Kabanata 5
Tears
Pagkatapos i-announce ni Kuya Cyrus ang nanalong Star at Face of the Night, binigyan muna ng pagkakataon ang ibang estudyante na mag-enjoy sa dance floor bago isayaw ni Dwight si Sheena.
Everyone on the dance floor are enjoying the music of Niall Horan, I guess the title of that song is On The Loose.
When the song changed into KoKoBop by EXO, mas lalo pang naging hyper ang lahat. Habang ako naman ay unti-unti nang nilalamon nang matinding selos nang makita ko na naman 'yung pinakabatang Teacher na kausap si Dwight sa gilid ng stage.
Kanina pa talaga nangangati 'tong paa ko sa pagsugod sa kanilang dalawa ngunit hindi ko malaman kung bakit bigla rin akong nawawalan nang lakas ng loob.
Anytime tutulo na ang luha ko sa sobrang frustration sa mga nangyayari ngayon kaya naman minabuti ko nang tumayo at magpunta sa restroom.
Binabati ako ng iilang mga estudyante na nakakasalubong ko. Tinutugon ko naman sila nang tango at tipid na ngiti. Nakahinga lang ako ng maluwag nang nakarating na ako sa loob ng restroom.
Pumasok ako sa pinakadulong cubicle at doon inilabas ang mga luhang kanina pa nagbabadyang kumawala.
Sobra akong nasasaktan kahit hindi naman talaga sa akin big deal kung ako o hindi ang mananalo bilang Star of the Night. Pero dahil si Dwight ang pumili nang nanalo, naging big deal ito sa akin.
Marami akong tanong kung bakit hindi ako ang pinili ni Dwight na maging Star of the Night. It's obvious naman na mas maganda ako kay Sheena at mas maganda rin ang gown ko. Pero bakit siya pa rin ang pinili ni Dwight?
Dahil ba ayaw niya talaga sa akin? Iyon ba ang way niya para iparating sa akin na hinding-hindi niya talaga ako magugustuhan?
Mas lalo akong humagulgol sa ideyang iyon. Feeling ko, sa lahat nang ginawa ni Dwight na nasaktan ako, ito ata ang pinakamasakit sa lahat. I admit, masakit ang pagsalitaan ka ng ilang salita na alam mong maiinsulto ka, masakit 'yung paulit-ulit kang itinataboy, pero 'yung ngayon, damn! Sobrang nasasaktan ako. Siguro, dala na rin ng pride ko kaya ako nasasaktan. Pero 'yung katotohanan na iba ang pinili ni Dwight na maging Star of the Night, kahit nandito naman ako, isa talagang malaking sampal sa akin 'yun.
Tumigil ako sa pagsinghot at paghagulgol nang makarinig ako ng iilang mga yabag. Narinig ko ang boses ng dalawang babae. Nanatili akong tikom. Pinakiramdaman ko ang bawat yabag nila. At nang masiguro kong nakalabas na sila, doon na ako nagdesisyon na lumabas na rin sa cubicle.
Napangiwi ako nang makita ko ang hitsura ko sa harap ng malaking salamin. Nagulo na ang make up ko or should I say, nabura na ng mga luha ko.
Para akong tanga na tumawa na lang at kumuha ng wipe at ipinangpunas ito sa buo kong mukha. Sunod akong kumuha ng tissue at ito naman ang ipinangpunas sa buo kong mukha. Ito talaga ang gusto ko rito sa school namin, may mga ganitong needs sa bawat girl's restroom at libre pa.
Para akong bagong gising sa hitsyura ko ngayon. Namumugto na rin ang mga mata ko. Bumuntong-hininga ako at kinuha sa pouch ko ang liptint ko na lagi kong dala-dala saan man ako magpunta.
Nang masiguro kong ayos na ang hitsyura ko, nagdesisyon na akong bumalik sa gym.
Nasa may bukana pa lang ako ng gym nang sumalubong agad sa akin si Clover na halatang kanina pa ako hinahanap, kasama niya sila Kuya Cyrus, 'yung tatlo naming kaklase na lalaki at si Dwight. Unexpected.
"Damn, where have you been?" singhal sakin ni Clover.
"Kanina ka pa namin hinahanap, Nicosia," Aniya ng kaklase kong lalaki, wala ako sa mood para alalahanin ang pangalan niya but of course, kilala ko siya.
BINABASA MO ANG
Chasing Mr. Heartless (His Touch Series #2)
RomanceWarning: SPG | Mature Content | R-18 | Nicosia Reign Salviejo is a brat lady. Siya ang spoiled brat slash prinsesa ng mga Salviejo. All her whims, laging nasusunod. Siya iyong tipo ng babae na lahat ng gugustuhin niya gusto niya nakukuha niya. Until...