"Baboy, Baboy!" patungkol sa akin ng batang lalake na sadyang inilabas pa ang dila ng nakapikit pa. At saka ito nakakalokong tumawa. Tss... Kungdi pa siya inawat ng kanyang Mommy hindi pa siya titigil. Naglalakad kami nuon kasama si Auntie Lory at mga ate ko sa isang children's party.
Nang magkatitigan kami, muling tumingin at bumelat nanaman sakin ang isip bata na bata. Pinilit kong wag pansinin. Inilayo ang mata ko. Ipinagdarasal na mabilis naming malagpasan ang bata lalake.
Hindi ako tumitingin kila Auntie Lory at mga ate ko. Pinipilit kong wag magpakita ng kahit anong emosyon lahit ramdam kong namumula ang pisngi ko. Nagpanggap na walang narinig sila Aunti at Ate sa nangyari. Ramdam ko dahil alam kong naaawa sila sakin at ayaw nila akong masaktan kayat minabuti nilang wag itong pagtuunan ng pansin.
Hindi ko na naman mapigilang tanungin ang sarili. Bakit nga ba kasi pangit at mataba ako? Pero ung dalawa kong ate payat at diretso ang kanilang buhok? Binalot ang puso ko ng awa sa sarili.
Saka pumikaw ulit ang lagi kong itinatanong sa Panginoon... Ampon ba ako? Ampon ba ako? Ampon ba ako?
Parang ayaw ko na tuloy pumunta sa handaan. Baka kasi mas marami manukso sa akin duon... Pag dumadalo kami sa mga pagtitipon at kasama kong ang mga ate ko, lagi kaming ikinukumpara. Kapag sa kanila... 'ang gaganda naman'. Pag sakin naman 'ang cute cute cute! lang..' oo tatlong beses. para hindi sumakit ang birhen na damdamin ko. Hindi nila alam, matalino na ang tao sa edad na 5 taon at nararamdaman ang kaibahan ng pakitungo ng mga nakatatanda..
Tahimik ang paglalakad namin. Haist.... Kakainis. Sa lahat ng mapapansin, at bakit yung pangit pa ang makikita? ng isip batang ito? Bakit di nya pansinin si Aunti Lory, mataba din naman Aunti ko. Bakit ako pang nananahimik. Porket ka-age lang kita ang lakas ng loob mo? Tss...
Ganito ang buhay ko nung bata ako. Traumatized. Laging takot makihalubilo sa mga tao lalo na sa mga bata. Paano naman kasi sa tuwing lalabas ako hindi dadaan ang araw na may makakapansin sa itsura ko: kulot na kulot ang buhok na tulad ng sa ita, may konting pagkaitim ang balat, may pagkapango ang ilong, at halos kasing taba ni Ryza. Mas mataba pa nga ata... at mahiyain. Pero kahit ganito, hindi ako kahit minsan pumatol sa mga nangaasar sakin....
"Hoy girl! gawin mo na to pasahan na mamaya natutulala ka pa diyan." sabi ni Shelo. Ang yabang naman nito magutos. Kala mo kung sino. Pwede namang maayos ang pagkakasabi eh.
Hindi kita sasagutin. Walang respeto.
At hindi ko nga siya sinagot. binagalan ko pa lalo. Ang ugali kong to ang dahilan kung bakit lagi akong misinterpreted. Tumatahimik na lang pag naiinis. Hindi ineexplain ang sarili.
"Ano ba yan!" ani pa niya..
Hindi ko na siya pinansin dahil mahuhuli ma ko sa lunch.
BINABASA MO ANG
Blooper Queen
RomancePuro kamalasan. May pag-asa kaya ito sa taong nagugustuhan niya kahit puro katatawanan at kahihiyan ang nararanasan niya?