Jasper's POV
Bzzz! Bzzz! Bzzz!
Nagising si Jasper sa tunog ng alarm clock niya. As usual, magtoo-toothbrush siya at dali-daling maliligo, magbibihis at kakain ng agahan. Daily routine na niya eh.
"Ma, alis na po ko. Ba-bye. I love you po." sabay halik sa ina. :*
"O Jasper, anak, mag-iingat ka ha." tugon naman ng kanyang nanay.
"Opo Ma."
Naglakad na si Jasper upang puntahan ang bahay ng kanyang bestfriend Isabela, dahil malapit lang naman ito sa bahay nila.
Teka teka, andami ko na atang nakwento, di pa ako nakakapagpakilala.
Ako nga pala si Jasper, 1st year EB English student sa isang kilalang school dito sa Maynila. Sabi nila nerd daw ako. Pero hindi yun totoo. Mas gusto ko lang kasing inuuna ang studies ko. Sabi pa nila, di raw ako belong. Wala raw kasi akong love life eh. Ang di nila alam, naghihintay lang ako ng taong tatanggap sakin kung ano ako, kaya lang wala pa talaga akong nakikitang ganung tao. Pero siguro tama na rin yun, para makapag-concentrate ako sa pag-aaral. Para masuklian lahat ng paghihirap ng mg magulang ko sakin.
Nung malapit na ako kina Ella (palayaw ni bestfriend Isabela) may nakabangga ako.
"Aray!" sigaw naming sabay.
Pag minamalas ka nga naman talaga. Nahulog pa yung salamin ko. Malabo pa naman mata ko pag wala akong glasses.
"Eto oh." sabi nung nakabangga ko. Sabay abot sakin ng glasses ko.
"Salamat." kinuha ko na yung salamin ko sa kanya.
Pagtingala ko... Wow! Ang ganda niya! Para siyang anghel! Alam nyo, di naman talaga ako basta-bastang nabibighani sa mga babae, pero ibang klase 'to. Mukhang tinamaan ata ako ng pana ni Kupido.
"Uy sorry ha. Nagmamadali na kasi ako. Sige, bye. Sorry uli." paliwanag nya sakin.
"Teka, miss!" pahabol kong sigaw sa kanya. Itatanong pa sana kung ano yung pangalan niya, kaso ang bilis magalakad eh. Tsss. Sayang. :3
"Best!" sigaw sa akin ng isang pamilyar na boses. Si bestfriend. Si Ella.
BINABASA MO ANG
Tren (A story of love)
RomanceIsang normal na araw ang sinimulan ni Jasper, ngunit natapos itong sa isang pambihirang paraan. Umiibig na siya. Sa isang babaeng nakilala niya sa tren. Magmula ng makilala niya ang binibining ito, nag-iba ang takbo ng buhay niya. Lagi nya itong nak...