LDR14 - Meeting her relatives.

384 10 6
                                    

LDR Chapter 14

Kathryn's P.O.V.

April 13. 9am


Nandito kami ngayon ni DJ sa Sala. Yung barkada? Ayun, ngayon palang nagsisiligo. Pano naman may hangover pa daw. Konting inuman lang daw kagabi pero ang daming ininom. Buti nalang at nagising parin sila ng maaga.


"Baby, malayo ba dito yung bahay ng relatives mo?" tanong sa akin ni DJ.

"Hindi naman. Mga 10 minutes lang yung byahe."

"Sino-sino ba yung mami-meet natin dun?" tanong pa nya

"Hmmm.. Sila Tita Carmina, Tita Gretchen tsaka si Tito Benjie. Mga kapatid ni Mama. Nandun din yung mga pinsan ko." sagot ko sa kanya

"Sa tingin mo magugustuhan kaya nila ako?"

"Teka nga.. Kinakabahan ka ba?" tinignan ko siya at umiwas sya ng tingin.

"Hindi naman. Hindi ko alam." sagot niya

"Para kang tanga. Wag kang kabahan. Mababait yung mga yon. Kung sila Mama at Papa nga nagustuhan ka sila pa kaya?" sabi ko at hinawakan yung kamay niya.

Hinalikan nya yung kamay ko at nginitian ako.

"Oy sobrang cheesy nyo na jan. Tara na." sabi ni Miles na kasama ang barkada.

"Sige, tara na." aya ko sa kanila

"Teka, parang ayaw ko na sumama." sabi ni Lester

"Ha? Bakit naman Giri?" tanong sa kanya ni Miles

"Parang pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda." sabi ni Lester. Mukhang seryoso siya

"Para kang bakla tol. Tara na." sabi ni JC

Sumakay na kami sa Van at bumyahe papunta sa bahay ni Tita Mina. Wala pang 10 minutes ay dumating na kami dun. Sinalubong kami ni Tita Mina.

"Hi Kathryn! Dalagang dalaga ka na! Kamusta?" sabi niya at niyakap ako

"Hello po Tita. Okay naman po ako. Nga po pala, mga kaibigan ko. Sila Miles, Lester, JC, Katsumi, Seth at Anikka. Tapos ito po si Daniel. Boyfriend ko." pakilala ko sa kanila. Nagbeso naman sila kay Tita

"Tara, pasok kayo. Nandito dn sila Tita Gretchen at Tito Benjie mo. Pati mga pinsan mo." sabi ni Tita Mina

"Tara guys. Papakilala ko dn kayo sa mga pinsan ko. Magkakasundo kayo nung mga yun for sure." sabi ko sa kanila

Pagpasok namin sa bahay ay agad kong pinakilala ang barkada kla Tita Gretchen, Tito Benjie at sa mga pinsan ko.

Nandito kami ngayon ni DJ sa Sala kasama sila Tita Mina, Tita Gretchen at Tito Benjie. Yung barkada naman nasa garden. Kasama yung mga pinsan ko. Nagkasundo nga sila. Pare-pareho kasi ng ugali eh.


"Ikaw pala si Daniel." seryosong sabi ni Tito Benjie.

"Ah. Opo." sagot ni Daniel

"Nag-aaral ka pa ba?" tanong ni Tito Benjie.

"Hindi po. Nakapagtapos na po ako. Pareho po kami ng natapos ni Kathryn." sagot ni DJ

"Nagtatrabaho ka na?"

"Hindi pa po. Pero ngayong taon din po magoOJT na ako." sagot ni DJ

"Kuya daig mo pa si kuya Teddy magtanong ha." sabi ni Tita Mina

"Mukhang natatakot na nga sayo si Daniel." sabi ni Tita Gretchen

Tinignan ko si DJ. Medyo pinagpapawisan siya.

Long Distance Relationship (KN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon