CHAPTER 7

43 1 0
                                    

Bago matapos ang kanilang trabaho ay may mga pulis na nagpunta sa gasulinahan para magtanong sa mga trabahador nito kung may alam sila sa mga pangyayari dahil doon siya nanggaling bago maganap ang krimen. Kabadong kabado si Vince dahil alam niyang siya ang may kagagawan nito. Ngunit di naman niya alam na ganoon ang kahahantungan at lalong hindi niya alam kung nagkatotoo ba yung text niya o coincidence lang. Pero dalawang beses na ito nangyari kaya nababagabag siya sa nagyayari at nakokonsensya sa nagawa niya. Sinabi ng mga pulis na nakakulong na si Mr. Carpio dahil nga nahuli niya ang kanyang asawa at kalaguyo nitong nagtatalik sa kanilang bahay mismo.

Sobrang nagulat ang mga kasamahan ni Vince dahil napakabuti ng pagkakakilala nila sa asawa ni Mr. Carpio. Di nila akalaing magagawa niya ito. Pagkatapos mag imbestiga ng mga pulis ay umalis na agad ang mga ito.
Grabe talaga noh? Di mo na alam kung sinong mabuti at masama ngayon. tsk sabi ni Claire ang kasamahan ni Vince.

Trulabels girl, echosera pala yang asawa ni Mr. Carpio grabeycious! sagot naman ni Gyan.

Oras na para umuwi, si Vince ay tumungo na sa bahay. *tutut* *tutut* May nagtext sa kanya..

From: 666

        HUMANDA KA ORAS NA NG PAGBABAYAD!! (May kasama pa itong picture message na may demonyong babae nakangiti magkatabi sila sa picture, nakita niya doon na meron narin siyang sungay at buntot at may apoy sa paligid)

*Boooogggsshh* Bigla niyang hinagis yung cellphone niya at tumakbo pauwi. Hingal na hingal siya at namumutla. Sobrang natakot siya sa nakita.

Oh anong nangyari sayo? Parang nakakita ka ng demonyo?? Sabi ng nanay niya.

Di niya ito pinansin at pumasok na siya ng kwarto para magpahinga. Habang nakahiga siya naiisip niya yung nakita niya sa kanyang cellphone, sa kakaisip ay nakatulog na siya. Biglang may demonyong nag-appear sa kanyang kwarto! Pilit siyang hinihila nito papuntang Impyerno sa may baba ng kanyang kama..

Mwahahahaha! Hahahahaha. Sumama ka na sa akin Vince. Mwahahahaha!

Waaag!! Waaaaaaaaaggg!!-Sigaw ni Vince.

Anak.. Anak, Vince gising! Napabalikwas si Vince. Anak ano bang nangyayari sayo?! Maluha-luhang sabi ng kanyang ina sa sobrang pag-aalala.

May demonyo! May demonyo!

Anong demonyo anak? Walang demonyo, di ka kasi nagsisimba at nagdarasal anak eh. Bukas na bukas magsisimba tayo tutal half day ka lang naman di ba?

O-opo. -sabay yakap sa kanyang nanay.

M-Ma s-sorry sa lahat ng ginawa ko ah? Napangiti ang kanyang ina sa sinabi ni Vince. :)

Wala yun anak basta ayusin mo na buhay mo ah?

Opo ma, Promise po.. at natulog na muli si Vince.

PICTURE MESSAGE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon