Chapter 6:
"MAMBA, alas sais dapat nakauwi na kayo ni Autumn. You know what will happen if you didn't follow me."
"Yes, Young man."
Binalingan niya pa ang isang lalaki. "Scorp, you already know what to do. Hindi ka pwedeng lumayo kay Autumn. Samahan mo siya kahit saan siya pumunta."
"Yes, Young man."
Tahimik lang ako sa isang sulok. Nakahanda na ako sa pag-alis. Nakasuot ako ng isang blue dress with a belt and a pair of stiletto. Naglagay rin ako ng make-up sa sarili ko - isa sa mga pasalubong niya sa akin. Nakatirintas ng maayos ang buhok ko.
Tinupad niya ang sinabi niyang papayagan niya na akong lumabas sa bahay na 'to pero pakiramdam ko, hindi pa rin ako malaya. May itinalaga siyang personal driver at personal bodyguard ko. Lahat ng galaw ko ay alam pa rin niya. Hindi na lang ako tumutol. Ang importante dito ay makakalabas na ako.
Pagkatapos pa ng ilang utos sa mga magbabantay sa akin ay natapos na rin siya. Lumapit siya sa akin. Hinigit niya ang bewang ko palapit sa akin.
"Uuwi ka, a? Aasahan ko 'yan." Mahinang bulong niya. "Hindi ka pa rin pwedeng makipaglandian sa ibang lalaki. You're mine now, Autumn."
Tumango na lang ako sa sinabi niya. Kinilabutan ako sa banta niya. Pakiramdam ko ay may gagawin siyang hindi maganda kapag hindi naging maganda ang galaw ko habang wala siya.
Hinalikan niya ang labi ko. Pinabayaan ko siyang gawin iyon. Pagkatapos, hinayaan na niya kaming makaalis. Hindi ako nagpaalam sa kanya, lumakad na lang agad ako palabas nang bumukas ang malaking pinto.
Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyan na kaming makalabas. Namiss ko ang sariwang hangin. Namiss ko ang makakita ng puno sa paligid. Sa wakas, nakalabas na rin ako.
Nagpahatid ako sa bahay ng pamilya ko. Ibinigay ko ang direksyon. Tatlumpong minutong byahe ang nangyari bago kami makakita ng iba pang kabahayan. Napakalayo pala talaga nito.
Nakaupo sa front seat si Scorp at ang driver ay si Mamba. Tahimik lamang sila. Hindi ako gaanong mapakali dahil panay ang lingon sa akin ni Scorp.
"Lady is doing fine at the backseat. We're now heading to her family's house."
Napabuntong-hininga na lang ako. Alam niya talaga lahat ng galaw ko. Wala pa rin talaga akong kawala. Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa labas.
"Mamba..." Tawag ko.
"Yes, Lady?"
"Nasa Bataan pa rin ba ang bahay ni Lordan?"
Sumulyap siya sa akin saglit. "Yes, Lady. Sa kagubatan ng Pilar, Bataan."
Tumango ako sa sagot niya. Akala ko ay lumayo kami. Hindi pala. Pero Bataan? Ilang oras pa ang byahe para makarating ng Zambales.
"She talked to Mamba, Young man." Bulong na naman ni Scorp.
Pati ba naman ang maliit na impormasyon na iyon ay dapat na makarating sa kanya? He's crazy! Dapat pala ay sumama na lang siya sa akin.
Ibinaling ko na lang ulit ang tingin ko sa labas. Wala naman akong magagawa kung ito ang gusto niya. Papabayaan ko na lang siya.
Nakatulog ako sa mahabang byahe. Dalawang oras ang naging byahe. Paggising ko ay alas diyes na. Naging pamilyar na ang daan sa akin. Malapit na kami sa bahay.
Ibinaba ko ang salamin nang makarating na kami sa gate ng farm namin. Bumungad ang mga letrang nasa taas. Monte Lo's. Nasa dulo pa nito ang bahay namin.
Nakita ako ng nagbabantay kaya binuksan niya ang gate. Binati pa nga niya ako nginitian. Kinawayan ko siya.
Ngayon ko nagpagtanto na hindi pala sapat ang salitang nangulila ako ng sobra ngayong nandito na ako mismo. Ngayong nakabalik na ako sa bahay na kinasanayan ko, bumalik ang init sa puso ko. Para akong nabuhay muli. Parang nagsimula ulit ang pagdaloy ng masaganang dugo sa mga ugat ko. Sa wakas, nakahinga ulit ako ng maluwag pagkatapos ng mahigit isang linggo ko sa bahay ni Lordan.
BINABASA MO ANG
Unwanted Pleasure(MontelloSeries#2)[COMPLETED]
RomanceAutumn Blaire Montello, Winter's sister, is a good girl. Wala siyang bisyo. Hindi siya masungit. Hindi siya palaaway. Pero mahina siya, hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili niya. She's not like her sister. One time, when she was in a bar, she me...