago nung una ko siyang makita.

Sabay ng summer na 'yon ay ang pag-alis niya. Ang naging pinakamalungkot na araw sa buhay ko.

---

PLEASE VOTE,

AND

COMMENT!

:D

Nagustuhan niyo ba ang first chapter ng SL? Hindi siya ganun kataas, more or less 5 chapters lang toh. Thank you sa mga nagbabasa at patuloy na nagbabasa. huwag niyo pong kalimutang mag-comment o mag-vote, or both po. :) Hehe. Short story lang po ito at sana magustuhan niyo. Sa mga nais mag-suggest, feel free. Suggest po kayo ng ibang ideas na gusto niyo mangyari sa story. 'Yan lang po. Thank you. :) Pasensya na din po sa mga errors :)

Summer Love (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon