Chapter 2: Ang Nakaraan

43 5 5
                                    

Chapter 2: Ang Nakaraan

Chelou's POV

Flashback

Naglalaro kami ni kuya ng badminton.

Magaling siya pero mas magaling ako! Bwahhaha! Paano ba naman at laging basketball ang inaatupag niya.

Mas matanda si kuya sa akin ng 3 minuto. Haha! Big deal sa akin 'yon kaya kuya ang tawag ko sa kanya. Gusto ko kasi ng kuya eh, kaya kuya na ang tawag ko sa kanya kahit kambal kami. Haha, opo, kambal pala kami!

"Haha, kuya, ikaw na namn ang pupulot ng shuttle cock. Blehh!" tinawanan ko siya.

"Di, di ah! Ang daya mo!" Haha! Ang mukha niya parang ewan.

"Anong madaya? Paano 'yon naging madaya? Mas magaling lang talaga ako sa badminton!" sabi ko sa kanya.

"Tsamba lang toh. Ano gusto mo, round two?" mas maangas na 'yung itsura niya ngayon.

Aba, talagang hinahamon niya ako? Akala siguro niya magpapatalo ako? Hindi noh, hindi 'yan mangyayari. Haha! TinGNAn natin kung sino ang mananalo ngayon.

"Ah! SIge ba! Basta kung ako manalo ak------------------" naputol ang sasabihin ko nang may bumusina.

*Beep* *Beep*

Bumaba ang isang bata kasama ang kanyang pamilya. Pumasok ang pamilya ng bata sa bahay na di kalayuan sa amin. Ang batang lalaki naman ay papalapit sa amin.

"Pwede bang sumali?" taning niya habang nakangiti. Makikita mo pa 'yung dalawang cute na dimples niya! Shemay!

"Ah- eh.. ano.." pautal-utal kong sabi.

"Sige bro, ikaw na lang. Hindi ko matalo-talo tong babaeng toh eh. Pag ikaw nanalo, maging yaya mo siya sa isang araw." ngumiti nang nakakaloko ang ungas kong kapatid habang tinuturo ako.

"Ano? Ano ako, laruan? " Aalis na sana ako kasi naiinis ako kay kuya.

"Huwag na. Gusto ko lang maglaro." nag-smile ulit siya.

Mabuti pa siya mabait, di tulad ng kuya ko na kahit putulin mo ang mga sungay, tutubo at tutubo pa rin.

Pumayag akong makipaglaro sa kanya. Akala ko madali lang siyang kalaban pero nahihirapan ako kasi magaling siya at mabilis pa. Pagkatapos ng laro, inasar agad ako ng mabait kong kuya.

"Aba, ang galing mo bro! Ikaw pa unang nakatalo sa babaeng 'yan. Haha!" Tawa pa rin ng tawa siya at ibinaling ang tingin sa akin. "Ano ka ngayon? May mas magaling pa sa'yo. HAHAHA. "

Summer Love (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon