TWWCBM
Finding Shokoy
"Haaa— " pssh. Ito na nga ba ang sinasabi ko ehh. Walangyang shokoy na yun, pagpipirasohin ko talaga yung pinahiram niyang shirt sa'kin..
"Haaaaachhuuuuuw! " Ang sakit-sakit ng ulo. Paano ba naman kasi, kung di dahil sa hinayopak na yon di sana ako magkaka-sakit ngayon. Hayss.
"Okay ka lang bakla? Kaya mo pa bang pumasok sa lagay na yan?" Nag-tanong pa 'tong bakla na ito kita na nga niyang nahihirapan na ako.
"Mameeey. Hindi ako pwedeng umabsent todaaaay. Alam mo namang attendance is must sa next class natin. Baka nakaka-limutan mong nagme-menopausal na yung susunod na instructor natin." Nakaka-stress yung next prof. namin. At isa pa itong nakaka-stress ha! Kanina pa kami dito sa canteen tapos ni kahit na anino ni shokoy di namin nakita. Aba, nilamon na ba siya ng karagatan kaya di siya mahagilap ng byutipol eyes ko?
" Maiba tayo ,kamusta naman yang kagagahan mo sa pagbalik-balik mo dun sa lugar kung saan ka iniwan ng hinayupak mong boyprenlalo? " ayan na naman siya sa pagtatanong niya ng tungkol sa kagagahan ko. Nag-mahal lang naman ako ah? Kagagahan na ba ‘yun?
" EX boypren ko bakla. Atsaka, wag ka ngang bitter dyan! " iniripan ko nga, kala niya ha.
"Hoy Reyn! Tigil-tigilan mo na yan ha! Mag-iilang buwan na di ka pa nka get over? Try mo kayang mag move on? " Hala siya. Move on daw? Yung haba nga ng trafic sa edsa di parin mka move on. Ako pa kaya?
" paano ako makaka-pag move on kung madaming tanong sa utak ko na di parin nasasagot hanggang ngayon? " totoo naman eh, ang hirap mag let go kung wala din namang mabigat na dahilan. Kahit pa iniwan niya lang ako ng basta-basta pero wala naman siyang sinabi kung bakit?
" Luhh. Sarah G. Ikaw ba yan? Tssk! " nambara na naman ang bakla.
"Hay ewan. Basta, di ako titigil sa paghihintay niya doon. Babalik siya, alam ko yun. "
" Kung babalik nga siya, ikaw pa kaya yung mahal niya? Kung masagot man niya iyang mga katanungan mo, may magbabago ba sa pang-iwan niya sayo?? " biglang naging seryoso si bakla. Hindi ko alam kung pano ko nga ba siya masasagot sa katanungan niya. Ang alam ko lang kasi, gusto kong balikan niya ako. Hindi na ako naka-sagot pa. Alam ko namang marami pa siyang ipangbabato sakin na tanong. Wala pa naman kami ngayon sa Q&A segment ng showtime.
Since wala pa naman si shokoy, ewan ko kung anong pangalan ng panget na yun. Kanina pa kami naghihintay di man lang nagpakita. Kainis ha! Minabuti na muna naming pumasok na lang baka sakaling makita pa namin siya mamaya. Ayaw kung mag-sayang ng oras kaya, bahala siya sa buhay nya kung may plano pa ba siyang kunin itong t-shirt na'to, pwede ko din namang gawing basahan to eh. Hihi joke lang.
Dahil maganda ako at ayaw makibagay ng katawan ko, inilabas ko na lang yung headset at cellphone ko. Balik na naman sa dating gawi. Masama talaga pakiramdam ko kaya wala talaga ako sa mode pra makinig kay Ms. Menopausal, feeling ko mas lalao lang akong aantokin sa boses niyang pang lullaby. Hohoh. Maka-ilang siko din si bakla sakin pero kere lang diko siya pinapansin, tatalakan na naman ako for sure. Hihi.
After a long long period of time. Laysho. Sa kinahaba-haba din ng discussion sa dismissal din ang ending. Hahaha ang galing ko talaga. At dahil kakatapos lang naming e-dismissed kaagad ko namang hinablot si balka. Oo, hinablot ko talaga sya. Sabi ko naman diba, ayaw ko ng magsayang ng oras. Kaya dapat mahanap na namin yung may-ari ng t-shirt nato. Tssk. Ba't ba kasi di namin siya makita saang karagatan kaya yung nagsusuot-suot. Omg! Di kaya nasabugan ng granada yung karagatang pinuntahan niya tapos, natamaan siya at nametey? Ayy. Ang brutal ko naman mag-isip. Erase—erase!
" Hoy bruha! Yung braso ko di na maaabutan ng bukas yan sa kakahila mo sakin! " sabay hampas ni mamey sakin sa likod. Ouchyyy ha. Maka-hampas sakin.
"Hahanapin pa kasi natin yung shokoy bakla. " patuloy parin ako sa paglalakad habang palinga-linga.
" Eh kung maghiwalay kaya tayo?" Napa-bitaw agad ako sa kamay niya.
" Pati ba naman ikaw mamey? Iiwan mo rin ba ako? Bakit? " Sabi ko pa habang hinihimas-himas ko yung puso ko.
"Gaga! Ang ibig kong sabihin maghiwalay na tayo sa paghahanap ng prince charming mo. Maka-arte ka bakla ha" napapa-kamot na lang din ako ng ulo. Akala ko kasi ano na.
"Hihi sareyy naman. Anyway, tetext na lang kita pag nahanap ko na siya, tapos e text mo din ako pag nahanap mo din siya. " nag-agree naman kaagad sakin si bakla. Papunta ako ngayon sa basketball court, pero walang pagmumuka ni shokoy ang nakita ko. Kung bakit ba kasi hindi ko natanong iyong pangalan niya o kung anong course ang kinuha niya. Tssk. Inikot ko yung ibang building nagbabaka-sakali din pero wala din siya doon. Pagod na pagod na ako sa kaka-ikot, napatingala ako sa langit dapit hapon na at di na masyadong naaaninag ng campus yung init ng araw. Napatingin ako sa kaliwang bahalagi ko, napansin kong hindi ko pa pala napuntahan yung rooftop ng school building. Hmmf, kaya siguro diko siya makita sa campus maybe he's at the rooftop.
Iilang hakbang na lang malapit na ako sa road to forever. Chuss! Malapit na ako makaabot sa pintuan ng rooftop, kaya lang parang may naririning ako. Parang ano...
to be continued..
--
Sorry for the short update guys. Enjoy reading. Bawi ako sa next update.

BINABASA MO ANG
The Woman Who Can't be Moved
Roman pour AdolescentsMoving on doesn't mean you let go. Instead letting go means Moving on. Life isn't about happiness and sadness it is about how you learned from it. And to make things possible you should start it first to your self. But how can she move on when all s...