" YOU BRING ME BACK TO LIFE "
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER TWO
" Saglit lang kuya huwag ka munang umalis mag-usap muna tayo." pigil ni Princess Ann sa kuya niya na gabi na pero paalis na naman.
" Saka na----"
" No kuya ngayon na. Halos kadarating mo lang pero paalis ka na naman. Will you stay for a while?" inis na ring aniya ni Princess Ann.
Walang nagawa ang binata kundi ang muling naupo sa malambot na sofa.
" Now talk Princess may lakad pa kami ----"
" May lakad kayo ni Amanda a I right?" putol at tanong ni Princess sa kapatid.
Hindi naman agad nakaimik ang binata sa tinuran ng kapatid dahil totoo naman kasi ito. Pero bago pa man siya makaimik muli ay naunahan na siya nito.
" Huwag mong masamain ang pakialaman ka kuya dahil may karapatan kaming makialam sa iyo. Pero puro ka na Amanda , alam ni'yo bang immorality na ang ginagawa ninyo? Okey sabihin na nating doon din ang tungo ninyo pero what a hell kuya your acting like little child. Kung magpakasal na lang kaya kayong dalawa at lagi na kayong magkasama huwag ang ganyan." panimula ng dalaga.
Ibubuka pa lamang ni Angelo ang bibig para ipaliwanag dito na gano'n naman ang plano niya pero muli ay inunahan siya nito.
" Hayaan mo muna akong magsalita kuya kapag tapos na ako go ahead magsalita ka o hindi wala na ako doon pero once in for all let me talk first." aniya nito at pansamantalang huminga bago nagpatuloy.
" Galing ako sa kabila kina grandpa Raven at sabi ni grandpa matagal ka na rin daw hindi dumadalaw doon samantalang noon ay araw-araw kang nandoon. Okey fine sabihin na nating busy ka sa trabaho mo and your spending most of your life there but will take a time too in giving time to our grandparents? Let's say lagi kang nasa labas kasama ang Amanda mo pero kuya naman will you act as a professional one? Wala na si lolo Vince na sandalan mo kaya't maging makatao ka naman kuya. Ang sabi ni mommy hindi ka na rin napepermi dito dahil puro ka Amanda. Holy Christ kuya your letting us get mad at you. Once and for all kuya ayusin mo ang buhay mo bago kita mabalikang muli. Kahit kuya pa kita kapag ako ang napuno pasensiyahan tayo. Minsanan lang ako nandito sa bansa kaya don't let me do what you gonna hate it." hiningal ako kailangan ko ang kape!
Habang pinapakinggan ang sinasabi ng nakakabatang kapatid ay nakabuo siya ng isang desisyon. Kakausapin niya ang kanyang nobya at hihingin na niya ang kamay nito sa mga magulang. Wala namang problema sa kanyang side dahil nasa tamang edad na siya at kaya na niyang magdesisyon ng para sa sarili niya. Pagtigil ng kapatid niya sa pagsasalita ay hindi na niya ito hinayaang unahan pa siyang muli sa pagsasalita. Lumapit siya dito at inakbayan ito.
" Mukhang humuhugot ang bunso ah? May pinagdadaanan ka siguro ano? Opps ako din naman sis magsasalita kako baka pagod ka na. Hmmm wala ka naman sa court room eh kaya relax ka lang muna. Ganito iyan sis aalis ako ngayon at kakausapin ko siya at planuhin na namin ang pagpapakasal namin ng makagawa kami ng triplets at may maalagaan ka." panimula ng binata.
Akmang magsasalita na naman ang dalaga pero tinakpan ng binata ang bibig nito saka nagpatuloy.
" Sabi mo hayaan muna kitang magsalita kanina kaya't puwedi bang ako din muna ang magsalita. Yes sis alam kung malaki na ang pagkukulang ko sa inyong lahat lalo na ang bonding natin. Siguro nga tama ka sis na puro na ako Amanda I just love her that much at hindi ako papayag na hindi kami magpapakasal. Hayaan mo sis babawi ako sa inyong lahat. Kaya relax ka na ha? Baka maubusan ka ng maidadaldal sa korte ng Switzerland." pabirong totoo na sambit ng binata.
BINABASA MO ANG
YOU BRING ME BACK TO LIFE BY : SHERYL FEE ( COMPLETED )
Ficción GeneralDrama on how the main characters will survive from the chaos of life specially when it comes to love.