Addison's POV
* tok * tok * tok *
"Addie? Addie? Gising na! Ma la-late ka na sa first day of school mo! Bumangon ka na! Hihintayin nalang kita sa baba! " Gising sakin ni mommy. Shoot!! Bat ba ang ingay ni gurang?! Pshh first day of school lang naman eh! I hate schools!!
"K." Sabi ko sakanya. Ano bang magagawa ko? Pasukan na eh tsaka ayoko nang marinig yung boses niyang garalgal. Nag-ayos na ako nang sarili that includes na ligo na ako at iba pa tapos bumaba na ako para kumain. Pagkababa ko nandito na si ursula at ang anak niyang shokoy.
"Ang haba nang sinabi ko sayo tapos "k" lang yung sagot mo sakin?!! " Bulyaw sakin ni tanda. Bakit ano bang gusto niya mag speech ako dito? Psshh tanga talaga. Nakaka-stress yung pagka tanga neto totoo nakatapos ba talaga nang pag-aaral to? Nagsisimula na akong magduda ah.
"Shut up, gori." Sabi ko sakanya habang kumakain na dito. Nakaka polute kasing kausapin yang tanda na yan.
Tumaas ang kilay ni gurang at nagtatakang tumingin sakin. "Gori?" Takang tanong niya.
"Oo short for gorilla" Walang ganang sabi ko sakanya.
Sinisisi ko lahat kay mommy ang nangyari sa buong buhay ko. Dahil sakanya nangyari yun sakin. Tinapos ko na lahat ang dapat tapusin. Pagkatapos kong kumain umalis na ko nang walang paalam, bakit pa?. Dumiretso na lang ako sa garahe namin at umalis na. Pagkarating ko sa school, nag bell na pala, well I don't care!. Dumiretso na lang ako sa G.O. para makuha ko ang schedule ko ngayong taon. Hindi na ko kumatok pa dahil tinatamad ako.
"Where's my schedule?" Malamig na tanong ko sa principal ata namin? Infairness ang PANGIT niya.
"So you must be Addison Candice Smith? Bakit nga pala late ka? Alam mo bang first day of school mo ngayon? By the way I'm Mrs.----" Hindi ko siya pinagpatuloy dahil unang una wala akong pakialam at pangalawa nakakatamad makinig sa introduction
"Don't care. Now where's my schedule?" Mas lalo kong linamigan ang boses ko para naman ibigay niya na sakin ang hinihingi ko. Para maka-alis na ko sa lechugas na G.O. na to. Binigay niya naman agad ang schedule sakin, Good! Umalis na agad ako sa G.O. at pumunta na sa bago kong classroom. Pagkapasok ko nagtinginan naman agad sila sakin. Nandito na pala ang teacher at mukhang naantala ko ang mala historic niyang introduction
The girls are glaring on me, do I care? NO! Mukha naman silang mga hito eh. The guys are drooling over me but no one in particular caught my attention. Mukhang nagulat naman ang panot na teacher na nagtuturo sa harapan hinead-to-foot niya ako kala mo naman may buhok.
"Can you please introduce yourself miss?" Confirm! Bakla to. Pero dahil nga tinatamad ako ayokong magpakilala masasayang lang ang laway ko. Makikilala rin naman nila ako during the school year so why bother?
"That's for me to know, and for you to find out." Nag-smirk ako sakanya at umalis na sa harapan para humanap nang upuan buti marami pang upuan kaya na-upo na ko sa pinakadulo at nag-headphone's ayokong marinig ang boses niyang parang kinakatay na baboy. Nag-observe na lang ako sa mga kaklase ko lahat sila nakikinig sa teacher
New Playmates huh? Sabi ko sa sarili ko,Nag-smirk ako sa kawalan at umubob na lang sa armchair ko. Boring naman kasi ang klase na to.
Stephanie's POV:
Hey!! Hey!! Sup guys!! Ako nga pala si Stephanie Tania Park! 17 years olds at proud to say na isang nerd! So what? Purkit nerd hindi na pwedeng maging proud? Ibahin niyo! May pagka chubby nga ako pero sabi naman nila cute daw ako. Loner ako sa sa pesteng school na to, ang dami kasing maarte kala mo naman maganda. Tapos kailangan bago maging kaibigan papayat muna? Paganda ka kaya muna teh bago mo ko sabihan?. Kaya wag na lang akong magkaron nang kaibigan kung PEKE lang rin naman.
Kasalukuyan nag kwe-kwento ang adviser namin tungkol sa talambuhay niya na wala naman kaming pakialam nang biglang bumukas ang pinto malamang diba? Pumasok ang isang babaeng napaka cold nang aura at mukhang walang pakialam sa buhay. Wait a minute kapeng mainit!! Kilala ko to!! Siya yung cover nang isang magazine na binasa ko kahapon. Hoy! purkit nerd hindi na pwedeng magbasa nang magazine? =_____= Siya si Addison Candice Smithtopic siya sa isa sa mga page nang magazine na nabasa ko. Wow! Dito na pala siya mag-aaral? Malamang kaya nga siya nandito eh! Takte! Ang hirap kapag pinipilosopo ka nang sarili mong utak.
"Can you please introduce yourself miss?" Tanong sakanya nang adviser namin. Mukhang naiinis kasi naantala niya ang kanyang mala MMK na kwento.
"That's for me to know, and for you to find out." Wow!! Ang cool niya *Q* pero bakit ang cold? Wew! Ok lang mas nakadagdag pa nga ata sa appeal niya yun eh.
Kahit hindi pa siya pinapa-upo nang adviser namin dahil hindi pa nakaka recover sa pagsagot sakanya eh humanap naagad siya nang mauupuan nandun siya sa pinaka-likod tapos bigla na lang siyang umubob sa upuan niya mukhang matutulog ata?
Natapos ang pag kwe-kwento nang adviser namin dahil nag-bell na pala. Papa-alis na sana ako nang makita ko si addison na natutulog pa rin sa upuan niya. Pinuntahan ko siya dahil mukhang walang balak magising at balak ko sana siyang gisingin. Malay mo maging mag bestfriend kami diba? Hihihihihihi eneber~~
"Addison? Gising na, recess na natin umalis na lahat nang kaklase natin." Sabi ko sakanya with matching alog-alog pa sa balikat niya. Nag groan pa siya bago niya i-angat ang sarili niya at tumayo. Hinead to foot niya ako kaya naman na conscious ako sa ginawa niya.
"Sino ka?" Tanong niya sakin. Mukha ba akong sinuka? T_T Alam ko naman na nerd ako pero hindi naman siguro kasing lala na mapagsabihan nang sinuka T_T hurt hurt ako sakanya
*pout* "Hindi naman ako sinuka eh T_T tao ako!" Sabi ko sakanya. Kung dati poker face lang ngayon mas lalong naging poker face ang mukha ni addison.
"Wag kang pilosopo miss ang sabi ko 'who are you' ayan in-english na yan." Mataray na sabi niya sakin nakataas pa nga ang isa niyang kilay eh. Huhuhuhuhuhu mukha siyang mangangain nang tao sa itsura niya.
"Sorry poooo" Ginaya ko pa ang tono at paggawa ni chichay sa G2B pinapanood ko kasi yun eh. Kaya lang tapos na! Huhuhuhuhuhu hurt nanaman ako
"Wag mong gayahin si chichay dahil hindi kayo magkamukha. Pitchay pwede pa" Ang sama talaga nang ugali nito!! Nakaka bad-vibes nang umaga eh. Nakakainis tatalikuran ko na sana dapat siya kaya lang nahulog sa bag ko ang necklace na binigay sakin nang dati kong bestfriend. Kaya lang wala na siya ngayon eh nasa ibang bansa na T___T Hurt hurt nanaman ako </3
Kukunin ko na dapat kaya lang mas naunahan pa ako ni addison na kunin yun. Ang bilis naman! May lahi siguro tong snatcher! Ang bilis manguha eh!.
"Saan mo to nakuha?!" Pasigaw na tanong niya sakin. Aba! Sino siya para sigaw-sigawan ako?! Hindi niya ako pinapalamon!
"Nakuha agad? Hindi ba pwedeng binigay muna nang bestfriend ko?!" Pasigaw rin na sabi ko sakanya! Lumambot yung expression ni addison kung dati naka poker-face lang siya ngayon mukha na siyang tanga. Nakangite kasi eh! High siguro to!
"Hoy! High ka ba?! Alam mo ba na bawal ang drugs dito?" Tanong ko sakanya.
"High agad? Diba pwedeng may naalala muna?" Inulit niya yung kaninang tono ko.
"Ano naman yun?" Feeling close na ako ngayon. Aba! siya nga hawak yung necklace na binigay sakin nang bestfriend ko eh. Siya nga yung mas feeling close samin eh
"Long time no see bestfriend"
Para akong nanigas sa sinabi niya sakin. Bestfriend?
=========================================================
Author's Note:
Sorry Guys T_T kung ngayon lang ako nakapag update! Nagkasakit kasi ako nung isang linggo tapos kahapon lang ako gumaling! Love you :*
BINABASA MO ANG
The Cold Bitch
Roman pour AdolescentsMeet Addison Candice Smith and pinaka baddest,coldest bitch na makikilala niyo. But behind her attitudes there's a secret she keep in herself that no one should know. Paano kung may isang taong dadating sa buhay niya? na tutulong sakanya para tuluya...