One week later.Rhian POV
Kararating lang namin sa bahay ng parents ni Glaiza.
Kasalukuyan kaming kumakain. I am so hungry kaya I just focused on my food. When suddenly I heard someone laughing.
I look up and see Glaiza laughing.
"Anong nakakatawa?" Inosente kong tanong.
"Wala, hindi ka naman gutom nyan Love?" Natatawa nyang sabi.
"Ay, sorry naman. Gutom na gutom na kasi ako." Sagot ko.
Nakakahiya tuloy. Para akong PG nito.
"It's okay, iha. Kumain ka pa." Sabi ni mama.
"Hindi ma, tapos na po ako." Sagot ko sa kanya. Actually busog na talaga ako. Timing lang si Glaiza sa pag puna sa kagutuman ko.
"Love, nag jojoke lang ako. Kumain ka na." Sabi ni Glaiza.
"Tapos na nga ako." Sagot ko sa kanya.
"Sigurado ka ba?" Tanong nya ulit.
"Oo nga." At pinandilatan ko sya ng mata.
Naaasar na ako, paulit ulit sya eh, napapahiya ako lalo.
"Ma, Pa. Punta muna ako sa kwarto." Paalam ko sa kanila.
Tumango naman sila.
Naglakad ako papunta sa kwarto, at humiga sa kama.
I heard a sumara ang pinto. Ibig sabihin may pumasok. Alam kong si Glaiza ito kaya hindi na ako kumilos.
"Love, galit ka ba sakin?" Tanong nya.
"Muntik lang. Kaw kasi nakakahiya, nakita mo na ngang gutom ako. Pinuna mo pa. Nakakahiya parang akong PG sa sinabi mo eh." Sagot ko sa kanya at tinalikuran sya.
"Sorry na love. Natuwa kasi ako kanina sayo, ang cute mo kasing kumain. Wag ka ng magalit please. Dumadalas ang tampo mo sakin." Sabi sakin ni Glaiza.
"Nang-aasar ka kasi eh. Wag ganon. Nakakasama ng mood eh." Sagot ko sa kanya.
"Sorry na po. Babawi nalang ako sayo. Can you go on a date with your Love?" Tanong sakin ni Glaiza.
Napangiti naman ako. Magandang idea. Agad akong tumayo. Naglakad kami papunta sa labas ng kwarto. Nakasalubong namin si mama at papa.
"Oh? Okay na ba kayo?" Tanong ni mama.
"Opo ma." Sagot ko sa kanya.
"Eh san naman kayo pupunta?" Tanong naman ni papa.
"Babawi lang po ako kay Rhian. Ma, Pa." Sabi naman ni Glaiza.
"Nako, kayo talaga, para kayong mga bata. Oh sya, mag iingat kayo. Ha?" Sabi ni mama.
Tumango naman kaming dalawa at lumabas na ng bahay.
Nakakamiss magbeach! Gladly, sa beach nga kami pumunta.
Nagrent kaagad ng cottage si Glaiza. Ako naman ay pumunta sa boutique para bumili ng bikini para saming dalawa.
Nakita ko ang magkatabing bikini. I think bagay kay Glaiza itong isa, at ito sakin. Parehong color pero magkaiba ng design.
Kinuha ko ang mga ito at nagbayad sa counter.
Pagkatapos bumalik ako sa cottage namin, at niyaya si Glaiza na magbihis sa C.R.
Pagkapasok namin sa loob, binigay ko sa kanya ang isususot nya. Binuklat nya ito at tumawa.
"Love naman, labas kaluluwa ko nito eh." Sabi sakin ni Glaiza.
"Hindi kaya, ang hot mo kaya pag sinuot mo yan." Sagot ko sa kanya.
Naiimagine ko ang itsura nya pag suot nya na ito. Ang sexy nga talaga.
"Talaga bang gusto mong isuot ko ito?" Tanong sakin ni Glaiza.
Naisip ko bigla na pagtitinginan si Glaiza ng mga tao dahil sa kasiksihan nito. Kaya naman, No!no!no! Ako lang dapat tumingin kay glaiza.
"Love, wag nalang pala." Sabi ko sa kanya at kinuha ang bikini.
"Hindi, okay na ako love. Susuutin ko na for you." Sabi sakin ni glaiza.
"Love, kasi, gusto ko ako lang makakita sayo ng ganyan, madaming magkakagusto nyan sayo." Sabi ko sa kanya at nag cross arms ako.
"Nako naman love, don't worry, 'cause my eyes are set only for you. Okay?" Sagot ni Glaiza.
Naks, kinilig naman ako doon.
Nagbihis na kaming pareho, at pagkatapos naming magbihis, nag selfie na muna kami.
Tapos lumabas na kami ng C.R.
____________________
Glaiza POV
Ang galing ng naisip ko. And it turns out just fine. Nakabawi nga talaga ako kay love. She looks so happy.
She's so sexy sa suot nyang bikini. Naks, napapakagat labi ako nito.
Naglakad kami papunta sa cottage namin at umupo kami. Dumating naman ang food na pinaserve ko.
"Do you like it here?" Tanong ko kay Rhian.
"Yes, love. We should come here often." Sagot nya sakin to which I nodded.
"Hmm, kain na tayo." Sabi ko sa kanya.
Sinubuan ko sya, tuwang tuwa naman sya habang ginagawa ko ito. Kaya pinagpatuloy ko ito hanggang sa matapos kami.
Then we went sa gilid ng dagat, at naglakad lakad. Lahat ng madaanan namin ay napapatingin saming dalawa. Lalo na yong mga boys, nag witwew pa. Pero hindi ko sila pinapansin, si Rhian din, hindi dedma lang din.
Ang hirap talaga pag maganda at sexy ang daming nagnanasa. Natatawa kong sabi sa isip ko.
Nakarating na kami sa hindi mataong lugar.
"Tara, langoy na tayo?" Sabi sakin ni Rhian.
"Sige ba, pero wag sa malalim ha?" Sagot ko sa kanya.
Natakaot akong maulit dati yong nangyari sa kanya.
"Opo, love." Sabi niya sakin.
"Good." Sagot ko.
At nagsimula na kaming maligo. Tumagal kami ng isang oras sa paglalangoy. Then umahon na kami at umupo sa buhangin.
"Love, Thank you." Sabi sakin ni Rhian.
"You're welcome my queen." And I kissed her on her lips.
Agad kong tinapos ang halik na ito kasi nadadala na ako.
"Tara, balik na tayo sa cottage." Aya ko kay Rhian.
I hold her hand, and together we walked pabalik sa cottage.
Bago pa kami makarating sa pupuntahan namin, may nakasalubong kaming babae, hindi ko sya kilala, not until nung makita ko ang mukha nya.
I look at her from toe to head.
She has this smirk na nakakainis. Lumaki ang mga mata ko, dahil sa kung ano ang mangyayari ngayong nandito sya.
Sakin wala lang, pero kay Rhian, I'm sure big deal ito.
Nang nakatapat na namin sya, hindi na sana ako papansin sa kanya. Nilagpasan namin sya, pero hinawakan nya ang wrist ko.
Oh God! This is going to be a long day.
************
Well, there goes chapter 8. :) I hope you like it.
Salamat sa walang sawang pagbabasa sa story na ito.
Thank you so much! 😙
🔚
BINABASA MO ANG
Starting Ever After (Sequel of Together Forever) COMPLETED
FanfictionThis is the second book of my Rhian and Glaiza fanfic story, entitled: Together Forever. So, If you have read the first book, then proceed. This is the story of Starting Ever After. They are married, so what's next? That's what we are going to read...