Chapter 24 So Close

4.9K 105 1
                                    

Mula sa nakakalunod na mata ni Marcus ay unti unti niyang ibinaling ang paningin sa kwentas na ibinigay nito.

Hinawakan niya ito at pinakatitigang mabuti.

Ang ganda. Sobra.

"Lavender.." wala sa sarili niyang naiusal.

"Your favorite."narinig niyang sambit ni Marcus.

"I forgot the date today." Amin niya habang nakatitig pa rin at marahang hinahaplos ang kwentas.

"I package came in early morning. It was gift, I suppose. It has a 'Happy Birthday" and your name in it.

Napabaling siya dito. Nakakunot-noo habang si Marcus ay nakangiti ngunit napapakamot sa batok.

"I'm sorry. I forgot to give it to you. Later." Napakagwapo nito habang natatamaan ng konting sinag ng araw. Dahil maraming nakapalibot ng mga puno ay hindi masyadong natatamaan ng sikat ng araw sa lugar na iyon kahit pa nasa ala una na ng hapon.

Naisip niya ang natanggap na tawag kahapon ng kaibigan. "Galing sa bestfriend ko siguro iyon."

"Your skin's getting red already. Let's go home." Seryoso nitong sabi bago may hinigit na tali mula sa ilalim ng balsa. Unti-unti silang napapalapit sa kubo dahil nakakabit pala iyon doon.

Pagka-apak sa papag ng kubo ay may tumunog na cellphone. Hindi kanya iyon.

Lumapit si Marcus sa pantalon nitong nakalatag sa papag. Napahigit siya ng hininga ng masuri ang kabuuan ng likod ni Marcus.

Ganun na lang ang gulat niya ng lumingon ito sa kanya hawak hawak ang cellphone. Agaran niyang ibinaling sa mga damit niya lapag at unti-unting luapit roon.

"Sagutin ko lang." Wika ni Marcus ngunit hindi na siya lumingon. Tumango na lang siya.

Saglit pang tumayo si Marcus roon at ng umaktong kukunin naniya ang saplot ay lumabas na ito ng kubo at napabuntong hinging siya ng malakas.

Dali-dali niyang sinuot pabalik ang damit. Bit-bit ang t-shirt ni Marcus at ang basket ay lumabas na rin siya at dumeretso sa kotse nito.

Napakunotang noo niya ng makita ito sa dikalyuan sa kotse habang may kausap sa phone, nakapagbihis na rin at may bagong tshirt na suot.

Sinubukan niyang buksan ang kotse nito at dahil bukas iyon ayipinasok na niya sa backseat ang basket at pumasok na sa passenger seat.

Mayamaya ay natapos na ito sa tawag at tahimikna pumasok sa kotse. Seryoso ito kaya napakunot ang noo niya. Sa huli ay binalewala niya iyon at tumikhim.

"Ahmm..salamat pala dito." Naiusal niya habang hawak hawak ang tshirt na basa.

Lumingon ito sa kanya at seryoso pa rin ang mukha.

Kinuha nito ang tshirt at isinabit sa basket sa likod.

Napayuko na lamang siya ng wala pa rin irong imik. Narinig niya ang buntong hininga nito at pinaandar na ang kotse.

Hanggang sa makarating sa bahay nito ay wala pa rin itong imik kaya dumretso na siya sa hagdan habang ito ay nakasunod. Nang paliko na sana siya ay bigla nitong hinila ang kanyang palapulsuhan.

Hindi man mabilis ang lakad nito ay nakakaladkad naman siya. "Ano ba!" inis niyang sita dito."Ngunit dere-deretso lamang ito at pumasok sa kwarto.

Pagkapasok ay hinila niya ang kanyang braso kaya napalingon ito sa kanya na seryoso pa rin ang mukha.

"Bakit ba bigla bigla ka lang lang nanghihila. Eh kung nadapa ako do-" hindi na niya natapos ang reklamo nang bigla itong lumapit at mahigpit siya nitong niyakap.

Ravages of Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon