Reign POV
I have a wonderful weekend. I spend the whole weekend sa bahay ni AJ. Hindi talaga kami pinauwi ni Mama (AJ's mom) buti na lang saktong friday kami nagpunta at wala ng pasok sa opisina kinabukasan. Sa kwarto na din ako ni AJ natulog nun, buti na lang din may mga naiwang damit pa pala akong nakatabi doon habang si Abby naman ay sa guess room.
Sobrang saya ko non dahil ramdam ko talagang welcome na welcome ako sa family nila. Naging closed ko na din sila agad lalo na si Ash.
Nang pauwi na kami nung sunday ng hapon, sumama pa sa amin si Ash at dinala kami sa condo unit ni AJ. Dito daw nauwi si AJ noong nandito pa sya sa Pilipinas at dito din daw ako tumira noon simula ng maging kami. Noon ko nalaman na nag live-in pala kami at napagtanto ko napakalalim ng pinagsamahan namin ni AJ. Sa natatandaan ko kasi ayoko ng ganung set-up. Yung magsasama kami sa isang bubong ng karelasyon ko ng hindi pa kami kasal. Ilang beses na din akong niyakad noon ni Dylan nung nasa London pa kami na maglive-in na pero hindi ako pumapayag.
Hindi na din ako umalis ng condo noon at nagdecide ako na dumito muna ng ilang araw. May nakita naman kasi akong mga gamit ko dito.
Pumaling ako ng higa pakanan. Napangiti ako ng makita ang picture namin ni AJ sa side table nya. Nakahiga pa din kasi ako ngayon at nagmumuni muni. Parang tinatamad pa kasi akong bumangon. I feel comportable here. Feeling ko nasa sarili pamamahay ako ngayon. Siguro nga ganun talaga yun dahil dito na ako halos nakatira sa loob halos isang taon naming relasyon ni AJ.
Naputol ang pagmumuni muni ko ng tumunog ang cellphone ko pero hindi ko yun inintindi dahil tamad na tamad talaga akong bumangon hanggang sa nawala iyon kaso ilang saglit lang tumunog ulit iyon kaya napilitan akong bumangon baka kasi importante din.
"Hello!" Sabi ko dito ng hindi tinitignan kung sino man ang tumawag saka nahiga ulit.
"Finally! Sinagot mo din!" Sabi sa kabilang linya na nabosesan ko na agad kung sino.
"Why did you call?? Ang aga mong mang istorbo." Sabi ko lang na may pagkasarkastiko.
"Hoy anong maaga ka dyan? It's already ten thirty my dear bestfriend!" Sabi nya kaya agad akong napalingon sa orasan.
Oh?! Late na nga!
"Bakit ba kasi?" Sabi ko na lang na hindi inintindi yung huling sinabi nya.
"Anong bakit ka dyan? Baka lang kasi may nakakalimutan kang lakad ngayon!" Sarkastikong sabi nya sa akin. Bigla namana akong napaisip sa sinabi nya.
Shoot! Tenge naman! Nagpapasama nga pala ako sa kanya ngayon para pumunta sa ARS Clothing Line.
Bakit ko nga ba nakalimutan yun?
Dali dali akong nagpaalam sa kanya saka nagshower at mabilisang nag ayos. Panigurado kasing sesermonan ako nitong si Abby. Ayaw pa naman nyan ng pinaghihintay.
"Sorry I'm late!" Sabi ko kay Abby pagkalapit ko sa kanya. Dito na lang kasi kami nagkita sa Coffee Shop ng asawa nya bago kami pupunta sa Company.
"Ano pa nga ba magagawa ko?" Mataray na sabi nya bago nagpaalam na sa asawa nya. Napailing na lang ako sa pagtataray nya. Knowing her, I know hindi ako matitiis nyan.
Nakita ko namang naglambingan pa sila sandali bago kami tuluyang nakaalis. Para tuloy akong nainggit sa nakita ko at bigla din pumasok sa isipan ko si AJ. Napailing na lang ako ng maiisip yun.
Kamusta na kaya sila? Natanong ko na lang sa sarili ko.
Dumaan na muna kami sa isang restaurant para makapaglunch.
"So anong plano mo ngayon?" Tanong ni Abby habang naghihintay kami ng order namin.
"Plan for what?" Patay malisyang sagot ko kahit na may hint na ako sa kung anumang ang tinutukoy nya.
"About you and AJ." Sagot naman nya. Saglit akong napaisip sa sinabi nya.
"Honestly, I don't know yet! Siguro aayusin ko muna yung sa amin ni Dylan." Sagot ko naman sa kanya. Wala pa talaga akong naiisip na gagawin ngayon at sa tingin ko naman mas makakabuti kung aayusin ko muna yung sa amin ni Dylan para wala na kaming maging problema ni AJ.
"Okay! Just let me know if you need some help." Sabi nya lang sabay dating ng order namin. Agad din naman akong kumain dahil ramdam ko na ang gutom. Hindi nga pala ako nakapagbreakfast.
Nagkwentuhan pa kami hanggang matapos kaming kumain saka nagpunta sa Clothing Line ko. Sa kanya pala ibinilin ito ni AJ noong umalis ito ng bansa. Simula kasi ng magkaamnesia ako si AJ na daw ang namahala nung mga naipundar kong negosyo including the bar and restaurant kung saan kami unang nagkita ni AJ. Hindi ko din naman kasi ito mahandle, hindi kasi ako pinapupunta dito ni Dylan.
After work, sa condo ulit ako umuwi. Parang ayoko na ngang umalis dito eh. Baka by next week na lang ako umuwi sa bahay, wala din naman kasi si Dylan kaya malaya ako gawin ang gusto ko.
Speaking of Dylan. Until now, hindi pa din sya natawag sa akin. Simula kasi ng umalis sya hindi na kami ulit nakakausap. Ewan ko ba kung anong nangyari dun. Ayoko naman ako pa yung tatawag sa kanya. Manigas sya. Mas okay na siguro yung ganito.
*****
Kring... kring... kring...
Narinig kong tunog ng cellphone ko.
Manang Fe calling...
Napakunot ang noo ko ng makita kung sinong tumatawag. Bihira kasi akong tawagan nito maliban na lang kung may emergency sa bahay. Kaya agad ko din itong sinagot.
"Hello manang! Napatawag ho kayo? May problema ba?" Bungad na sabi ko dito.
"Ahm. Ma'am kailangan nyo muna pong umuwi dito ngayon." Parang kinakabahang sabi nya kaya lalo akong nagtaka.
Hanggang ngayon kasi hindi pa din ako umuuwi. Almost 3 weeks na. Yung sanang planong pag uwi ko nung nakaraan ay hindi natuloy. Tinamad din kasi ako.
"Bakit ho? Ano bang problema?" Nag aalalang tanong ko dito.
"Basta ho ma'am. Umuwi na lang kayo ngayon. Hintayin na lang po kayo namin dito." Yun lang at binaba na din nya ang tawag. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan. Kaya dali dali na din akong umalis ng opisina at umuwi ng bahay.
Pagdating ko ng bahay, nasalubong ko agad ang ibang kasambahay namin. Natataka naman ako sa kanila, dahil parang halos kinakabahan silang lahat. Hindi ko na lang muna iyon pinansin at agad hinanap si Manang Fe.
Nasa itaas daw ito kaya umaakyat agad ako. Sakto namang pag akyat ko ay syang labas nya sa study room. Bakas sa kanyang mukha ang kaba. Magsasalita na sana ako ng biglang bumakas ulit ang pintuan at lumabas ang taong hindi ko inaasahang makita.
♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢●♢
BINABASA MO ANG
I Will Never Give Up on You (Girl X Girl) - 'Completed'
RomancePaano kung natagpuan mo na ang taong magbibigay muli ng kulay sa buhay mo? Magagawa mo bang sumugal muli sa pag-ibig? Hanggang saan ang kaya mong ibigay para sa taong mahal mo? Paano kung sa isang iglap ay mawala ang taong nagpapasaya sa iyo? Maghih...