Yuya

8 0 0
                                    

     Dama ko ang mamasa-masang hangin ng dalampasigan, habang naglalakad kami ni Julian papunta sa cottage kung nasaan sila Kiko. Malamig na din ang simoy ng hangin, at nagsisimula nang tumaas ang tubig sa pampang. Mabuti na lang at kakaunti ang tao ngayon kaya di ganun ka gulo. Pasado alas-sais na ng gabi, may kadiliman na din ang paligid. Kitang kita ang kulay lilang langit na may halong kaunting kahel at pula. Minsan, yung mga bagay na katulad nito ay madali nating naipagsasawalang-bahala dahil masyado tayong nagpapadala sa mga problema sa buhay. Nakakalimutan natin na ang mga simpleng bagay na gaya nito ang nakapag bibigay din ng konting ginhawa sa mga buhay natin.

     'Ang drama ko, tanginers.' ang natatawa kong isip. Minsan masarap din kasi magmuni-muni at mag senti. Pain is addicting, ika nga.

Pakwento-kwento pa si Julian sa akin habang naglalakd kami. Ang nakakatawa lang ay magka hawak-kamay kaming dalawa ngayon habang naglalakad. Yung ibang mga nakakakita sa amin ay napapangiti na lang, akala kasi nila marahil ay magkasintahan kaming dalawa. Bromance lang po ito, mga kaibigan.

"So", ang sabi ni Julian, sabay harap sa akin. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay habang magkaharap kami.

"Are you ready?" ang dugtong niya pa. Sinamantala ko itong pagkakataon na ito para titigan ang kanyang mga mata.

"I am." ang sagot ko. Napangiti ako nang bigla niyang hinalikan ang aking noo.

"I will take care of you, you don't have to worry." ang sabi niya sa akin. Napatango ako bilang pagsang-ayon.

Malayo pa lang ay dinig na namin ang ingay sa cottage. Maririnig ang pagkanta ng isang babae na sa wari ko ay si Abby. Siya lang naman ay may ganyan kagandang boses sa amin. Magaling bumirit ang bruhang yun, bagay sa kanya ang boses niya kasi may pagkaluka-luka siya. Siya ang pinakabaliw na babae sa amin,

"I was your amber, but now she's your shade of gold." ang sabi sa kinakanta ni Abby. Stone cold ni Demi Lovato. Natawa naman ako dahil nagkatinginan kami ni Julian at mukang pareho kami ng iniisip na akmang-akma yung kanta sa sitwasyon ko noon.

"Stone cold, baby. God knows I'm trying to feel..." ang patuloy ni Abby.

"I'm happy for you, know that I am." ang bigla naming kanta ni Julian. Lalo lumakas ang tawanan namin dahil doon.

"Tara na nga ng mabilis, nagugutom na ako. May lasagna na dala si Kiko kanina, alam ko paborito mo din yun." ang sabi ni Julian. Tumango ako at ngumiti habang walang reklamong nagpahila sa kanya papunta sa cottage.

"Even if I can't understand" ang pagpapatuloy ng kanta ni Abby. Dito ako nagsimulang panandaliang napaisip ng malalim. Lost in thought, ika nga. Naalala ko lang yung pagkakataong katugma ng sinasabi nitong kanta. Noong nalaman ko na hindi na ako yung nagpapasaya sa kanya, kay Voltaire. This song hits every single moment that I did my best to forget.

"I'll take the pain, give me the truth,"

"Me and my heart, we'll make it through."

"If happy is..."

"Adrian?" ang biglang basag ni Julian sa pag-iisip ko. Napatingin ako sa kanya, at nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. Bumuntong-hininga muna ako, at tumingin sa mga kamay naminna magkahawak. Saka ko siya tinignan ulit at ngumiti. Hiniwakan naman niya ang pisngi ko saka mahinang sinampal. Natawa naman ako sa ginawa niya.

"SURPRISE!" ang sigaw ni Ju nang makalapit kami sa cottage. Sabay-sabay na nagtinginan sa amin ang mga classmates namin na halatang nabigla sa pagdating ko.

"OMG Adriaaaaaannnnn!" ang maingay na sabi ni Abby sa mic. Dali-dali siyang lumapit sa amin at niyakap ako ng mahigpit.

"You're soooo pogiii OMG anyare? Napapanood naman kita sa Youtube but dannnnggg! Ang pogi-pogi mo na lalo!" ang madaldal na sabi ni Abby. Di pa din niya namamalayan na nakatapat pa din ang bibig niya sa mic kaya natawa ang mga kasama namin.

"Hello din Abby. I missed you too." ang natatawa kong sabi namnan sa kanya. Inikot ko ang paningin ko hanggang sa mahagip ng mata ko si Kiko. Hanggang ngayon ay nakatulala pa din siya sa amin ni Julian.

"So ano Kiks tutunganga ka na lang ba diyan?" ang nakangiti kong sabi sa kanya. Gusto kong tumawa kasi nakita ko ang itsura niya na parang iiyak na. Sa amin kasing tatlo nila Julian, si Kiko ang pinaka-iyakin.

"NAKAKAINIS KA ADRIAN!! Sabi mo.. sabi mo.." at yun lang ay tuluyan na ngang umiyak si Kiko. Natawa naman ang mga kasama namin dahil hanggang ngayon, para pa ding bata si Kiko. Ang cute-cute lang umiyak.

"Tahan na baby, dito na si Yuya (kuya)" ang paglalambing ko kay Kiko. Dali-dali naman siyang lumapit sa akin si Kiko at yumakap ng mahigpit. Ginantihan ko naman ang yakap niya dahil na-miss ko din naman siya.

"Group hugggg!!!!" ang sabi ni Julian sabay yumakap sa amin ni Kiko. Natawa naman si Kiko habang nakasubsob pa din sa dibdib ko.

"Kumpleto na naman po ang three-way gay lovers! Akihiko I'm so sorry my dear, your uke will have a threesome with these bishies" ang mukang tangang sabi ni Abby kaya nagtawanan na naman ang mga kasama namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 13, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Thank you. I'm Sorry. I Love you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon