LDR Chapter 15
Lester's P.O.V.
-FLASHBACK-
August 28.
Nandito kami ngayon ni Vanessa sa Park. 6th Monthsary namin ngayon.
"Happy VanSter Day!!" masayang bati niya
"Happy 6th VanSter Day!" sabi ko at niyakap ko siya.
Niyakap niya din ako ng mas mahigpit.
"I love you." bulong niya
"I love you more." sabi ko sa kanya.
Masasabi kong ALMOST PERFECT ang relasyon namin ni Vanessa. Maganda siya, gwapo ako. (Weh?) Wag ka muna umepal estelle.
Yun nga, maganda siya, gwapo ako. Hahaha! De joke lang. Pero seryoso na. Mabait si Vanessa, mahal na mahal nya ako at ganun din ako sa kanya. Sobrang understanding niya at napakasaya niyang kasama. Wala pa ata kaming pinag awayan na sobrang away. Basta.
"Uy Babe! Bakit tulala ka dyan?" sabi ni Vanessa na nasa tabi ko.
"Ay. Sorry. Wala babe. San mo gusto pumunta?" tanong ko sa kanya.
"Hmmm. Dun nalang tayo sa bahay? Nuod tayo ng movie? Kwentuhan?" sabi niya
"Sige, gusto mo lang ako solohin eh!" asar ko sa kanya
"Kapal mo ah." sabi niya naman.
"Tara na." hinawakan ko yung kamay niya at naglakad kami papunta sa bahay nila.
Habang naglalakad kami napansin kong tahimik siya at tulala.
"May problema ba?" tanong ko sa kanya
"Wala. Wala." sagot naman niya
"Parang ang lalim ng iniisip mo eh. Nalulunod na ako." sabi ko sa kanya
Inirapan naman niya ako.
"Panget mo." sabi niya
"Mahal mo naman." sabi ko
Pagdating namin sa tapat ng bahay niya ay pumasok na kami sa loob. Oo, bahay niya. Mag-isa lang kasi syang nakatira dito. Nasa Pampanga daw ang family niya.
"Tara, dun tayo sa kwarto manuod ng Got to Believe." excited nyang sabi.
Umakyat kami sa kwarto niya at dun nanuod ng Got to Believe. Sinalang na niya yung DVD. Ewan ko ba dito kay Vanessa. Adik na adik kay Joaquin at Chichay.
Nakaupo lang kami sa kama. Yung isang kamay ko nakahawak sa bewang niya. Sinandal ko yung ulo ko sa balikat nya. Medyo inaantok na kasi ako.
"Hindi kita mahal Joaquin." -Chichay
Biglang humagulgol itong si Vanessa sa pinapanuod nya.
Naramdaman kong hinawakan niya yung kamay kong nakahawak sa bewang nya. Pero nagtulog-tulugan ako.
"Happy 6th VanSter Day. Sana hindi pa ito ang last. Sana mapatawad mo ako." narinig kong bulong niya at hinalikan ako sa noo.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako...
*KINABUKASAN*
Nagising ako dahil sa sinag ng araw. Dito na pala ako nakatulog sa bahay ni Vanessa.
Naramdaman kong nakayakap siya sa akin. Ang higpit ng yakap niya. Hinawi ko ang buhok na tumakip sa mukha nya.
Mahal na mahal ko ang babaeng ito kahit na pango ang ilong nya. (HAHAHAHAHAHAHA! Labyu Vanessa.) Hinalikan ko ang ilong niya. Tinanggal ko ang kamay niya sa pagkakayap sa akin.
BINABASA MO ANG
Long Distance Relationship (KN)
Fanfiction"Distance means so little when someone means so much."