Rhian POV
Okay na sana ang araw namin, pero may sumawsaw lang.
Malayo palang nakita ko na kaagad sya. Pero hindi ko lang pinansin at hindi ko rin sinabi kay Glaiza kasi mukhang hindi naman nya nakita at mukhang wala syang pakialam sa paligid. Kaya okay na sakin yon.
Diretso kaming lumakad hanggang sa makalagpas kami sa kanya. Well, okay naman pala.
Pero napansin kong huminto si Glaiza, and that's when I saw her hand, holding Glaiza's wrist.
Hinarap ko sya. Inalis ko ang kamay niya.
"What do you want?" Inis kong sabi sa kanya.
Ngunit imbes na pansinin nya ako, si Glaiza ang kinausap nya.
"Glaiza, what a small world. Dito pa talaga tayo nagkita. Ang pagkakataon nga naman." Sabi niya.
"Yeah, maliit nga talaga ang mundo. Excuse me lang ha? Pero may pupuntahan pa kasi kami eh." Sabi ni Glaiza.
Napangiti naman ako sa sinabi nya. It means, ayaw nya talagang makipag usap dito. Gladly!
Naglakad na ulit kami.
"Glaiza, can we talk?" Tanong nya.
"Ano naman ang pag uusapan natin?" Sagot ni Glaiza na ngayon ay nakakunot na ang noo.
"In private please?" Sabi pa nito.
"Nasa public tayo, wag ka ngang ano." Sabi ko naman sa kanya.
"Wala naman tayong dapat pag usapan. Kaya pwede ba? Leave us alone." Sabi ni Glaiza sa kanya.
"Mayron! At kung ayaw mong magkaalaman tayo dito, pumayag ka nalang." Sabi niya.
Narinig ko ang buntong hininga ni Glaiza at tumingin sya sakin.
Now, I'm worried kong ano ba ang pag uusapan nila. Gaano ba kaimportante yon? Para in private pa sila mag usap.
"Okay, but make it quick, I'll be in our cottage." Sabi ko sa kanya.
Wala naman akong choice eh. I have to let her talk to her.
"Salamat love." Sabi ni Glaiza. At naglakad na ako papunta sa cottage namin.
___________________
Glaiza POV
Naglakad kami ni Solenn palayo. Sa lugar na walang tao.
Labag sa kalooban ko ang kausapin sya, pero ayoko naman na marinig ni Love ang mga kalokohan nya.
"Magsalita ka na." Walang gana kong sabi sa kanya.
"I missed you." Sabi nya.
"Bakit mo naman ako mamimiss eh hindi naman tayo close." I rolled my eyes.
"Pwede ba, don't act like there's nothing between us." Padabog na sabi ni solenn sakin.
"There's nothing between us talaga. Kaya tigilan mo na ako, okay? Wag mo na akong guluhin. Kami ng asawa ko." Sabi ko sa kanya.
Nakakainis talaga ang babaeng ito. Walang magawa sa buhay. Ako ang ginugulo, di nalang maghanap ng iba.
"Masakit na yang sinasabi mo ah. Wag mo akong binibiro ng ganyan." Sabi ni solenn at nag cross arms pa.
"Totoo ang sinasabi ko. Solenn. Alam mo yan." Sabi ko sa kanya.
Nalungkot naman ang mukha nya.
"Glaiza naman kasi." Sabi pa nito.
"Stop it." Sabi ko sa kanya bago pa sya mag inarte.
"Just leave us alone." Sabi ko sa kanya para matapos na ang usapang ito.
Tumahimik sya at yumuko.
Tumingin ako sa relo ko, pumapatak at nasasayang ang oras ko.
"Babalik na ako sa asawa ko." Sabi ko sa kanya.
"No!" Sabi pa nito.
Tiningnan ko sa mga mata nya. I can see anger from it.
I stayed calm.
"Solenn, I need to get back to my wife." Sabi ko sa kanya.
"Pwede ka nang bumalik sa kanya, kung papayag ka sa gusto ko." Sabi niya sakin.
"Anong arte ba ito? Pero sige, sabihin mo at pag iisipan ko." Sabi ko sa kanya.
"Stay with me for a day." Sabi nya ng nakangiti.
"What?!" Nagulat talaga ako sa sinabi nya.
"You heard me right, Glaiza. Hindi ko na uulitin ang sinabi ko. So ano? Oo o oo?" Sabi niya sakin.
"No. Hindi ako papayag sa gusto mo." Sagot ko sa kanya.
"Ayaw mo? Teka matanong kita, does Rhian know what happened between us?" Tanong nya sakin.
Kinabahan ako sa tanong nya. Hindi pwedeng malaman ni Rhian ang lahat lahat.
"Hindi nya na kailangang malaman." Sabi ko sa kanya.
"So ayaw mong ipaalam sa kanya?" Tanong nya sakin.
Hindi ko sya sinagot, tiningnan ko lang sya. Ano bang mapapala ko sa pakikipag usap sa babaeng ito.
"What if ako nalang magsabi sa kanya?" Sabi ni Solenn na ikinalaki ng mga mata ko.
"Don't do that. Okay?" Sabi ko sa kanya.
"Okay, edi pumayag ka na." Sabi nya.
"Ano ba yan, paulit ulit tayo eh." Naiinis kong sabi sa kanya.
"Then, I will tell her our little secret." Bulong niya sakin.
Hay, wala talaga akong mapapala sa babaeng ito.
Umiling ako.
"No, you will not. Aalis na ako. Bahala ka dyan." Sabi ko sa kanya at tumalikod na ako.
"Wag kang pakakasiguro, I know my ways how to tell her. Humanda ka sakin Glaiza. Hindi kita titigilan." Habol nya sakin.
Pero hindi ko na sya nilingon, bahala sya sa buhay nya. I'll do anything, para hindi na ulit mag cross ang landas namin. At sisiguraduhin kong hindi malalaman ni Rhian ang nangyari.
Bumalik na ako sa cottage namin. Kasalukuyan umiinom si Rhian ng juice.
By seeing her, I feel guilty, 'coz I have to lie na naman sa kanya. I wish I could tell her the whole thing. But I can't.
"Hi love. Mukhang napasarap ang usapan nyo ah. What is it all about?" Tanong sakin ni Rhian. Nakangiti pa ito kaya mas lalo akong naguilty.
"Well, it was nothing. Nag share lang sya nag problems nya. Then, nangumusta satin. It was so boring." Sabi ko sa kanya.
Hindi nya dapat mahalata na nagsisinungaling ako.
"Okay. Actually love, I don't like her being around us. Ayoko sa kanya." Sabi ni Rhian to which I nodded.
"Yeah me too." Sagot ko sa kanya.
At uminom ako ng juice.
"Love, Let's stay here until tomorrow. Gusto mo ba?" Tanong ko sa kanya.
"Sure. I'd love to." Sagot nya na sobrang lapad ang ngiti.
Our sweet moments continued..
*************
Hello my wonderful readers. There goes chapter 9. Sana nagustuhan nyo.
Salamat! 😘
🔚
BINABASA MO ANG
Starting Ever After (Sequel of Together Forever) COMPLETED
ФанфикThis is the second book of my Rhian and Glaiza fanfic story, entitled: Together Forever. So, If you have read the first book, then proceed. This is the story of Starting Ever After. They are married, so what's next? That's what we are going to read...