NANGUNGUPAHAN si Ernest sa isang maliit na bahay sa Quezon City dahil malapit sa lugar na iyon ang isang malaking tindahan ng school supplies na kanyang pinagtatrabahuan. Isa siyang bagger doon at alas syete ng umaga hanggang alas nuebe ng gabi ang kanyang schedule.
Mag-isa lamang siya sa kanyang inuupahan dahil ang kanyang mga magulang ay nasa ibang bansa dahil OFW ang mga ito.
Pinapadalhan lamang siya ng pera buwan-buwan upang kanyang panggastos at ang kalahati ng kanyang perang natatanggap ay itinatabi niya at isinasama sa sweldo niya buwan-buwan.
Gabi ng araw na iyon. Nanonood siya ng telebisyon habang kumakain. Nasa loob na siya ng kanyang silid.
Maliit lamang ang kanyang bahay na inuupahan pero mas mura naman iyon at kaya ng kanyang budget. Medyo mainit nga lang dahil sementado ang buong bahay at hindi pa mabuksan ang mga bintana dahil puro kalawang na ito at masyado nang matigas para buksan.
Luma na ang bahay na iyon at puno na rin ng krak sa loob. Butas-butas na din ang kisame nito ngunit hindi naman iyon nakaka-perwisyo kay Ernest dahil wala namang kahit anong daga o pusa na nakakapasok doon.
Sinubukan niyang tawagan ang kanyang girlfriend na nakatira naman sa Cavite pero naka-switch off ang cellphone nito.
Sinubukan pa niyang tumawag sa iba pang mga kaibigan pero walang sumasagot kahit isa.
Nakakaramdam siya ng inip doon tuwing gabi at minsan hindi niya maiwasan makaramdam ng takot dahil hindi pa rin siya nakasisigurado kung wala ngang mga hayop o insekto na nagtatago sa loob ng butas-butas na kisame. Iniisip niya na baka may ahas doon o kung ano mang klase ng insekto.
Sa kalumaan ba naman ng bahay na iyon ay hindi maiiwasang pamahayan iyon ng mga daga o anu pa mang mga hayop.
Nang makaramdam na siya ng antok ay pinatay na niya ang telebisyon at humiga. Naghubad pa siya ng sando dahil sa sobrang init.
Halos hindi siya makatulog ng gabing iyon dahil sa sobrang init, dilim at tahimik. Paypay siya ng paypay bawat oras pero tuwing sasapit ang umaga ay nawawala na ang kanyang pagka-inip dahil muli na siyang papasok sa trabaho at makakalanghap ng ingay, musika at malamig na hangin mula sa loob at bukod doon ay palagi din niyang nakaka-kuwentuhan ang kanyang mga bagong kakilala.
Nang gabing iyon ay masarap na ang kanyang tulog. Hindi na niya pansin ang init na nagmumula sa loob ng kanyang silid. Nabitawan na din niya ang hawak na pamaypay at humihilik pa. isang kakaibang kiliti ang gumising sa kanya dahil naramdaman niya ito sa kanyang braso at dibdib. Paggising niya ay kinapa niya ang mga iyon. Nagtaka siya ng may mapulot na hibla ng mga buhok. Mga mahahabang buhok na galing sa isang babae.
Hindi niya ito maaninag dahil sa sobrang dilim ng paligid pero ng mahawakan niya ito ay alam niyangbuhok iyon. Mga mahahabang buhok.
Kinapa niya ang kanyang ulo pero imposibleng galing sa kanya iyon dahil hindi naman ganoon kahaba ang kanyang buhok at isa pa halatang-halata na galing sa babae ang buhok na iyon.
Maraming mga buhok na nakalagay sa kanyang dibdib at ang iba ay nahulog pa sa kanyang braso. Pinagpag niya ang mga ito sa kanyang katawan at inalis sa kanyang higaan.
Nagmasid siya sa buong paligid ng kanyang kwarto.
Napakadilim. Wala siyang makita na kahit anong liwanag o anino man lang. kinapa niya ang kanyang cellphone para pailawan ang silid pero sa sobrang dilim ay hindi niya ito mahanap kung saan nailapag.
Wala ding katao-tao doon. Napakadilim na napakatahimik pa. Tanging hininga lamang niya at ang tibok lamang ng kanyang puso ang kanyang naririnig.
Pero tama nga ba ang kanyang iniisip? Wala nga ba talagang tao sa loob?
BINABASA MO ANG
Ang Buhok (In The Myth)
HorrorIto ang pangalawang installment ng horror album na pinamagatang "In The Myth" Ang kwentong ito ay naglalaman ng mga maseselang kaganapan. Ito ay tungkol sa pagmumulto ng babae sa pamamagitan ng kanyang mahahabang buhok upang maghanap ng katarungan s...