Chapter 18 - "Lagi ka nalang bang iiyak, Amethyst?"

726 14 6
                                    

A/N: ADVANCE HAPPY MOTHERS DAY SA MGA SUPERMOMS SA BUONG MUNDO! At sa mga kagaya ko na malayo sa kanilang mga ina, darating din ang panahon. XD MOMS ARE THE BEST! :D

CHAPTER 18 - "Lagi ka nalang bang iiyak, Amethyst?"

Vince’s POV

Yung feeling na paggising mo sa umaga, badtrip ka na agad. 

“VINCE! VINCE!”

“OH?”

“WALA LANG!”

=_____=+ Isa nalang talaga tong si Arthur. Pasalamat siya may sugat ako at hindi ko siya matira ngayon. Kanina pa nangungulit eh, ang aga aga dumating dito. Sinama pa si Alex na inubos yung dapat na breakfast ko. Sige kayo nalang pasyente. =____=

I sighed. Naalala ko wala palang pasok ngayon, kaya pala ang aga pumunta ng mga to.

“Pupunta ba si Amethyst dito?” 

“AYIEEEE HINAHANAP SI AMETHYST!” – Alex at Arthur

“Kung maka-react. Sagutin niyo nalang.”

“Pupunta raw siya before lunch. Babantayan raw muna kasi niya yung pamangkin niya.” – Alex

Ako? Wala siyang balak bantayan ako? Eh kasalanan niya nga na nasa ospital ako ngayon eh. =_____=

Amethyst’s POV

Kumuha ako ng trapo tapos pinunasan ang lamesa namin. Maagang umalis si ate kanina kasama si Kuya James, may appointment ata na kung ano. As in, madaling araw. Ginising pa nga nila ako kasi ako pababantayan nila kay baby Angelo. Well, alam naman nila na kailangan kong pumunta ng ospital kaya siniguro nila na before lunch, makakauwi na sila. Kaya heto ako, todo kayod kakalinis ng mga dumi ni baby Angelo. 

Hindi niya kinain yung pagkain niya. Binuhos niya muna sa lamesa saka kinain. =____= hay nako mga bata talaga. Ang hirap nga ata talaga maging nanay. Bilib na ako ngayon sa ate ko. Kahit ina na eh bagets parin ang dating. Ganun rin naman si Kuya James, heartthrob parin. Hehe. Hearthrob kasi siya sa SMA dati. 

*blag*

“UGH! Angelo!” Sabi ko habang padabog na naglalakad papuntang sala. “Anong nangyari? Binasag mo yung vase?” Tanong ko tapos kumuha ng walis at dust pan. Umiling naman si baby Angelo. Nilinisan ko naman yung nabasag na vase, baka masugatan pa si Angelo eh. Hay nako, ang hirap talaga nito. Kita mo nagbabantay palang, nahihirapan na ako, panu nalang kaya yung mga nanay na sobra pa ang ginagawa dito? 

Namimiss ko tuloy ang mama ko. Siguro, kung buhay pa si mama, hindi malalandi ng mangkukulam na step mother ko ang papa ko. Isa din tong tatay ko, nagpalandi. =_____=

Binuhat ko naman si Angelo tapos pinaupo sa couch. Si Shamcey tumabi naman sakanya. Kapag nakikita ko si Shamcey, namimiss ko yung alaga kong pusa na naiwan ko sa England. Hindi ko naman kasi pwedeng isama. Buhay pa kaya yun? Humanda talaga sakin ang mangkukulam na yun pag ginawa nilang pulutan yung alaga ko. =_____=

Maya maya, dumating naman na sina Ate Jade at Kuya James. Wow. May dala pang mga kakanin at iba pa. Biko, puto, and etc. Madalhan nga si Vince ng ganito mamaya. 

“Oh Amethyst, pwede ka nang pumunta sa hospital.” Sabi ng ate ko habang nilalabas yung mga pagkaing dala niya galing sa supot. 

“Ah sige, magbibihis na ako.” Sabi ko tapos tumakbo sa kwarto ko. Nagmadali na akong nagbihis, baka kasi maabutan ako ng lunch eh ang sabi ko before lunch. 

The Missing Heiress (TMH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon