Chapter 4

12.8K 189 2
                                    

Chapter 4:

KATULAD ng sinabi niya, limang araw nga siyang wala. At sa limang araw na 'yon, nakaramdam ako ng pagiging malaya. Nawala rin ng bahagya ang takot na aking nararamdaman dahil wala siya sa paligid ko. Pero hindi ibig sabihin noo'y masaya ako. I'm not. Wala akong kausap dito sa bahay niya. Nilayuan ko na rin ang mga bodyguard niya dahil ayaw kong matulad sila kay Hawk. Ayaw man nila akong sisihin, alam ko at ramdam kong ako ang may kasalanan kaya ganoon ang sinapit niya.

Sa buong limang araw ko, wala akong makausap. Panunuod ng telebisyon lang ang ginagawa ko. Madalas din ay nagpapatugtog ako. Pero hindi nawala sa loob ko ang kagustuhan kong makaalis sa bahay na  'to. Naghahanap pa rin ako ng paraan para makalaya sa impyernong 'to. Isang linggo na ako dito. At hindi ko na papangarapin pang tumagal.

Ngayon na ang balik niya kaya umuusbong na naman ang matinding takot sa puso ko. Natatakot na naman ako para sa aking sarili.

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Dumagundong sa kaba ang dibdib ko. Umayos ako ng pagkakaupo sa kama at hinintay na may pumasok.

Nang makita kong si Manang Luna iyon, nakahinga ako ng maluwag.

"Lady, bumaba na daw po kayo. Padating na si Young man."

Nginitian ko siya. "Opo manang."

Lumabas din siya agad. Naligo muna ako bago bumaba. Bawat hakbang ko sa hagdanan, sobrang kaba ng nararamdaman ko. Hindi ko gustong lagi siyang nakikita.

Naabutan ko ang mga bodyguard na nakalinya at nakatayo malapit sa pintuan. Lumapit ako doon.

Ilang minuto pa kaming naghintay. Hindi naman nagtagal ng isang oras ay dumating na rin siya. Binati siya ng mga trabahador niya. Samantalang hindi naman ako makapagsalita. Makita ko lang siya ay tumitinding na ang balahibo ko sa takot.

"Autumn." Tawag niya sa akin.

Napalunok ako. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya hindi ko siya magawang tignan sa mata. Nakayuko lamang ako.

Agad niyang hinigit ang bewang ko palapit sa kanya. Dumikit ang braso ko sa dibdib niya.

"May mga pasalubong ako sayo." Mahinahong aniya.

Tinignan ko siya pero agad din akong nag-iwas ng tingin.

"Hindi mo naman ako kailangang bilhan."

"I want to..." Mahinahong saad niya.

Nanahimik na lang ako. Nag-iwas na lang ako ng tingin sa kanya. Bahala siya kung anong gusto niyang gawin. Hinapit niya pa lalo ang bewang ko palapit sa kanya. Napakagat-labi na lang ako.

"Scorp, pakiakyat sa kwarto lahat ng pinamili ko." Utos niya sa isang bodyguard. Iyon 'yong bago.

Hawk at Scorp? Ang weird ng mga pangalan ng mga bodyguard niya.

Dinala niya ako sa kusina. Pinaghila pa nga niya ako ng bangko.

"Manang Luna..."

"Yes,Young man?"

He 'tsked'. "Manang, simula ipinanganak ako, kasama na kita. Sabi ko, Lordan po ang itawag mo sa akin, di ba?"

Ngumiti si Manang. "Pasensya na, hijo. Nasanay ako sa ama mo."

"Manang..." Lumapit siya sa matanda at hinawakan ito sa magkabilang braso. "Ang usapan natin, tatawagin mo lang akong 'Young man' kapag nandito si Dad."

"Oo na, hijo. Sige na. Ano bang ipapagawa mo?"

Ngumiti si Lordan at bumalik sa akin. Umupo siya sa tabi ko. "Meryenda, please?" Malumanay na pakiusap niya.

Unwanted Pleasure(MontelloSeries#2)[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon