hello 'Abciddy', thanks sa pag follow :)
-- -- --
** ** **
amBELLEsyosa (c) 2014
** ** **
Gabi na. Pascroll scroll lang ako sa newsfeed ko habang nanunuod ng GGV.
Sarisari yung mga nababasa ko. Posts tungkol sa mga crush nila, tungkol sa pagkapanalo ni Pacquiao, tungkol sa mga nangyari sa kanila ngayong araw, tungkol sa GGV, at kung ano-ano pa.
Pero may isang posts na nakakuha ng atensyon ko.
Yung status ni long-time crush, sabi niya:
*LMS para sa TBH.
at dahil nga chance na itey, agad kong ni-like yung status niya.
Naghintay ako para sa TBH niya, mga ilang minuto rin ang nakalipas at nakatanggap ako ng isang mensahe. At oo, galing sa kanya.
Siya: TBH, naku-cutean talaga ako sa'yo.
Syempre, kinilig naman ako. Sino ba namang hindi diba? Emegehd lang. Nag reply naman agad ako, baka kasi naghihintay rin siya ng aking reply.
Ako: Weh? Talaga? hahaha. Salamat. :D
Nag-abang ulit ako ng reply niya. Ilang minuto pa ang nakalipas at nakita ko yung tatlong dots sa chatbox na nagpapahiwatig na nagta-type siya. Kaya naghintay ulit ako. At jaraaaaaaaaaan!
SEEN.
Kaloka! Akala ko pa naman ay makakachat ko pa siya ng matagal. Psh. Nag logout na lang ako at natulog na.
**KINABUKASAN**
Lunes. Pero dahil nga summer na, walang pasok.
Hapon na ng nagising ako, mga bandang alas dos na kasi ako nakatulog kagabi. Pagkagising ko ay hinanap ko agad ang phone ko at nag facebook.
Lumunda naman ang puso ko ng nakita kong may isang mensahe na naghihintay na mabasa ko. Agad kong binuksan ito at nagising ang diwa ko sa laman ng mensahe.
Siya: TBH ulit, hindi kasi kumpleto yung kanina.
Eto na yun. TBH, matagal na kitang gusto. Simula pa ng naging magkaklase tayo sa English 123 noong 1st year tayo. Ang talino mo kasi, lagi kang nag re-raise ng hands mo, lagi kang may sagot sa bawat tanong ng teacher natin. Noong 2nd year tayo, nagalala ako kasi baka hindi na tayo magkaklase, iba kasi yung major ko sa major mo. Pero malakas talaga ako sa nakakataas! Classmates pa rin tayo, hind lang classmates, seatmates pa. Alam mo bang lagi akong may ganang pumasok sa school dahil alam kong makikita’t makakatabi kita? Ang saya lang. Pero ngayong 3rd tayo, nalungkot ako kasi hindi tayo naging magkaklase. Pero mabuti na lang at may mga common friends tayo kaya paminsan-minsan ay nagkikita tayo. Ang bilis lang ng panahon ano? Sa susunod na pasukan, 4th year na tayo. Isang taon na lang at ga-graduate na rin tayo. Isang taon na lang ang nalalabing panahon na maikita at makakasama kita. Kaya hindi na ako magsasayang ng pagkakataon. TBH ulit, gusto kitang ligawan. No, scratch that, liligawan kita. Sorry kung dito pa talaga ako sa FB nag confess ha, natorpe kasi ako. Di bale, bukas na bukas rin, magiging matapang na ako at manliligaw ng pormal.
Oh diba? haba ng hair! Pagulong-gulong ako sa kama at ilang ulit kong sinampal ang aking sarili, baka kasi nananaginip lang ako! Pero shetlungs! Totoo mga ‘te! Totoong totoo. Hindi ako makapaniwala. Tili ako ng tili sa tuwing binabasa ko ang message.
Patuloy lang ako sa pag-gulong nang may kumatok sa pinto, “Ateeeeeee! Kanina pa kita ginigising. May bisita ka”
Napabangon naman ako, “Sino raw?”
“Aba malay ko! Bumaba ka na kasi. Ini- interrogate na siya nina papa.”
Sino kaya yung bisita ko? Si Belle ba? Agad naman ako pumuta sa banyo. Nagtoothbrush at naghilamos, saka bumaba. At shetlungs ulit! Muntik na akong mahulog sa hagdanan sa nakita ko.
“Anong ginagawa mo rito?” Nanlalaki pa ang mga mata ko. Si crush, nandito sa bahay. Anong ginagawa niya dito? Hindi ako prepared. Emegehd! Nakapajama pa ako kahit hapon na, halatang hindi pa ako naliligo.
Nakita ko naman ngumiti siya at tumayo. Napansin ko ring may dala siyang mga bulaklak, bouquet of tulips to be exact, at chocolates. Lumapit siya sa akin at iniabot ang mga ‘to sakin, “Sabi ko naman sa’yo diba, liligawan kita.”
Kinuha ko naman ito sa kanya at napatingin kina papa’t mama, nginitian lang nila ako.
“Nakapagpaalam na ako sa kanila, okay lang sa kanilang ligawan kita kung okay rin sayo” aniya. “So, okay lang ba?” tanong niya.
Hindi ako makapagsalita. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala nagyayari to. Kaya tumango lang ako bilang sagot.
At ayun na nga, nagsimula na siyang manligaw sa akin. Araw araw kaming nagkikita sa school, nagcha-chat at nagte-text. At after ng ilang months na panliligaw, naging kami na.
Grabe! kahit na inis na inis ako noon sa LMS at TBH na yan, laking pasasalamat ko, kasi dahil diyan, nagkalakas loob ‘tong boyfriend kong umamin. Kung hindi dahil sa LMS at TBH yan, hindi ko boyfriend ‘tong long time crush ko. ^w^
-END-
Vote. Comment. Share
^w^
Sana po nagustuhan niyo. HAHAHA.
Ngayon ko lang kasi napansin yang LMS at TBH na yan. hahahahaha ^O^
Na-inspire kasi ako sa friend ko, medyo ganito kasi yung nagyari sa kanya. ^O^
BINABASA MO ANG
'LMS for TBH' Love Story (one-shot)
Teen FictionAkalain mo yun? Yung kinaiisan kong kaetchosan sa FB ay naging daan para magka-lovelife ako. ^w^