Chapter II

27 0 0
                                    

Ella's POV

Maaga akong nagising ngayong umaga. Kailangan kong magpaganda para kay "bestfriend" Jasper.

Nga pala, ako si Isabela Santiago, Ella for short.

Pang-ilang beses ko na ba gagawin to? Di ko na mabilang. Parang kahit anong pagpapaganda at pagpapapansin ang gawin ko sa kanya, di nya naa-appreciate. Pero ayos lang. Hihintayin ko na lang mangyari yun. Hihi.

Alam nyo, marunong naman ako maghintay. Actually, 5 years ko na 'tong ginagawa. Childhood friends kasi kami ni Jasper. Magkumare at magkumpare ang parents namin. Kaya super close talaga kami. Kaya nga siya na ang bestfriend ko since birth eh. Pero nagbago ang pagtingin ko sa kanya nung 12 years old kami. Unti-unti akong nadevelop sa kanya. Kaya lang hanggang ngayon di pa rin nagbabago ang relationship status namin. Best friends pa rin. Pero ayos lang. I won't give up. Maghihintay pa rin ako.

Pagtingin ko sa relo ko, alas syete na pala. Bakit kaya wala pa rin si Jasper? Napagpasyahan kong lumabas ng bahay. At boom! Nakita ko agad siya.

"Best!" bati ko kay Jasper.

"Uy best! Kanina ka pa ba? Sorry kung medyo natagalan ako ha. Tara na?" sagot sakin ng mahal kong si Jasper.

"Hindi naman. Tara, alis na tayo, para maaga tayong makapasok sa eskwela." Yaya ko kay best friend.

" O sige best, ako na magbitbit ng bag mo." Alok sakin ni best.

"Salamat ha."

Ang bait talaga ni Jasper. Napaka-gentleman. Kaya mahal na mahal na mahal ko yun eh.

Habang naglalakad kami...

"Best, gumaganda ka ah." Puri sakin ni Jasper.

OMG! Sa wakas! Napansin na niya. Sa sobrang tuwa, natameme ako, di ko alam ang sasabihin.

"Huy. Best."

"Ha? Ah wala. May pinagpapagandahan lang ako."

"Talaga? Sino? Share mo naman. May paganyan-ganyan ka na pala ngayon ha. Di mo man lang sinasabi sakin."

Hindi na rin ako nakasagot. Dumating na kasi yung LRT na sasakyan namin. At pumasok na kami sa loob ng tren.

Tren (A story of love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon