Nagtatakang tinitigan ni Nathalie si Renz.
Kanina pa niya pinag-iisipan kung anong nasabi niyang masama dito para bigla nalang bumalik sa pagiging dark ang aura nito. Pero, sobra talaga siyang nagpapasalamat. If he’s not here, baka namatay na siya.
Tahimik niya lang itong tinitititigan sa pamamagitan ng maliit na liwanag ng apoy sa gitna nila. Para bang aligaga ito at hindi malaman kung paanong puwesto ang gagawin. Gusto niya itong lapitan, pero nanghihina pa siya buhat ng nangyari kanina.
She just closed her eyes. Hinihiling na sana mag-umaga na, baka kasi mawala na ang apoy. Baka hindi niya ito kayanin.
Maya-maya, naramdaman niyang may umupo sa kanang tabi niya. Marahang dumilat siya at nakita nga niya si Renz na nakaupo sa tabi niya. May hawak itong kurtina at karton. Tahimik lang itong inaayos ang mga ‘yun.
“Hey,” she uttered dahilan para mapalingon ito sa kanya. “May nasabi ba akong masama? Did I offend you? Pakisabi naman sakin,”
“No.” he answered, “Just please, wag mong sabihing mabait ako. And don’t say thank you again. Tinulungan kita ng bukal sa puso, I’m not asking for anything in return.”
“But that was just—“
“Just don’t say thank you again, para matapos na ‘to.” Hindi manlang siya nililingon nito. patuloy lang ito sa pag-aayos ng bagay na hindi magets ni Nathalie kung para saan.
“O-okay.” Nayuyukong sabi nalang nito.
Kung makikita mo siya sa malayo, all you can see was his dark and cold aura. Dahil sa all black get-up niya sa araw-araw at sa madalas nitong pag-iisa.
Pero, kung tititigan ng malapitan. He’s not really that cold. It’s not really a dark aura.
He’s using props.
Iyon ang conclusion ni Nathalie. Feeling niya, sabik sa saya ang kaharap. Sabik sa tao, sabik sa kaibigan. He was just using his get-up to look scary. Pero deep inside, may mabuti itong kalooban. Hindi lang iyon napatunayan ni Nathalie sa araw na ito. Kundi sa maraming pagkakataon na.
“Empty your bag,” biglang sabi ni Renz sa kanya.
“What?” she asked while frowning, “Para saan?” takang taka ito pero tinanggal niya rin ang lahat ng laman niyon. Which is make-up kit, cellphone, fake I.D at yung handkerchief na ibinigay nito. habang nilalabas niya iyon, she feel uncomfortable, nahihiya siya na ewan dahil sa dala parin niya ang handkerchief na ibinigay nito sa kanya at alam naman niyang nakita ni Renz ‘yun.
“Ang awkward naman.” Bulong nito sa sarili. Sinubukan niyang hulaan ang emosyon ni Renz nang titigan niya ito, pero wala siyang makitang emosyon dito. Parang blangko ang isip nito, pero kung magsalita’y parang punong puno ang utak.
After removing her things, inabot niya kay Renz ang bag.
She has no idea about what he is planning to do. Pero nagulat na lamang siya noong hubarin nito ang pants nito. Dali-daling tinakpan ni Nathalie ang mga mata sabay tumalikod. “Ano ka ba naman? Unti-unti ka namang nagbobold sa harap ko!” inis na sigaw ni Nathalie.
“What are you talking about? I have boxers inside.”
Nilingon niya ito, “B-boxer lang? ano bang gagawin mo sa pants mo? p-pwede bang isuot mo nalang?”
Hindi siya sinagot nito.
She managed to just stare on what he’s doing. Tiniklop ng binata ang pants nito at sinuksok sa manipis na telang bag niya. Matapos maisarado nito ang zipper, inabot ni Renz ang bag sa kanya.

BINABASA MO ANG
Hypnotized (The man of Revenge)
Romance“Beware of some good looking guys around. Some of them might have the ability to hypnotize you."